CHAPTER 18 - Emergency

291 30 0
                                    

VERONICA'S POV




Hayss nagwawalis palang kami pagod na pagod na agad kami , paano na kaya kung magpunas pa kami ng sahig at mga upuan. Kasalanan 'to ng diyablong yun eh!!!

"Bilisan mo ang paglilinis , ikaw may kasalanan nito." Mahinang saad ko kay Blaze. Hindi siya umimik. Aba himala!

"Pagod na ako , kaya niyo na yan." Saad ni stanley sa amin. Agad na nagsikunutan ang mga noo namin.

"Pagod na din ako , kaya na yan ng walis." Saad ni Laurent na ikinatawa ko ng kaunti.

"Sabi nila nakakapogi at nakakaganda ang paglilinis." Sambit ni Vladymyr.

"Akin na nga yan , ako na magtutuloy niyan." Saad ni Stanley. Natawa naman kaming lahat sa inasal niya , maliban pala kay Blaze.

"Napaka-uto-uto talaga." Bulong ni Vladymyr. Natawa ako ng mahina.

"Nasan nga ba si Leigh? Bakit hindi niyo siya kasama?." Tanong ko.

"Ayieee may crush ka kay leigh 'no?" Pang-aasar ni Stanley. Eto na naman siya mga kaibigan.

"Tumigil ka nga , nagtatanong lang ako eh."

"Nasa Room na yun panigurado , mas mabilis pa yun sa araw. Dilim palang nandito na yun sa School. Minsan nga lang sumabay samin yun pag napasok." Umiiling na sabi ni Laurent. Napataas ang kilay ko. Hindi ba siya natatakot? Duh ano nga naman kasing katatakutan dito?

"Eh anong ginagawa niya dito tuwing maaga siyang napasok?"

"Eh ano pa nga ba , edi nagbabasa sa Library. Minsan nga nakakatulog na yun dun sa pagbabasa eh." Natatawang sabi ni Vladymyr. Nakakamangha talaga ang pagbabasa ni Leigh , walang kasawaan.

"Ang bagal niyo mga iha at iho." Sambit ni Stanley sa amin. Napangiwi naman ako , eh paano pa-sitting pretty si kupal.

"Wow , hiya naman kami sayo na kada isang taboy ng basura nagpapahinga." Sambit ni Laurent.

"Maglinis nalang tayo para matapos na agad." Sambit ni Vladymyr. Napatingin ako sa kanan ko kung saan nandun si Blaze , nagwawalis parin siya hanggang ngayon at halatang pagod na pagod na siya. Napansin ko lang , kanina pa siya walang imik. Hindi siya nakikitawa sa amin. May problema kaya siya? Nagkakaproblema din pala ang diablo.

"Mga epal dyan muna kayo , bibili lang ako ng tubig natin sa Cafeteria." Sambit ko. Tumango naman silang lahat.

Maglalakad palang ako papalayo sakanila , ay nakarinig agad ako ng isang malakas na lagabog. Ibinalik ko ang tingin ko sakanilang apat , gulat akong napatingin ng makita kong nakatumba na si Blaze sa sahig. Agad ko siyang nilapitan.

"Nasaan ang gamot mo?" Nagpapanic kong tanong.

Hindi niya na kayang magsalita. Kaya kinapa-kapa ko ang mga bulsa niya .

Wala siyang dalang gamot!.

"Mas mabuti pa dalhin na agad natin siya sa Hospital." Saad ni Vladymyr. Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi ni vladymyr. Agad nilang binuhat si Blaze papunta sa Parking Lot ng schoolpara isakay sa kotse ni Laurent.

Pagkapasok namin sa loob ng kotse , agad na inabot ni Laurent ang inhaler kay Blaze. Para medyo makahinga ito ng kaunti.

Mabilis na pinatakbo ni Laurent ang Kotse niya , at wala pang 30 minutes ay narating na agad namin ang Hospital. Agad siyang inasikaso ng mga nurse at doctor dahil halos hindi na siya makahinga , namumula na ang balat niya at nagsisilabasan na ang mga ugat niya.

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon