Ynna's POV:
Sa tagal ng bihaye ay nakatulog ako nagising na lang ako ng maramdaman ko ang pagyugyog ng balikat ko. Nang imulat ko ang mata ko ay ang nakangiting mukha ni Riana ang bumungad sa akin kaya napangiti na rin ko.
Nag inat ako ng braso saka lumingalinga, napabaling ang tingin ko sa labas ng bintana at namangha sa ganda ng paligid ang sarap rin ng simoy ng hangin.
Muli akong napatingala sa langit, ang ganda niyon at asul na asul. Binuksan ni Riana ang pintuan ng sasakyan at ganun rin ang ginawa ko at sabay kaming bumaba.
Napatingin ako sa paligid at awtomatikong umawang ang bibig ko dahil sa pagkamangha, napaka ganda ng lugar. Tanging huni ng ibon at malakas na hangin lamang ang maingay sa buong kapaligiran.
Napatingin ako sa ibaba, kaya pala parang nakarinig ako ng alon dahil malapit lang kami sa dagat, sobrang ganda ng dagat napaka linaw niyon at kulay puti ang buhangin.
Malinis rin ito, sa ibang banda naman ay may mga naglalakihang bato. Sa sobrang linaw ng tubig dagat ay kahit karayom pa ang ihulog mo ro'n ay makikita mo.
Sa kalayuan naman ay tanaw mula rito ang mga bangka na halatang nangingisda ang mga 'yon. Napatingin ako kay Riana ng tawagin niya ako, naka upo ito sa duyan sa ilalim ng punong mangga.
Napatingala ako at agad namangha dahil sa ganda ng bahay hindi ito kalakihan ngunit masasabi kong napaka gara ng desinyo.
Sa paligid ay makikita mo ang naggagandahang mga bulaklak at halaman, may parkingan rin ito ng sasakyan at gate.
Napaka aliwalas ng buong kapaligiran napaka sarap pag masdan ng tanawin at nagpapasalamat ako kay Riana dahil dito niya ako dinala at talaga nga namang mare-relaks ako dito.
Bahagya akong napaigtad ng biglang may sumulpot na matandang babae sa harapan ko na matamis ang pagkaka ngiti sa akin, ngumiti rin ako sa kanya at binati.
Kinuha na rin niya ang dala kong bag dahil siya na raw ang magpapasok niyon, sa una tumanggi ako dahil hindi naman iyon gaanong kabigat at saka baka nakaka abala pa ako sa trabaho niya.
Siguro ang matandang iyon ang nag aalaga ng bahay na'to. Dahil sa lakas ng hangin ay tumatabing sa mukha ko ang mahaba kong buhok, kinuha ko ang pantali ko sa pulsohan ko at tinali ang buhok ko saka naglakad patungo sa pwesto ni Riana.
Nakapikit ang mata niya at nakatingala habang dumuduyan ito.
"Kaninong bahay pala itong pinuntahan natin?" Tanong ko sa kaniya at Nnaghanap ako ng kahoy na pwede kong maupoan.
"Nanang Sabrina!"
"Bakit niyo po tinatawag si Nanay? Ma'am Riana?" May sumulpot na babae sa harapan namin. Base sa nakikita ko magka edad lang sila ni Kadriana pero mas matangkad si Kadriana kumpara sa kaniya.
Maganda siya at sobrang puti niya, mas maputi pa ata kay Kadriana. Ang kulot at mahaba niyang buhok ay tinatangay ng hangin.
"Oh, your here pala, Rina" Ngumiti ang babae at ganun na lamang ang paglabas ng biloy nito sa magkabila niyang pisngi pero mas malalim 'yong sa kanang pisngi nito.
"Pakidala po dito 'yong plastik na upoan." Muling ngumiti ang babae at umalis na.
"Bakit mo siya tinawag na, Ate?" Tanong ko kay Kadriana.
"Because she's one year older than me. Magka edad kayo."
"Hindi nga? Sobrang bata ng mukha niya, mas bata pa sayo kung ikukumpara." Hindi makapaniwala kong sabi kaya natawa siya.
BINABASA MO ANG
Serving The Señorito [Obsessed Series #1]
RomanceCOMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious. Katulad ni Ynna, kuntento na siyang makasama ang kaniyang magulang at nag-iisang kapatid. Kahit mah...