21: Unexpected Palpitations

19 3 0
                                    

"ALFONSO! TAKE YOUR F*CKING HANDS OFF HER!" Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa loob ng conference room. Nabigla ako nang sumugod si Chris kay Alfonso at dinambahan ito ng isang malakas na suntok na siyang dahilan upang mabitawan ako at siya ring nagpatumba kay Alfonso sa sahig.

"Chris! Stop!" Pigil ko sa kaniya nang pangangalawahan pa niya ng suntok si Alfonso.

"What the f*ck are you doing here, Chris?" Gigil na sumbat ni Alfonso at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Chris.

'Wait. What? Magkakilala sila?'

"That's none of your business. Oras na saktan mo si Nimfa, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa'yo Alfonso," galit na usal ni Chris.

"Oh. I guess this girl right here is your girlfriend, huh?"

"Shut the f*ck up."

Namumuo ang tension sa pagitan ng dalawa na tila ba makukuryente ka kapag dadaan ka sa gitna. Naguguluhan ako sa nangyayari. Hindi ko na natiis na hindi magsalita.

"How did you know each other?" Sabat ko sa dalawa.

"I'll explain to you later. Let's leave," sagot ni Chris sa akin ngunit tiningnan ko siya ng 'kailangan ko ng sagot ngayon din.'

"Why, Chris? How come na kilala ako ng babae mo pero hindi niya alam na magkakilala tayo? Mukhang pinaglilihiman mo si Nimfa," pang-aasar ni Alfonso.

Lumingon naman ako kay Chris nang may bahid ng pagtatanong.

'Papaanong magkakilala si Chris at Alfonso? Hindi kaya nagkakilala sila sa past? Pero bakit hindi ako naaalala ni Alfonso. O 'di kaya naman ay nagkakilala sila nang mapunta si Alfonso sa future. Hindi imposibleng mangyari yon.'

"She has mistaken you as another person. That's all," tipid na sagot ni Chris kay Alfonso.

"Mistaken? She knew my full name. Kahit ang ibang members ng RRO, hindi alam ang buo kong pangalan. Can you explain that to me?"

"I don't owe you an explanation, Alfonso. I already told you that she was just mistaken you as another person," malamig na sabi ni Chris.

"Let's go, Nimfa," usal ni Chris at hinawakan ang galang-galangan (wrist) ko. Gustuhin ko mang pigilan siya ay naisip kong mas makabubuti siguro kung makinig na lamang ako sa sasabihin ni Chris, kahit na lubos ang pangungulila ko kay Alfonso.

Umalis na kami ng conference room. Sa huling pagkakataon ay lumingon muli ako kay Alfonso ngunit pinagsisihan ko ito nang makita kong nakangisi lang siya sa akin at matalim pa rin ang tingin.

"What about Dr. Cy?" Tanong ko habang palabas ng ospital.

"I already told him that you have important matters to do," sagot naman ni Chris habang hawak pa rin ang galang-galangan ko at patuloy lang akong hinihila hanggang sa makalabas kami ng ospital.

Pumunta kami sa Café Escondido since ilang kanto lang naman ang layo nito sa ospital. Mainit naman kaming sinalubong ni Brent. Tama ako ng hinala. May secret transactions na nagaganap between Brent and Chris sa cafè na ito kaya't madalas dito tumambay si Chris.

"Ito na Chris yung pinapagawa mo sa akin. Nandyan na rin yung files regarding sa kaso," sabi ni Brent habang iniaabot ang maliit na flash drive at ilang papel.

"Thanks, Brent."

"No prob Chris. Basta ikaw," sambit ni Brent. Lumingon siya at kumindat sa akin. Napatawa na lang ako sa ginawa niyang iyon. Pumunta na siya sa looban ng cafe upang asikasuhin ang inorder naming dalawa ni Chris.

Time Waits For No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon