Chapter 1

18 0 0
                                    

A/N : Unedited

"Magandang umaga po Mang Pido!" bati ko na agad naman akong nginitian..

"Ikaw pala Ali... Napakaaga mo talagang pumasok na bata ka... nag agahan ka na ba?""

"Madami po kasi akong tatapusin na trabaho at pinapatawag din ako ni Sir Bryan mamaya kaya kelangan ko ng umpisahan para hindi ako matambakan.. Huwag po kayong magalala nagkape na po ko bago umalis ng bahay..."

"heto pala kunin mo kakanin bigay ni misis pasalamat namin sayo... sanay magustuhan mo at huwag kang magtangkang magabot na bayad dito baka masapok kita.." sabay abot sakin ng isang maliit na supot laman ang kakaning kanilang binebenta..

"Ikaw talaga mang Pido karinyo brutal..." sabay tawa ng matanda.. "Hindi na po sana kayo nag-abala Mang Pido kayo talaga... Pero salamat po dito kakainin at nanamnamin ko tong maigi... Una na po ko sa loob... Regards po kay Nay Berna..." Dirediretso na kong pumasok sa aming opisina para matapos ang report na kelangan ni Sir Bryan... May sumabog kasing isang makina sa planta nataon na ako ang taong nagbabantay ng gabing yon Mabuti na lang at wala ng masyadong tao ng nangyari yun at walang nasaktan kundi mas malaking issue...

Ako nga pala si Ashley Montalban a.k.a Ali security ng Kapetilismo isang kilalang kompanya hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibat ibang bansa.. Kung tutuusin sabi ni Sir Bryan pwede akong pumasok as IT since ako din ang madalas umayos kapag my problema dito sa system namin at nagbigay na rin ako ng mailing ilang idea kung paano maeenhance hindi lang ang system pati na rin ang security ng company namin pero hinindian ko... Ayoko ng maghapong nakaupo at nakaharap sa computer noh maduling pa ko...

"Aliiiiiiiii my lovesssssss!!! My darlinggggggg!!!" tili ni Angela ng makita ako sa pasilyong nagroronda...

"OA mo beshy kahit kelan masisira ear drum ko sayo. Kapag tayo nasita sa kaingayan mo lagot ka talaga sakin." Banta ko dito habang patuloy sa paglalakad at pagoobserba sa paligid...

"Sino naman aber sisita satin... Saka namiss lang naman kita... Buti nga tawag lang ginawa ko sayo gusto ko ngang yakapin ka but knowing you I changed my mind baka mamaya sahig pa mayakap ko." Nakabusangot niyang sagot sakin...

"Huwag kang ngumuso diyan hindi bagay sayo.. Mukha kang malnourish na itik."

"Ang kapal ng mukha mo!!" sabay hampas niya sakin ng hawak niyang folder... "Etong mukhang 'to? Mukhang malnourish na itik?? Hello!! Ikaw lang talagang my lakas ng loob sakin niyan... Ugh!! I hate you!! Bahala ka na nga diyan!" Sabay walk out ng bruha habang hawak ko ang aking tiyan sa kakatawa.. ang bilis talagang pikunin ng babaeng yun.. Kung tutuusin maganda si Angela.. mukhang sopistikada basta huwag mo lang pagsasalitain...

"Sir Bryan..." Tawag ko sa aking boss bago pumasok sa kanyang opisina.

"Ohh andiyan ka na pala Ali... Salamat dito sa report na pinasa mo kompletong kompleto lahat ng maari nilang itanong at nacover mo na din.. Sometimes I wonder if.." nakatingin lang siya sakin habang ako naman ay patay malisyang nakangiti sa kanya... Nakita ko ang pag-iling niya sabay buntong hininga... "Listen Ali... I need you... Actually, our company need a competent lady like you... Not in this lower realm but up there..." sabay turo sa taas..

"Jusko po Sir Bryan bata pa ko wag mo munang inapalangin na sumalangit ako!" sabay hawak sa aking puso na nahintatakutan sa kanyang sinabi... just kiddin... :P

"Ikaw talaga Ali... Pala biro.. Ang ibig kong sabihin kelangan ka sa HQ... Hindi bilang security kundi katulong ng head ng IT... Naipasa ko ang mga dati mong nagawa at mga ideas na nagmula sayo at kelangan kelangan ka nila doon..."

"Pero Sir... Masaya po ko dito sa trabaho ko... Ayaw niyo na po ba sakin? May nagawa ba ko? May kulang ba sakin?" Sunod sunod kong tanong habang nakitang umiiling iling na naman sakin si Sir Bryan at bumuntong hininga...

BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon