Sa kabilang dako, nang makitang palabas ni Keith si War sa rooftop, kagyat niya itong hinabol ng walang paga-atubili.
"War!", wika ni Keith habang mahigpit na tanlan ang braso ni War, "Sabihin mo nga ang totoo!" tono ng isang boses na nanghihingi ng malinaw na kasagutan,"Gusto mo ba si Pipe?" tinitigan niya ito ng matigik at ipinadama ang sidhi ng damdamin na nararamdaman gamit ang nangungusap na mga mata.
"Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!" mapuwersang pag-piglas ni War sa mahigpit na kapit ni Keith. "Wala kang pakialam!" galit niyang tinalikuran ang kausap at nagmamadaling humakbang papunta sa kaniyang condo unit.
Kailanman ay hindi pa nakaramdan ng mabalasik na selos si Keith sapagkat sa lahat ng kaniyang nakilala o nakatabi man sa kama, wala siyang hinangad kundi saya. Sa maikling salita, hindi ito seryoso.
Hindi na katulad ng dati ang lahat simula nang makilala niya si War. Nawalan na siya ng gana na lumingon sa mga babae at maging sa mga lalaki. Minsan niyang sinubukang makipagsiping ngunit hindi na niya ito mapatayong muli at nakakaramdam na ito ng paga-alinlangan. Naging bukang-bibig na rin niya ang pangalan ni War. Kahit saan, kahit kailan. Hindi ganito si Keith noon ngunit dahil kay War, nagbago ang lahat at tila may nakapagbuklat na sa rehas na matagal ng nakagapos sa matigas na puso nito.
Napapikit si Keith at dinamdam ang sakit ng pagpapasawalang-bahala ni War sa kaniyang nararamdaman.
Nagapi na ito dahil sa samut-saring saloobin kaya hindi na niya napigilan pa ang sarili na humyawin na—–
"Gusto kita!"
Natigilan si War sa pagbukas ng pinto nang marinig niya ang iwinika nito.
Nang nilingunan niya ito, natunghayan niyang nagmamadali itong naglalakad papalapit sa kaniya.
Habang umiikli ang distansya ng dalawa, natulala na lamang si War at hinihintay na makatungtong sa kaniyang harapan si Keith.
Laking gulat nito nang kapagdaka na lamang hinugot ang kaniyang beywang, mapuwersang ipinagdikit ang mga hitik na dibdib at hinaplos ang kaniyang malambot na pisngi.
Hindi na napigilan pa ni Keith ang naguumapaw na emosyon kaya sinunggaban na niya nang malabuwaya ang mga labi ni War. Sabik na sabik at hindi niya mawari ang hakbang na ikinikilos.
Maromansang pinaglaruan ni Keith ang mga mala-rosas sa pula at mala-ulap sa lambot na labi ni War.
Sampung segundo ang lumipas at wala pa ring tugon si War sa dampi ng labi ni Keith ngunit nang sinimulan na niyang pukawin ang kaniyang dila, napakapit agad ang Senior sa kaniyang likuran at kumagat na rin sa nagsusumamong halik.
Nag-alab na ang kanilang mga katawan at nagsimula nang maging masigla at matalbog ang kanilang mga galaw.
Nakapikit ang mga mata, mga dilang naging espada, hinga ng isa't-isa ang nadarama, sa sitwasyon sila na ay nagpadala.
Dila niyang dagasa kay War ay bumaba, pinapaapoy ang diwa, na nagpagising sa kanilang batuta. Kaniya nang inilabas ang kargada at pinaglaruan gamit ang nananabik na bukana.
Hindi na bago ang lahat kay Keith kaya ang tanging iniisip na lamang niya ay ang paligayahin ang kaniyang Senior dala ng nagaalab na pananabik.
Randam ni War ang bawat hagod at dampi ng mapaglaro at mainapoy na dila nito sa kaniyang morado na naging dahilan ng kaniyang banayad at nakakakalmang pag-ungol.
Nagulat ito nang dagyat na lamang siyang mapuwersang isinakab ni Keith sa kama.
"Teka!", humarap siyang muli kay Keith nang may pagaalinlangan at nagwikang, "Hindi ko pa kaya."
Napahintong agad si Keith at agad na pumiglas sa mahigpit na pagkakatanlan kay War at humiga sa tabi nito habang nakatitig sa blankong kisame. Tumahimik ang apat na sulok ng silid at nagsimula na nilang mapagtanto ang mga nangyari.
"Uhmm...", pagbasag ni Keith sa kataimtiman, "Sorr—"
Pabiglang pinatungan ni War ang nagsisimula ng kumalmang katawan ni Keith at nagwikang, "Alam mo ba yung pinakaayaw ko sa lahat?", napataas na lamang ng kilay ang nasa ilalim nito, "Yung binibitin ako!" sinunggaban niyang muli ito at sa pagkakataong ito, si Keith naman ang nasa ilalim ng mundo.

BINABASA MO ANG
I Need Your I Love You (BL Story)
RomancePipe Barbadensis, a freshy student of GMU who thought that his life would be better and had a certain, implicit and brighter future ahead if he entered this University. Unluckily, how wrong he was. His life was serenely peaceful not until Ibe Galde...