CHAPTER 20 - Asar

260 28 0
                                    

BLAZE ASHER'S PoV

Kanina pa ako inaasar ng apat na 'to. Pati si Leigh na palaging tahimik nakikiasar na din. Nakakainis na sila. Pshh.

"Ayieee sabi ko na nga may namamagitan sa in---"

"SHUT UP!" Sigaw ko. Bigla silang natahimik.

"Nakakarindi yang mga boses niyo!" Sigaw ko pa.

Akala ko magiging payapa na ang buhay ko , pero hindi. Mas lalo pa nilang iningayan .Yung dalawang loko loko na sina Stanlay at Laurent nagtatatalon pa sa Sofa , Yung dalawang ngayon ko lang nakitang ganito ka energetic na sina Vladymyr at Leigh sumasayaw sa ibabaw ng Hospital Bed.

Ano bang nakain nila?

Napatampal nalang ako sa Noo ko.

NAKAKAINIS.

Sumakit bigla ang dibdib ko."Ouch!" Inda ko.Bigla silang natahimik. Akala ko lalapitan nila ako pero akala ko lang pala.

"Hala! Nasan na nga pala si Grace!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo at agad na kumaripas ng takbo papalabas ng kwarto.

"What the fvck! Kaibigan ko pa ba talaga kayo? Ano bang pinakain sa inyo ng panget na yon. Ako yung may sakit pero mas concern pa kayo?" Sigaw ko. Tss. Pero hindi ako galit sakanila , tampo lang hehe.

Kami lang ni Leigh ang natira dito sa kwarto. Nung una tahimik pa kaming dalawa pero nung lumapit siya , nagsimula na siyang magtanong.

"May gusto ka ba sakanya?" Tanong niya.

"WALA."

"Tss. I know you Blaze."

"Sa maniwala man kayo o sa hinde , Wala talaga akong gusto sakanya. Aksidente lang yung kanina. Kaya wag niyo ng bigyan ng malisya."

"Palagi namang aksidente eh , katulad nung nadatnan namin kayong magkasama sa isang kwarto..."

"STOP." Ma-awtoridad kong pagkakasabi.

"Wag niyong bigyan ng kahulugan ang mga bagay-bagay na wala namang kahulugan.", Seryoso kong sabi.

"Wag kang matakot." He said.

Nababaliw na ba siya? O baliw na talaga siya. Saan naman ako matatakot.

"Anong pinagsasasabi mo?"

"Wag kang matakot na buksan ulit yang puso mo. Mabuting tao si Grace , at nararamdaman kong hindi siya katulad ni Coleen." Seryoso niyang sabi.

"No , she's not. Sinasabi niyo lang yan kasi nagbabait-baitan siya sainyo , para makuha niya ang loob niyo. Pero kapag ako ang kaharap niya , labas na labas yung tunay na ugali niya. She's not kind , because your eyes are Blind." Nakakunot kong sabi.

"Hindi mo ba nakikita? Na sa inyo lang siya mabait. Bulag ka ba?" Dagdag ko.

"No Blaze , I'm not Blind 'coz she is really one of a kind. Kung tinatrato mo ng maayos ang isang tao , tatratuhin ka din ng maayos.Ngayon kung hindi ka niya tinatrato ng maayos , kasalanan mo na yun. Dahil una palang hindi mo na siya pinakitunguhan ng tama. Kung gusto mong tratuhin ka ng tama , iwasan mo ang pagiging masama at gumawa ka ng mabuti sa iyong kapwa." Seryosong sabi ni Leigh.

Napaisip ako."Tss." Tipid kong sabi. Kapag si leigh talaga ang nagsalita , wala akong masabi.

"Hindi mo ba nakikita? Unti-unti niya tayong nababago. Hindi mo napapansin yun kasi ang mas pinapansin mo eh yung mga pagkakamali niya." Umiiling-iling na sabi ni Leigh at lumabas.

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon