11:00
Yan ang oras ngayon at kasalukuyan akong nasa Españya sa Manila, Paano ba naman kasi nalate ako ng gising hindi nag alarm yung lintek na cellphone ko na alarm naman kaso naka silent tapos ang bagal ko pa kumilos edi pano na? Hindi na nga ako nakaligo hello!! Hilamos at konte na pabango lang at nagbihis na ako.11:00 ang pasok ko ngayong Sabado kaya sure na male-late ako pero hindi ako sanay na malate kaya kelangan ko na maka alis sa traffic na ito nagpahatid na nga lang ako sa Driver namin na Assistant den ni Daddy para kung pwede ay idrop nlng ako sa tapat ng UST at tatakbo na ako papasok. Ngayon napagdesisyonan ko na talaga lalabas na ako ng kotse at tatakbuhin ko nlng kahit wala pa kami sa tapat ng UST ang katotohanan nga ay nasa gitnang lane pa kami kaya hindi niya rin mapapagilid ang kotse kaya para hindi hassle lalabas na ako dito at kahit hindi ako kabilang sa Pabebe girls ay walang makakapigil saken.
"Ethan paki bukas ng pinto lalabas na ako dito late na talaga ako" Sabi ko sa driver namin. Hindi ko siya kinukuya because magka-age lang kami yah tama kayo ng nabasa magka age beh magkaedad after Graduation kasi ng high school ay naghanap na siya ng trabaho. Actually Ethan is our High School Salutatorian but he decide not to proceed sa College, Ilang beses ko siya kinulit about continuing to study baka maka-kuha siya ng scholarship pero ayaw niya talaga edi support nalang ako. Ethan's Parents are also so pressuring cause they want Ethan to work before after our graduation sa paniniwala nila ay gastos lang yung pag proproceed sa college kaya work work work na agad. Back to story tayo, Ethan replied.
"Hillary delakado yan pano pag di ka nakita patakbo tapos biglang nag go yung stop light? Mapapagalitan ako ng Daddy mo alam mo naman yun Over Protective akala ata baby ka pa kaya ako lang pinapagalitan" sabi niya. Naiintindihan ko naman siya pero kelangan ko na talaga umalis dito punyeta naman kasi sa dami ng stoplight sa Españya mas matagal pa yung Red light kesa sa Green di ba nila alam na nagmamadali mga tao?
"Than Hindi naman malalaman ni daddy eh walang recorder sa kotse tsaka anong oras na, Dali na sagot kita pag nalaman niya" Sabi ko naman sa kaniya.
"Umabsent ka nlng kaya? Ngayon lang naman" Sabi niya, aba lintek naman itong si Ethan ayoko na nga malate umabsent pa kaya? Tanga den minsan eh tas matalino na madalas "Aish ano ba? Buksan mo nlng kase"Sabi ko sa kaniya at dahil nga ako paren ang anak ng boss niya sinunod niya ako.
Dali Dali akong tumakbo papuntang Sidewalk at tumakbo papuntang UST and Time Check 11:05 na ng umaga si Ethan kasi di nlng basta binuksan nakipag sagutan pa.
Andito na ako sa UST ngayon sa loob ng UST pero hindi pa sa building namin kaya kelangan ko pa tumakbo, habang tumatakbo ako Napatingin ako sa relo na nasa right wrist ko. Time Check 11:11 at dahil takbo ako nang takbo habang nakatingin sa Relo ko........
"Sorry" we said in unison, Mukhang nagmamadali rin siya kaya hindi ko na rin pinansin and bigla kong narealize...NAKABANGGA AKO! No erase! Nagbanggaan kami, kasi kung nakita niya ako na babanggain ko siya umiwas sana siya hindi naman siguro siya tanga na magpapabangga diba? Habang sinasabi ko ito ay tumatakbo paren ako syempre hindi pwede na umistop because of that hellerrr!!FINALLY! I'm already in front of our classroom and Time Check 11:15 my ghad. Dali dali akong pumasok at umupo at kumuha ng notebook at nagsulat.
—————
12:00
Yan ang oras ngayon, I only have 1 class kapag Saturday kaya tinawagan ko si Ethan para itanong kung saan siya nag park para pupunta nlng ako doon.
["Hello Hillary?"] sabi niya sa kabilang linya.
"Hello Than, Ano saan ka nagpark? Pupunta nlng ako diyan"
[Ha? Ano kasi malayo yung napagparkingan ko naalala ko lang na diyan magpark nung nasa morayta na ako, Sorry] sabi niya
"Ay punyawa, Eh Asan ka nga? Pupunta nlng ako diyan lalakarin ko nlng may payong namn ako baka ma traffic ka kung babalik ka pa dito"
[Nasa Quiapo ako sa Quinta Market alam mo naman yun diba? Pasensya na talaga] sabi niya.
"Ayos lang gagi kahit mainit grabe sana di ako mangitim baka magka heat stroke na ren ako pero ok lang talaga grabe cge cge punta na ako bye"
[Cge na punta ka na lakas mo mangonsensya gag*, bye] sabi niya.
HAHAHAHA ngayon ko nlng siya
ulit narinig na magsabi ng gag* kaya tuwang tuwa at tawang tawa ako.
—————————
To be continued~Please Vote po Salamat
YOU ARE READING
Until We Meet Again
RomanceIsang babaeng ligawin pero NBSB rurupok na kaya sa pagkakataong ito? Hope to read and enjoy my story po 💕