Erick's POV
"Espreen!" masayang bati sakin ni Ellie, bestfriend ko.
"Hi espren!" bati ko din sakanya.
"Espreeeeen, may sasabihin ako sayo, crush ko si Matt" sabi saakin ni Ellie ng nakangiti. Nginitian ko nalang siya kase bigla akong nawala sa mood. Bakit kase kailangan pa niyang ishare saakin kung sino ang crush niya? Sabagay, bestfriend niya nga kase pala ako.
Umalis na si Ellie at ako naman tumambay muna dito sa may school garden. Matagal na akong may gusto kay Ellie at alam niya yun. Buti nga hindi siya tulad ng iba na nang iiwas kapag nalaman na nagkakagusto sakanila ang bestfriend nila eh.
Okay lang naman kapag nagkagusto ka sa bestfriend mo diba? Hindi ko naman kase matuturuan ang puso ko kung sino ang mamahalin nito kaya wala akong kasalanan kung nahulog ako sa bestfriend ko. Siaka hindi ko din naman maiiwasan na mahulog sakanya kase palagi kaming magkasama.
Simula ng malaman ko na mahal ko na pala si Ellie, hindi na ako tumitingin sa ibang babae. Wala eh loyal ako eh. Kahit anong gawin ko siya ang sinisigaw ng puso ko. Walangya kase namang puso yan kay Ellie pa nainlove. Mahirap ang sitwasyon ko dahil bestfriend ko si Ellie.
Malaki ang ipupusta ko dahil ang sa pagmamahal ko kay Ellie. Ang pagkakaibigan namin maipupusta ko din dahil gusto ko more than friends kami. Matagal ko na sana siyang niligawan kaso hindi daw siya handa, ayaw pa niya kaya rinespeto ko ang desisiyon niya na ayaw niya pa. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal yan.
Martyr ko ba? Wala eh mahal ko. Tanga ko ba? Wala eh mahal ko.
Alam ko namang walang pag asa pero bakit umaasa padin ako? Bakit nagpapakatanga padin ako?
Bakit ba nagbubulagbulagan padin ako sa katotohanan na hindi magkakaroon ng "tayo"
Tanda ko pa, birthday mo nun, nasa isang resort tayo, nagswiswimming ka kasama ang mga kaibigan mo tas kami naman ng mga kaibigan ko eh nakamasid lang sa isang tabi. Naghabulan tayo kase binabasa mo ako. Ang saya ko nun kase masaya ka, ang ganda ganda ng ngiti mo nakakahawa. Ngumiti ka lang ngingiti nadin ako.
Patuloy lang tayo sa paghahabulan ng biglang sumigaw ang isa mong kaibigan ng " JAN NAGSIMULA ANG LOVE STORY NG LOLO AT LOLA KO!"
Madaming nagtawanan kabilang na tayo doon. Pero para sakanila at para sayo biro lang yun, pero para sakin sa loob loob ko, sana nga oo, sana nga dito din magsimula ang love story nating dalawa.
Alam mo ba, minsan, nararamdaman ko na iniiwasan mo ako. Mawawala ka ng ilang araw pero bumabalik kadin naman.
Hindi ko alam kung paano makamove on sayo. Hindi naman naging tayo pero bakit kailangan kong mag move on?
Kahit sabihin ng iba na wala naman daw akong pag asa sayo binabalewala ko ang mga sinasabi nila. Ewan ko ba pero gusto kong umasa.
Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang naramdaman ko nung nakita kitang umiyak dahil kay Matt. Bestfriend ko si Matt tapos sakanya ka pa nagkagusto.
Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang nararamdaman ko tuwing sinasabi mo saakin kung sino ang gusto mo, kung sino ang mahal mo. Kung paano ka kiligin ng dahil sa crush mo.
Ang saya sana kung ako minsan ang dahilan ng ngiting yan. Ang saya sana kung ako ang dahilan ng mga kilig mong nararamdaman.
Kelan mo ba mapapansin ang pagmamahal ko?
Kelan mo ba mapapansin ang efforts ko?
Kelan mo ba mapapansin ang loyalty ko sayo?
Tuwing nasasaktan ka dahil yung mga gusto mo may mahal na iba sino ang andiyan para icomfort ka? Diba ako.
BINABASA MO ANG
Espren
Short StoryBestriendzoned. Isa lang akong di hamak na espren para sayo. Kelan ba ako magkakaroon ng pag-asa sayo? Hannggang espren nalang ba ako sayo?