CHAPTER X

7.3K 168 2
                                    

Matapos ng tatlong araw na halos magkakasunod sunod na flight ni Mikha ay dumiretso na siya sa condominium niya para magpahinga. Sususian pa sana niya ang pinto nito pero ng pihitin niya ay nakabukas ito. Nandito nanaman ang gago

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Mikha ng makita ang kaibigan na si Colet na nanonood sa sala, pinatay naman ni Colet ang tv atsaka tumingin kay Mikha


"Kasi may susi ako nitong condo mo tsaka may sasabihin din ako sayo" Seryosong sabi ni Colet sa kaibigan, Dumiretso naman si Mikha sa kusina para kumuha ng beer in can sa ref niya para inumin

"Alam kong natatanggap mo mga text at tawag ni Ate Maloi. Bakit hindi mo sagutin man lang? Tol nag aalala rin ate mo sayo" Panenermon ni Colet, hindi man lang kumibo si Mikha at pinagptuloy lang ang pag iinom

"Tsaka tol ikaw na lang matibay sa kanila. Ikaw na lang magproprotekta sa kanila ni Tita Myrla, magagawa mo pa ba silang pabayaan?" Napapailing na sabi na lang ni Colet. Seryoso lang naman nakatingin sa kaniya si Mikha at nagpatuloy ulit sa pag iinom

"Nakalimutan mo na ba kung anong nangyari sa amin noon? huh?" Kunot noong tanong ni Mikha sa kaibigan, natahimik naman na si Colet at umiwas ng tingin


"Colet dahil sa akin nawala si Daddy at dahil sa galit sa akin ni mommy muntikan na rin siyang mawala sa amin ni Ate Maloi" Seryosong usap ni Mukha sa kaibigan. Hindi naman na nakapag usap si Colet ng maalala ang matinding pinagdaanan ng kaibigan.


"Ang akin lang naman, matagal na yon, pamilya pa rin kayo" Nasabi na lang ni Colet, napangisi na lang naman si Mikha at kumuha ulit ng beer sa ref



"Hindi ko naman nakakalimutan na pamilya ko sila, ang akin lang, ayoko na may mapahamak pa ulit dahil lang sa akin" Seryosong usap pa ni Mikha. Napahinga na lang naman ng malalim si Colet at tinignan ang kaibigan


"Bata ka pa non tol, walang may gusto nung nangyari, hindi mo ginusto yung nangyari kaya sana patawarin mo na yang sarili mo" Pangangaral ni Colet. "Huwag na lang muna natin pag usapan" Nasabi na lang ni Mikha at pinagpatuloy ang pag iinom. Kumuha na lang din ng beer si Colet sa ref at sinamahan na lang din sa pag iinom ang kaibigan


"Ano na balita sa inyo ni Catacutan?" Tanong ni Mikha kay Colet, ngumiti naman si Colet bago sumagot. "Ayon, pinakilala ko na sa pamilya ko bilang girlfriend ko kaya tuwang tuwa sila mommy, hinahanap ka na nga ni Mommy kaso may flight ka" Sagot ni Colet, tumango naman si Mikha "E kila Catacutan? Ano balita?" Tanong pa ni Mikha. "Nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya, ganon din, tuwang tuwa nga sila Ate Gwen. Nasa bahay din pala nila sila Aiah at kuya Akira, buti na lang daw hindi sumama mommy Amanda nila non" Kwento pa ni Colet. Napaupo naman ng ayos si Mikha at seryosong humarap sa kaibigan niya


"Alam mo pamilyar talaga sa akin yang apelyido nilang Arceta tsaka yung mommy niya, Amanda hindi ba?" Paninigurado pa ni Mikha, tumango naman si Colet


"Baka yang Arceta na sinasabi mo yung teacher pa natin noon high school nila Sheena, yung sabay-sabay tayong napalabas gawa nung katarantaduhan nila Jhoana at Stacey" Natatawang kwento ni Colet, napangiti rin naman si Mikha ng maalala ang mga kagaguhan nila nung High School.


"Nga pala, hindi ka sa akin hinanap ni Aiah" Biglang sabi ni Colet tsaka uminom ulit ng alak. Taka naman tumingin sa kaniya si Mikha. "E bakit sinasabi mo pa?" Tanong nito, nagkibit balikat naman si Colet. "Para lang aware ka na wala ka dapat asahan" Seryosong usap ni Colet


"Alam ko" Simpleng sagot ni Mikha at ininom din ang beer na hawak niya. "Nung nasa dining area nga kami may nabanggit ang kuya niya, yung Gelo, inaasar asar nila si Aiah ron" Kwento pa ni Colet, hindi naman sumagot si Mikha at uminom na lang. "Ang balita ko rin pinag iisipan na ni Aiah na tumigil sa pagiging travel vlogger tas kunin na lang yung offer ni Gelo na doon na magtrabaho sa Canada bilang Engineer" Kwento pa ni Colet, tumango na lang naman si Mikha.


"Ikaw wala ka bang ikwekwento?" Tanong pa ni Colet, umiling naman ang kaibigan nito. "Ano ikwekwento ko? Kung paano ko paliparin yung eroplano? Paano ako nakauwi rito?" Natatawang sabi ni Mikha. "Alam mo naman na puro ganon lang nangyayari sa buhay ko" Napapailing pa na dagdag nito


"Paano kung maghanap ka na rin ng magiging girlfriend mo? Panigurado akong hindi na maboboring buhay mo niyan" Proud na proud na suggest ni Colet sa kaibigan. "Boring buhay ko, boring lahat ng pagkatao ko, ayoko na mandamay ng ibang tao sa pagiging boring ko at isa pa, wala akong oras sa ganyan" Napangiti naman si Colet at tumango tango "Nabanggit nga rin pala sa amin ni Aiah na gusto niya magkaroon ng bahay sa mga lugar gaya ng Siargao, nabanggit rin sa akin ni Matthew na hindi ka niya macontact at nakahanap na siya ng lupa sa Siargao" Nakangiting sabi ni Colet, napatingin na lang naman si Mikha sa kaniya "Magpapatayo ako ng bahay ron pero hindi ibig sabihin para kay Aiah yon" Kunot noong sagot ni Mikha lalo naman natawa ang kaibigan niyang si Colet "Teka, teka, wala naman akong sinabi ah, masyado ka naman obvious" Natatawang sabi pa ng kaibigan niya sa kaniya. "Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo" Kanta pa ni Colet habang tinataas taas pa ang kaniyang beer. Pinagpatuloy na lang naman ni Mikha ang pag iinom niya at hindi na pinansin ang kaibigan.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon