Hindi dapat

10 0 0
                                    

Crush ko LANG siya e, pero ba't ang sakit para sa akin ang makita siyang masaya sa piling ng iba. Para bang gusto kong sabihin/kantahin yung, "That should be me, holding your hands. That should be me..."

Pero alam ko sa sarili kong hindi dapat kasi crush ko lang siya. Wala akong karapatan sa kanya. Ni hindi nga kami close e, we're just classmates/fb friends nothing more, nothing less and that hurts

Actually, I don't know if crush lang ba talaga ang nararamdaman ko kasi almost 9 years ko na siyang crush. Biruin niyo, 9 years! Natiis kong sulyap-sulyapan lang siya. Tapos 9 years! Hindi man lang nag-fade ang paghanga ko. 9 years! Crush pa rin ba yon? Paki-sagot, labyu.

Kaya heto ako ngayon hindi mawari kung bakit naluluha, e nakita ko lang naman si crush na tumatawa kasama ng ibang babae e. Nakakapagtaka talaga kung bakit ako naluluha, kung bakit parang ang bigat-bigat ng puso ko, kung bakit gusto ko silang lapitan at itigil ang pagtawa nila, kung bakit ang sakit-sakit na ng mga mata ko sa pinapakita nila, kung bakit parang biniyak yung puso ko. Bakit?! Hindi naman dapat.

Alam kong mahirap ang mag-assume. Pero may times na hindi ko iyon naiwasan.

Yung makatabi lang kami sa upuan, feeling ko kakausapin niya ako , then poof gusto na niya ako. Yung maka-group ko lang siya, kilig na kilig ako. Yung may inabot siya sa akin na galing sa iba, ang saya saya ko na kahit pinapaabot lang iyon. Ano bang nangyayari sa akin? Nasa tamang katinuan pa naman ako.

Ang pinakanakakatawa pa ay yung gumawa pa talaga ako ng tatlong signs para malaman kung ipapagpatuloy ko pa ba itong nararamdaman ko o hihinto na sa kalokohang to.

Noong una, may naramdaman akong munting pag-asa dahil nakita ko ang 2 sa 3 signs na hiningi ko. Gusto niyong malaman kung ano ang 3 signs na iyon?

1.) Makita ko siyang mag-wacky.

Kahit na imposibleng mangyari dahil sa seryosong ugali niya ay nakita ko siyang mag-wacky or make face. Not just once, not twice, not thrice, but 4 times. Nakakakilig kasi nakita ko ang ganung side niya.

Yung pagmemake face niya nung kinakausap siya ng mama niya. Grabe ang cute talaga niya.

Yung pag-wacky niya sa mga pictures sa internet. Hahaha kung hindi ko inistalk yung facebook niya, hindi ko pa makikita ang mga yun.

So ayun ang unang sign na natupad.

2.) Mabigyan niya ako ng something.

Kahit anong ibigay niya, kahit abot lang atleast binigay niya saken. Ang saya nabigyan niya ako ng walis. Haha Inabot lang pala. Madami na din siyang nabigay saken. Nakakalungkot lang dahil hindi naman talaga niya intensyong bigyan ako e. Pero okay na yun.

3.) Marinig ko siyang kumanta.

Ito talaga ang pinakagusto ko. I want to hear his singing voice. I want to know kung meron siyang golden/silver/tansong voice.

Ngayon, hindi ko na alam kung itutuloy ko pa ba ito. Well, bahala na. Basta masaya akong makita siyang masaya kahit masakit. Ganyan daw talaga e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Collection of One-shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon