CHAPTER 15 [2/2]: KAARAWAN

76 9 4
                                    

"Ibe?!" gulantang na iwinika ni Pipe.

Nang mapansin niyang nakatingin ang lahat sa kanila, daglian na itong kumalas sa pagkakatanlan ni Ibe at tumayo sa sariling lakas ng binti.

Natigil ang kaingayan sapagkat nag-alala ang lahat kay Pipe kaya nagwika ito na—–

"I'm okay. Continue the party!" hiyaw ni Pipe at nagsimula nang muli ang indakan.

Liningunan niyang muli si Ibe at nagsaad na, "Oh. Nandito ka pala."

"Ummm...i guess." pabirong banggit ni Ibe upang basagin ang nakakaasiwang atmopisya.

Tiningnan ni Pipe si Ibe mula baba hanggang taas nang may napansin itong nakausling papel sa bandang kwelyo ni Ibe na agad naman nitong—–

"Wow! Mukhang bago pa pajama mo ha? Magkano kaya yan?" Tinanlan ni Pipe ang sumisilip na price tag at nang makita niya ang nakasulat rito- "50,000! Gumastos ka ng ganyan kalaki para sa isang pajama lang?" pumalag agad si Ibe at piniglas ang etiketa.

"Uhmmm...well...Birthday mo naman e" nagkasalungat ang kanilang mga mata nang isang segundo at kagyat nalang silang nag-iwasan ng tingin dahil sa nakakailang na binanggit ni Ibe kaya piniglas agad nito ang ilangan at nagwikang, "Anyways, binigyan pala ako ng invitation card ni Micah kaya nandito ako." wika ni Ibe.

Lumingon si Pipe sa set-up stage kung saan naroroon si Micah at pinagkunutan niya ito ng kilay at pinaglakihan ng mga mata ngunit nakangisi lamang itong iniwasan ni Micah.

Nilingunan niyang muli si Ibe nang may hindi mawaring ngiti.

Habang nagi-sway, napansin ni Ibe na tila nahihirapan nang humakdaw si Pipe kaya iminungkahi niyang—–

"Pipe, Gusto mo na bang umupo?"

"Ummm...actually oo. Medyo sumasakit na rin kasi paa ko e." tugon ni Pipe.

Inalalayan ni Ibe si Pipe papunta na sa lamesa kung saan sila pupuwesto.

"Thank you." ika ni Pipe at tinugunan naman ng tango ni Ibe.

Minuto pa lamang ang lumipas, nagulat ang lahat nang marinig nila ang napakasiglang boses ni Micah na nakatungtong sa set-up stage.

"Since y'all are resting, Let's start a 'lil wishing program for Pipe. Okay ba 'yorn?" pakikipag-ugnayan nito sa mga partiers, "Okay!" matalbog na tugon ng lahat.

"Since ako na rin naman ang nag-suggest, ako na rin ang mauuna ano." napahalikhik ang ilang takapakinig, "You know Pipe, simula noong magkabanggaan tayong apat noong first day natin sa GMU, may naramdaman na ako e. From that day on, I said to myself, "I wanna keep this bitches." And look at now, We're still here, shaking our ass's off and counting for more years. I love you, our dumbest, Pipe. Ooop! Mali pala. Yung next palang magsasalita ang dumbest of all dumbs." biro ni Micah.

Hinila ni Keith ang kaunting hibla ng buhok ni Micah nang patago habang kinukuha ang mikropono at pabirong binulong sa mic na—–"Siraulo ka!" na siya namang ikinatuwa nang mga manonood.

"Anyways, I'm not into this kind of dramatic situation but I just wanna say to you Pipe that even tumanda ka pa nang tumanda, we will always be here for you kahit kasingkulubot na nang raisins ang balat mo. Yeah, I love you and I'll always protect you. PS...Hanapan na ba kita? Ha—–" hindi na pinatapos pa at hinablot na ni Micah si Keith at sabay nang kinuha ni Yna ang mic.

"Before I cast my blessing regards to Pipe, alam kong hindi ako yung Yna na kilala niyo na nagaaral sa GMU but this is my life after school. Acads if Acads. Socials if Socials." ang lahat ay na-coolan at napahanga dahil sa kakaibang bersyon na Yna na kanilang natunghayan, "Anyways, Pipe, You know how much we treasure and love you, right?" sumagot ng tango at bulong na Yes si Pipe, "And there's only one thing I can assure you, We will always treasure and love you everyday. I know maikli lang 'to 'cause describing our gratefulness to have you in our lives is just unphrasable. I love you, Pipey."

Hindi napigilan ni Pipe ang pagtulo ng kaniyang luha kaya nilapitan siya ng mga kaibigan nito at niyakap nang sobrang higpit.

"Aa..aack! Hin-di a-ko maka-hinga!" ipit na sambit ni Pipe.

Muli nanamang pinasigla ni Micah ang lipumpon gamit ang kaniyang nakakaganang hiyaw. "ARE YOU READY TO CONTINUE THE PARTY?"

"READ—–" tugon ng lahat na naudlot.

"Wait! Bago natin ituloy ang party, meron bang gusto mag-open wish and greet for Pipe?" limang segundo ang lumipas, "Anyone?" wala pa ring sumagot, "Okay! Mukhang wala so Lets continue the par—–"

Walang anu-ano ay tumayo si Ibe na ikinagulat ng lahat at lumakad sa gitna ng katahimikan papuntang set-up stage suot-suot ang nakabibighaning charisma.

Nang makatungtong na siya sa entablado na nasa harap ng lahat, nagsimula nang kumabog ng napakalas ang kaniyang dibdib at napalunok nang malalim.

"Ummm...Honestly speaking, I don't know why I am here after all ng mga nagawa kong katarantaduhan kay Pipe." napayuko at sabay napatawa nang munsik si Ibe, "Alam kong hindi mo ako agad mapapatawad 'cause you almost lose your life nang dahil sa akin." walang patid at marugdog niyang tinitigan sa mata si Pipe, "But I want you to know that you made me realized a lot of things dahil sa insidenteng 'yon. Maybe an apology isn't enough but you taught me how to say sorry countless times. That's why i sent an apology letter sa lahat ng mga nabiktima ng pranks ko." walang kibo, nakatulala lamang at hindi pumipiglas si Pipe sa titig ni Ibe, "I would also like to take this time to sincerely say sorry to you...again sa harap ng maraming tao and finally ibalik to sa'yo—–

Dinukot niya sa kaniyang bulsa ang de-bukas na maliit at kulay puting lalagyan at agaran nang binuksan ang kaha.

Napanganga at namilog ang mga mata ni Pipe sa kaniyang nakita.

"Matagal ko nang gusto ibalik yan kaso...lagi mo kasi akong iniiwasan kaya—–"

Nabigla at napatulala si Ibe nang kapagdaka nalang siyang niyakap ni Pipe ng sobrang higpit.

Nang kumalag na ito sa pagkakayapos, hiningi ni Ibe ang kaniyang pahintulot na—–

"Pwede ko bang ipasok?"

Tanong na ikinagulat at ikanabulabog nang lahat.

"Ipasok na yan!" pinangunahan ni Keith ang pagpalakat, "Ipasok na yan!" tuwang-tuwa na tinugunan ng lahat, "I-shoot mo na yan!" palit ni Micah sa humyaw, "I-shoot mo na yan!"

Habang patuloy na humihiyaw ang tanan, nakita ni Keith na walang anu-anong nagmamadali sa paglabas si War palabas ng rooftop kaya hindi na ito nagdalawang-isip pa at kagyat na niya itong sinundan lalo na't tila alam niya ang dahilan kung bakit ito lumisan nang walang nakakaalam at paalam.

"Shhhh!" sita ni Pipe sa lahat at sunod namang tumingin kay Ibe at nagdesisyon na, "Okay." para huminto na ang walang tigil na sigaw, "Sige na. Ipasok mo na." inabot niya ang pilak na singsing na may dyamanteng ukit ng gasuklay na buwan sa gitna kay Ibe na agad naman nitong tinanggap at isinuot sa palasingsingang daliri nito.

Tiningalaan at tiningnan ni Pipe nang nakangiti si Ibe ngunit sa pagkakataong ito, taos at walang halong pagkukunwari na ang ipinakita nito at mabining nagwikang—–

"Thank you!"

JEDZUUUHMATIC

Pasadyang Tala:
Patawad. Kay daling banggitin
ngunit batid nga ba ang ibig sabihin?
Sinseridad ang pain,
upang mabingwit ang bituin.

Special Note:
Sorry. How easy it is to mention
but do you really know what that means?
Sincerity is the bait,
to catch the star.

I Need Your I Love You (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon