Chris Yui (March 11, 2015)

353 12 1
                                    

 

Date: 03-11-15

Penname: Chris Yui

1.      Introduce/describe yourself…

-          Dreamer. Believer. Reader. Writer DAW, hindi pa rin napasok sa isip ko na contract writer ako ng LIB. Simple pero fangirl. May katamadang taglay. Katulad ng iba… mabait sa mabait, at well not so good sa not so good din sa ‘kin. Babae po ako, haha!

2.      When did you start writing?

-          Nag-umpisa ako magsulat n’ong third year highschool ako, mag-third year college ako ngayon.

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

-          Ang “Chris” ay galing sa napakaganda kong pangalan na Christine. HAHA! At ang “Yui” naman ay… idol ko kasi sina Chris Tiu, Kim Chiu at Sam Tsui, puro sila “T” at “C” na may karugtong ng “ui” o “iu”. Why not, “Y” naman ang umpisa ng sa ‘kin hindi ba? ;)

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

-          Actually, kinontak ako through Booklat, p-in-ost ko kasi ‘yong story ko d’on simula n’ong malaman ko ang existence niya (January 7, 2014). Si Ma’am Anj ang nagmessage sa ‘kin. Sabi under evaluation ‘yong story, that was month of May and  I was like… “Ah,ok.” That story was rejected by PHR, na dream publishing company ko, n’ong magka-college ako kaya hindi na ako nag-expect na papasa siya. I waited for days, weeks and months for another message, kasi malay ko naman may himala. ‘Di ba? Pero wala. Hanggang sa mag-July, hinihingi ‘yong e-mail address ko. Sa isip-isip ko… “Shet, ang tagal bago nagmessage ulit. Reject na naman kaya hinihingi ‘yong e-mail add ko. Panigurado ang haba na naman ng comment tulad ng sa PHR.” Maybe that was the time na sabi ni God, oras na para matupad ‘yong dream ko maging writer kaya hayun gusto daw nila i-publish. Naiyak ako sa tuwa. At last, natupad ‘yong pangarap ko. :’)

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

-          ‘Yong valedictorian namin n’ong highschool. Actually, hindi naman niya sinabi na, “Oy, Tine. Magsulat ka ng story!” o kaya “Try mo magsulat ng story.” Madalas siya magtanong sa ‘min ng best friend ko ng mga kadalasan na hugot tungkol sa pag-ibig, todo sagot naman kami ni best friend hanggang sa tanungin na namin siya kung bakit siya tanong nang tanong. Nagsusulat daw siya sa Wattpad, and we’re like… “Pabasa!” Simula n’on naging reader niya kami— ako. Kada may hindi ako nagugustuhan sa story niya naiinis ako, kesyo gusto ko ganito-ganyan. Naisip ko, bakit hindi na lang ako gumawa ng sa ‘kin. That was when I started to write my not-so-real-puppy-love n’on elementary ako. HAHA! Hanggang sa nagsusulat na lang ako kasi gusto ko yong ginagawa ko at naging pangarap ko nang maging writer.

-          Inspirasyon? God. Other than Him? ‘Yong mga nagbibigay ng maganda at tunay na feedback sa sinulat ko. ‘Yong feedback ban a hindi biased. Tulad ng sinasabi ng ibang writer, na inspired sila kapag nakakatanggap sila ng magagandang feedback gan’on din ako. Aba! Sulit kaya ang pagod at puyat kapag gan’on, tapos gugustuhin mo na magsulat pa nang magsulat. ^_^

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon