Chapter Two: Hi Bestfriend

3.9K 99 3
                                    

Nagmamadali akong umakyat ng room ko para makapagbihis. Mehehe. Isha-share ko sa aking besty ang aking wonderful plan. Clap, clap, clap! ^_^

Dumiretso na agad ako sa back door namin para umalis na ng aming palasyo. Itinakas ko rin pala yung Porsche ko. Yellow kong sasakyan, na kayo ay wala. Bleh. :P (look at the right side to se my car)

Dire-diretso na sana ko papunta ng elevator ng makita ko yung cafeteria. Mapapasabak na naman ako neto sa kainan. Sobrang favorite ko kaya yun!!! ^_^

"Ma'am, ubos na po yung ice cream namin." Sabi ng saleslady sakin.

"Ha? Ubos? Unti pa nga lang nakakain ko e." Nakasimangot kong sagot sa kanya.

"Nakaka-49 na ice cream na po kayo." Nakangiting tugon niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. 49? Ayos! Pero kulang pa ng isa. -_- Di kaya ako nakakatulog ng hindi nakakakain ng 50 ice cream a day. Tsk naman e.

"Salamat na lang po." Sabi ko at umalis na ng ice cream parlor.

"Thank you and come again ma'am." Nakangiting paalam niya sakin

Dumiretso nako sa elevator. Excited na kaya akong magkwento sa kanya. Imagine, after 987654321 years may solusyon nako sa problema ko. Bwahahahahaha. Sorry. Evil ako e. HAHA. Chos!

TING!

Nagulat ako sa elevator. Andito na pala ko sa 99th floor. Antaas no? Gusto niyo makaakyat sa ganito kataas? Tara, sama kayo. Siyempre......

JOKE LANG YUN. :P Haha.

Nagdoor-bell agad ako pagdating ko sa tapat ng condo unit niya. Pero....

After 1 minute. . . .

Wala pang nagbubukas. Doorbell ulit.

After 2 minutes. . . .

Wala pa ring nagbubukas. Siyempre doorbell ulit si ako.

Pero, after 5 minutes. . . .

Wala pa rin talaga? :(

Halaa. Wala ba siya sa loob? Nakakalungkot naman. Excited nga akong pumunta dito, tapos wala pala siya? Tsk.

Aalis na sana ako nang bigla kong makita ang babaeng pupungas-pungas sa harap ko. Agad akong napatingin sa relo ko. Nagulat na lang ako ng makita kong alas kwatro na pero kagigising pa lang niya?!

"Hoy best! Ano ka ba naman? Alas kwatro na ng hapon tapos kagigising mo pa lang?" Sabi ko sa kanya.

Aba't talikuran daw ba ang beauty ko? Sarap kausap nitong bruha nato e. Tsk. Kung hindi ko lang talaga to mahal. -_-

Anyway, meet my bestfriend readers! She's Ara Mae De Guzman. Mayaman din siya. Maganda siya, pero mas maganda ako sa kanya. Kailangan magbuhat ng sariling bangko noh. :P HAHA. Bestfriend ko siya since elementary. Si old man kase tsaka yung daddy niya ay super close friends. Kaya kami din. Like father like daughter noh.

"Ano ba kase yun? Siguraduhin mong importante yan ha." padabog siyang naupo sa sofa.

"Naman e. Ba't ka ba ganyan? Sasabihin ko lang naman kase sayo na may naisip nako para matakasan ko yung problem ko e." Umupo ako sa tabi niya.

Tinitigan niya lang ako na parang sinasabi na: ituloy mo lang at makikinig ako.

Ngumiti muna ako ng napakatamis at unti-unti akong lumapit sa kanya sabay bulong ng aking bonggang-bonggang plano.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumakbo agad ako palabas ng unit niya. Base lang kase sa reaksyon niya alam ko ng di siya papayag e. Pero ano pa nga bang magagawa ko? KAILANGAN KONG GAWIN ITO. KAILANGAN.

NA: Hello! Hahehihohu. Alam niyo na ba yung evil plan ni Xie? :) Hula-hula. :P

My Maid Is My Wife To Be?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon