Chapter 2

1.3K 45 77
                                    

Natampal ni Thea ang dibdib pagkaalis ni KH sa ibabaw niya. Hindi pa siya maka-get-over sa ginawa nito. Hanggang ngayon, nag-aalburuto pa rin ang dibdib niya. Ang lakas-lakas ng kabog talaga.

Sa kisame lang siya nakatingin. Dinig na dinig niya ang sunod-sunod na paghinga ng binata sa tabi niya.

"What's your name?" tanong nito sa kaniya.

Napalingon siya sa binata. Sa kisame din pala ito nakatingin.

Bumangon siya kapagkuwan. Sinundan siya nito ng tingin kaya nahigit na niya ang comforter na nakalaylay sa sahig. Ibinalot niya iyon sa sarili.

"Thea po," magalang na sagot niya habang pinupulot ang bag na nasa sahig din.

"Thea..." Ulit nito habang hindi inaalis ang tingin sa kan'ya.

"Pasens'ya na po kayo, akala ko po kasi walang tao ngayon dito. Ako nga po pala ang maglilinis ngayong gabi dito. Sige po," nahihiyang sabi niya at lumabas ng silid na balot pa rin ang katawan ng comforter.

Sinabunutan niya ang sarili nang makalabas na ng silid nito. Hindi niya akalaing doon pala ang inoukupang silid ng amo.

In fairness, ang kisig at ang guwapo nito sa personal. Ang daming fans nitong nagkakandarapa sa Pilipinas, at isa na siya roon. Lamang siya sa mga ito dahil siya, nahawakan lang naman niya ang dibdib nito. Kinikilig na nagpapadyak siya sa sahig. Speaking of sahig, ginawa pa siyang sahig nito, nagpush-up pa mismo sa ibabaw niya. Sayang lang at 'di dumapo ang labi nito sa kan' ya.

Napangiti siya sarili. Masuwerte siya kahit papaano. Hindi niya tuloy maiwasang tanungin ang sarili, kung may nobya na ba ito. Wala kasing nali-link na babae dito. Marami ring spekulasyong bakla ito. May kung anong tinig ang kumontra sa isiping iyon. Pinilig niya ang sarili para palisin kung ano man ang gumagambala sa isipan niya.

Natigilan siya bigla ng maalala si Vina. Si KH ba ang Keith na sinasabi ni Vina na bagong boss? Bakit hindi man lang sinabi nito na si KH pala ang bagong boss nito. Alam niyang nagmula ito sa mayamang pamilya, pero hindi niya akalaing pamilya nito ang may-ari ng HDA. At ito pa pala ang magiging kliyente niya ngayong gabi.

Ibig sabibin magreretiro na ito sa pagiging singer? Sayang naman, hindi pa nga siya nagpa-autograph dito. Nakaka-inlove din ang boses nito.

Pumasok siya sa banyo na nasa kabilang silid. Binilisan niya din ang pagbibihis para matapos na siya sa paglilinis.

Gusto niyang unahin sana ang silid ni KH pero naroon pa rin ito. Hiyang-hiya siya sa nangyari kanina.

Kusina na lang ang inuna niya. Sinunod niya ang sala nito. Hindi naman ganoon kadumi dahil mukhang alaga naman sa linis ang Penthouse.

Akmang bubuksan niya ang pangalawang silid para linisin nang bumukas ang pinto ng binata. Hindi niya maiwasang hagurin ito ng tingin. Bagong paligo ito, naamoy niya ang sabon na ginamit nito. Naka-casual lang ito. Mukhang lalabas pa ito kahit gabi na.

Sabagay, uso sa mga mayayaman ang night life. O, di kaya makikipag-date din ito.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng lungkot. Itinuon  na lang niya ang tingin sa pinto at binuksan na iyon. Mabilis na pumasok siya sa loob at sumandal sa dahon ng pintuan.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngayon para sa isang lalaki. Sa isang sikat at mayamang lalaki pa. Mahirap ding abutin. Napabuntong-hininga tuloy siya.

Kakasimula pa lang niya maglinis nang bumukas ang pintuan. Iniluwa no'n ang binata.

"Lalabas lang ako. Lock the door, please," sabi lang nito at umalis na. Hindi man lang nito hinintay ang sagot niya.

Once Upon a Time in DubaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon