~ Ex Girlfriend ~
Greco POV's
Sobrang saya ko talagang ngayong araw maliban sa nakapunta na ako ng school ng dahil sa kanya .. siya yung unang babaeng dinala ko dito .. nuon nung may girlfriend pa ako nun ayaw niya pumunta sa mga ganito .. ayaw niya daw sa mga ganun ... kaya hindi ko siya mapunta dito .. pero siya iba talaga ee .. iba talaga si sandra ..
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung mga nangyari sa amin at napapangiti na lang talaga ako .. sa sobrang saya ko ..
Nakarating na ako ng school ng mga 6 kasi nagtxt si prince na kailangan daw ako dun kaya bumalik ako ... pagkapasok ka sa tambayan namin nagulat ako na may babae silang kasama siguro girlfriend to ni erwin o di kaya ni chester ...napansin ako ni chester pagpasok ko .
" ohh andiyan ka na pala greco .. kamusta lakad niyo ? .." tanong niya pagkakita niya sa akin ..
" ha ? Ayos naman .. ok naman .." sabi ko .." sino yang kasama niyo ? Girlfriend mo yan ? .." tanong ko .. bigla akong nagulat pagkaharap niya ... hindi ko akalain sa loob ng ilang taon magkikita kami ulit .. sa loob ng ilang taon na pagdudusa ko sa ganitong sitwasyon pa kami magkikita ...
" greco .." sabi niya tapos yumakap siya sa akin tapos bigla ko siyang nilayo ..
" labas muna tayo pre .. need nila ng space .." yaya ni rain kila prince ..
" sige greco , claire usap muna kayo diyan .. mukhang marami kayong pagusapan .." sabi naman ni prince tapos lumabas sila .. ako naman tahimik lang na nakatayo at kaharap siya ..hindi ko pa kaya siyang makita ngayon .. parang bumabalik lahat ng sakit na iniwan niya sa akin ..
" greco ... hindi ka ba masaya na andito na ako ulit ? ." Tanong niya sa akin .
" sige nga claire ?! Sagutin mo ko ?! Mukha ba akong masaya pagkatapos ng ginawa mo ? F**K claire ang lakas naman ng loob mo itanong sa akin yan kung masaya ba akong nagbalik ka na ! Anong gusto mong marinig ? Na masaya ako kasi nakabalik ka na after 4 years ?! .." galit na sabi ko sa kanya .
" hindi mo kasi ako naiintindihan greco ee .. " tapos pinutol ko yung sinabi niya ...
" hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan mo pa pumunta ng paris na yan ee sa pwede ka naman magaaral dito ! At hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa araw ng alis mo hindi ka man lang nagsabi ! .." sabi ko sa kanya na halos masigawan ko na siya ..
" oo tama ka greco ! Hindi mo nga siguro maintindihan ang sitwasyon ko nun ... alam mo ba na ayaw na ayaw kong umalis nun ... kasi iniisip ko na kapag umalis ako maiiwan ko yung taong sobra kong mahal ... hindi ako nagdesisyon na magaaral dun ... yun ang gusto nila mama ... napagisip isip ko na ayaw kong umalis kasi ayoko kitang iwan .. kasi sobra kitang mahal pero hindi ko matanggihan sila mama .. hindi ko sinabi sayo yun kasi baka hindi ako tumuloy .... kaya nga ako bumalik greco para ipaliwanag sayo lahat ng gusto kong sabihin sayo ..." sabi niya habang umiiyak siya ..
" sana sinabi mo na lang claire .... sana hindi mo na lang inisip ma masasaktan lang ako ... kasi mas masakit yung bigla ka na lang aalis na wala man lang paalam sa akin ... sobra akong depress nun .. hindi ko na alam ang gagawin ko .. nagpakagago ako , nagpakalasing ako at kung sino sino yung hinahalikan .. kasi ganun ako nasaktan ... sobra as in sobra talaga claire .." paliwanag ko sa kanya ..
" i'm so sorry greco ... alam kong mali ako sa desisyon ko pero ang tagal ko hinintay ang pagkakataon na to na makausap ko ulit ... sobrang ang guilty ko sa ginawa ko sayo ... alam kong sobrang laki ng galit mo sa akin .. i understand naman ee .. sana mapatawad mo pa rin ako .. " sabi niya .
" hindi lang ganun kadali magpatawad claire .... na ang buong akala mo ganun ganun na lang yun .. ang buong akala mo hindi ako nasaktan ... claire isang malaking katangahan yun claire ...pwede ba claire umalis ka muna ... ayoko na munang makita ka ... baka hindi ako makapagtimpi sayo ... " sabi ko sa kanya habang nakatalikod ako ayokong nakikita siya ..
" sana greco mapatawad mo ko ..." sabi niya tapos dama akong paglabas niya sa loob ng tambayan ...
Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya ...... halos ilang taon na ako nangungulila sa kanya .. hanggang sa nakamoveon na ako sa kanya ... hanggang sa may iba na akong gusto ... ayoko na ulit umasa pa ... ayoko na ulit iwan ... natatakot na ako .... sana hindi niya gawin sa akin yun .... sana .. sana...
____________________________________________.
Sorry sa mga naghintay ng UD ko .. medyo busy kasi sa school ee .. hahahahahhaahahahahahahahahaha

BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A CoC Player
Novela Juvenilpaano kung mainlove ka sa taong sobrang pagkaadik sa larong coc ? paano kung mainlove ka sa taong nanakit ng isang taong malapit sayo ? matatanggap mo ba sa siya sa buhay mo o hindi ? ABANGAN!!