Chapter 21

189 20 1
                                    

Nag-aalala na nakamasid si Sanya sa kanyang ama na mahimbing na natutulog.

He looks so exhausted.

Napabuntong-hininga siya. Alam niyang hindi tumitigil ang kanyang ama na mahanap ang salarin sa pagpatay sa ilang empleyado nito.

"Kung hindi pa ko nagalit sa ama mo malamang nasa opisina pa yan,"untag ng kanyang ina sa tabi niya.

"Napansin ko kasi dalawang araw na siyang matamlay. Alam ko dahil sa kinakaharap na problema na nangyari nitong mga nakaraan,"may pag-alala sa tono na saad ng kanyang ina.

Bumaling siya sa kanyang ina. "Hindi po ako titigil sa pagtulong sa inyo mahanap lang po ang nasa likod ng lahat na ito,"usal niya.

Nakangiti na hinaplos ng kanyang ina ang buhok niya.

"Salamat,anak..hindi man pabor ang iyong ama,alam kong wala siya magagawa kung nais mo makatulong samin,"masuyo sabi ng kanyang ina.

"Sige na,magpahinga ka na.."anang ng ina saka hinalikan siya nito sa noo.

Dumeretso siya sa kanyang labatoryo upang ipagpatuloy ang ginagawa niyang potion na alam niyang ikatutuwa ni Azzam.

May ngiti sa mga labi niya na pinagmasdan ang hawak na tube na may naglalaman na kulay dilaw na likido.

Hindi pa man siya sigurado kung kailan niya matatapos ito pero nasisiguro niya na magiging epektibo ito.

Napukaw ang atensyon ng umilaw ang kanyang celpon na pinatong niya sa table.

Hindi nakarehistro ang numero na tumatawag sa kanya.

Tanging ang kanyang magulang lang at ang kasintahan ang nakakaalam ng numero niya.

Umulit muli sa pagtawag nang hindi niya sagutin ang una tawag nito.

Sinagot niya ang tawag tulak na rin ng kutob.

"Kamusta..?"

Nag-isa linya ang kanyang mga kilay ng bumungad sa kabilang linya ang hindi pamilyar na boses ng isang lalaki.

Napahigpit ang hawak niya sa kanyang celpon.

Isang mahinang pagtawa sa kabila linya ang pumukaw sa kanya at ang dating niyun ay tila inaasar siya nito.

She feel it kahit hindi man niya ito nakikita.

"Siguradong kuryuso ka kung sino ang kausap mo,"may himig na pang-aasar nitong sabi.

"Hindi ko na kailangan tanungin kung sino ka..you want to kill me,right?"deretsahan niyang sabi sa walang emosyon na makikita sa kanyang mukha.

Isang halakhak ang tinugon nito sa kanya.

"Well,ikaw nga lang ba?"

Nakikini-kinita niya na malaki ang ngisi nito sa mga labi.

Naningkit ang mga mata niya. "Alam mo bang isang karuwagan ang ginagawa mo?"may panghahamon niyang sabi pagkaraan ng ilang sandali.

Natahimik ang nasa kabila linya at sumilay ang isang maliit na ngisi sa mga labi niya. Bago pa man ito makasagot muli siya nagsalita.

"Bakit hindi ka humarap samin nang makita natin ang tapang mo na patayin kaming lahat,"mariin niyang saad.

Maya-maya pa ay muli ito tumawa.

"Masyado ka naman mainipin,mahal na prinsesa! Walang thrill kong gagawin ko yun. Mas mainam na...uunti-untiin ko kayong lahat,"sabi nito na mahihimigan ang panganib sa tono nito.

"Kasalanan niyong lahat! Dapat lang din na buhay niyo din ang kapalit!"dugtong nito sabay putol sa linya nito.

Mahigpit ang hawak niya sa aparato ng ibaba niya iyun.

Aminado sila na nahihirapan sila sa paghahanap kung sino nga ba ito. Mahusay ito magtago at gumawa ng krimen ng walang iniiwan na bakas maliban sa pare-pareho ng pagkakamatay ng binibiktima nito. Nababatid na din nila na iisa lang ang gumagawa nito. Ang pagpatay sa mga inosenteng tao na sinusunog na siyang tanging iniiwan nitong bakas.

Kinabukasan,nagtatakang wala ang ama sa hapag-kainan.

"Nasa kwarto pa ang iyong ama,"pagsulpot ng kanyang ina. Agad na nilingon niya ito.

"May sakit po ba si ama?"nag-aalala niyang tanong sa ina.

Masuyong ngiti ang tinugon ng kanyang ina.

"Takot siguro na magalit ulit ako kaya magpapahinga muna daw siya, "nakangiti sagot ng kanyang ina na siyang kinahinga niya ng maluwag.

"Sige na,sasaluhan kita mag-almusal.."giya ng kanyang ina sa hapag-kainan.

Masa unibersidad na siya at kasulukuyan nasa open field upang magbasa-basa habang hinihintay ang sunod na klase niya ng sumulpot sa tabi niya si Ismail.

Abala si Azzam habang nagpapahinga ang kanyang ama.

"Dumaan ako kanina sa agency,hindi pumasok si boss?"may pagtataka agad nitong tanong sa kanya.

Sinulyapan niya ito ng maupo ito sa tabi niya.

"Kailangan niya magpahinga, alam mo naman siguro ang kinakaharap niya ngayon,"tugon niya rito.

Tumango kaagad ito. "Grabe! Kung sino man siya,sisiguruduhin ko matutusta siya ng wagas!"bulalas nito.

"Kung ako ang masusunod..pahihirapan ko muna siya bago siya matuluyan,"saad niya na kinabaling nito sa kanya.

Ngumisi ito sa kanya. "Pwede malaman kung ano kayang gawin ng isang prinsesa?"anito.

Tinuturing na niya kaibigan si Ismail pero ang tiwala niya ay para lamang sa kanya mga magulang at sa kasintahan.

"Okay,pasensya na alam ko kalabisan na yun.."untag nito pagkaraan.

Ibinalik niya ang atensyon sa unahan. Madalang na ang mga istudyante marahil na sa mga kanya-kanya ng klase.

"Magsisimula na pala ang klase ko,"untag nito sa kanya.

May ilang minuto pa siya bago ang klase niya pero nagpasya siya na sumabay rito bumalik sa loob ng gusali.

Magkaagapay sila ni Ismail pabalik ng building. Lahat ng mga mata roon ay sa kanila nakatuon. Iba't-ibang klaseng titig mula sa mga ito.

"Ang creepy pa rin sa pakiramdam mga titig nila saka pakiramdam ko sa klase ng titig nila alam nila ang tunay na pagkatao ko,"natatawang bulong nito habang naglalakad sila ng sabay.

"Wala sinabi yan creepy na yan sa pamatay na tingin ng mga babae mo sa akin,"saad niya na kinatawa nito.

Nagkamot ito ng ulo ng bumaling siya rito.

"Hindi ka pa rin ba sanay?"

Nanatili blanko ang kanyang mukha.

"Wala naman ako pakielam sa kanila,"tugon niya.

Ngumisi ito sa sinagot.

"That's our Princess!"anito sa naaaliw na tono.

Yumukod ito sa kanya saka umakyat sa hagdanan patungo sa susunod nitong klase.

Pumihit na siya para tunguhin ang sunod niya klase ng magsalit mula sa itaas ng hagdanan si Ismail.

"Hintayin kita pagtapos ng klase natin,okay?!"anito sabay akyat na muli sa hagdanan.

Hindi siya natigilan sa sinabi nito iyun kundi dahil sa pamilyar na boses na iyun.

Katono ng pananalita nito ang lalaking nakausap niya ng nakaraan gabi.

Marahil labis lang siya nababagabag ngayon sa misteryosong lalaki iyun kaya pati si Ismail ay napag-iisipan niya ng hindi maganda.

Hindi iyun ugali ng isang prinsesa.

Iwinaksi niya ang kaisipan iyun saka siya muli nagpatuloy na muli.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon