Chapter 17

22 8 1
                                    

KAYE

WHERE is he? Paulit ulit ko na iyong ti-next sa kaniya subalit umabot na lamang ang alas dose ng gabi ay wala parin siya. Nag-aalala na ako. Tinignan ko ang cellphone ko at tinignan kung may reply na ba siya pero nanatili iyong blangko.

Bumuntong hininga ako at pumasok sa aking tent. "Kaye, sorry talaga. I know dapat hindi na ako nakialam, e' sorry, para kasing na disappoint ka noong ako ang bumasa sa name ni Khab, sorry talaga, ha. M-may nangyari ba?" Sinundan parin ako ni Lisa hanggang sa maka-upo ako. Hindi ko man napansin na nandito pala siya sa tabi ko.

Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Hindi okay lang." Mas naging concern ang kaniyang mukha. "T-talaga? Dapat hindi ko na 'yon ginawa, e' para kasing 'di mo nagustuhan, I know dapat ikaw ang nagsabi non hindi ako, nangilaam lang tuloy ako, ays." Bumuntong hininga ako. Wala siyang alam.

"Ayos lang, sige na matutulog na kasi ako." Maya maya ay malungkot siyang nagpaalam palabas. Naiwan ako sa loob habang napatulala at inisip ang nangyari nang may magsalita galing sa labas. "Kaye?" It was Khaby. Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay sumagot ako, medyo nakaawang lamang ang zipper ng tent pero hindi siya pumasok na ikina-salamat ko.

"Y-yeah?" I don't want to talk to him but if it is important.. okay. Umupo siya subalit hindi parin siya dumungaw, ngumiti ako kahit pilit. "Puwede ka namang tumingin, ano ba 'yon?" Dahan dahan niyang hinawi ang zipper ng tent dahilan upang magtama ang paningin namin. "Sandali lang 'to." Hindi ako nakapagsalita nang inilahad niya sa akin ang isang bottle.

"For me?" I asked even if it's obvious. He nodded. "Salamat!" Agad ko iyong kinuha, it's an orange juice. "Gusto ko lang inumin mo, ginawa ko pa 'yan, sana magustuhan mo." Ngumiti siya sa akin bago nagpaalam. Bumuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa botilya.

"Kayezhia."

Nagulat ako nang biglang sumulpot ang kaniyang tinig sa aking tenga kaya agad akong napaangat, nanlaki ang aking mata nang makita kong nakatayo na pala siya sa labas habang nakatingin sa hawak hawak kong botilya. "Eros! I'm sorry-" Akma ko siyang yakapin nang basta na lamang niyang hinablot ang hawak ko at siya na mismo ang yumakap sa akin na ikina-estatwa ko.

Galit siya hindi ba?

"Bukas ka na magpaliwanag, pagod ako."

Humiwalay siya sa'kin at bigla akong nasaktan nang hindi man lang siya bumaling at basta na lamang akong tinalikuran. "P-pero, sandali!" Hinawakan ko siya sa braso gamit ang dalawa kong palad. Huminto siya pero hindi niya ako nilingon, nanatili siyang nakatalikod. "I-I'm sorry..." Ilang sandali pa ay lumingon siya na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Bumagsak ang paningin ko sa hawak niyang orange juice na ibinigay sa akin ni Khab. "Putangina!" Napahiyaw ako nang basta niya lamang iyong tinapon sa dilim kaya gumulong iyon at hindi ko na makita. Naluluha kong tumingin sa kaniya. "Alam mo, hindi kita maintindihan!" Kinalas niya ang pagkakahawak ko dahilan upang mas lalo akong mapaatras.

Tumulo ang aking luha dahilan nang aking paghikbi, ang dali dali ko lang umiyak.

"G-gusto ko lang na ayain kang m-matulog kasama ako, E-Eros." Mahina kong bulong at kagat ang mga labi na humagulhol. Bahagya pang tumulo ang aking luha. Hindi nagbago ang ekspresyon niya, nanatili itong seryoso. Hinawakan niya ang braso ko ng mariin. "A-ang sakit!" Nasasaktan kong wika. Napatingin siya sa aking mata at madali akong binitawan.

"Ayaw ko." Iyon lamang ang kaniyang sinabi at umalis, papalayo. Agad akong tumalikod at padabog na pumasok sa tent. Isinara ko iyon at doon ko pinahiran ang aking luha. Humiga ako sa kumot at nagtaklob habang umiiyak, hinawakan ko pa ang aking braso dahil namumula iyon.

Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon