"Nag breakfast ka na ba?" Tanong ni Mikha kay Aiah habang nilalagay ang maleta nito sa likod ng kotse niya. "Hindi pa, drive thru tayo, don't worry gastos ko lahat to" Nakangiting sabi ni Aiah at pumasok na sa passenger seat. "Seat belt please" Usap pa ni Mikha habang nagsusuot na rin ng seat belt. "Okay boss" Natatawang sabi ni Aiah at nag seat belt na rin. Nang madaan sa Mcdonalds ayy agad din niloko ni Mikha ang sasakyan niya at agad na umorder para sa kanilang dalawa ni Aiah.
"Ayokong kainin yan, hindi ba ako dapat magbabayad niyan" Inis na sabi ni Aiah at tinuon na lang ang tingin sa bintana "Okay, bahala kang magutom diyan" Nasabi na lang ni Mikha at nagdrive na ulit "Since inis ka naman na, lubusin na natin" Nakangiting sabi ni Mikha habang nakafocus pa rin sa pagdadrive, napatingin naman sa kaniya ang dalaga "Room 124 ka habang room 125 ako, magkatabi lang ang room natin kaya kapag may kailangan ka, katukin mo lang ako kung sakali" Usap pa ni Mikha, napanganga naman ang dalaga at napailing "Ako nagyaya sayo ron hindi ba?" Tanong niya pa sa binata, tumango naman si Mikha. "Tinanong mo na ba sila Sheena kung nagpapalibre ako?" Tanong niya pabalik kay Aiah at tumingin pa sa dalaga saglit.
"Buksan mo na yang pagkain natin kasi gutom na rin ako" Napanguso na sabi ni Mikha, natawa naman si Aiah at umiwas ng tingin. "Nakalimutan mo yata yung sinabi ko sayo" Seryosong sabi na ni Mikha habang focus pa rin sa pagdadrive. "Na?" Tanong ng dalaga "Na ngumiti ka kung may pagkakataon at huwag na huwag mong itatago yon lalo na sa akin" Dagdag pa nito at humarap ulit sa dalaga. Napangiti naman si Aiah kaya mapangiti rin si Mikha. "Ikaw rin, huwag mo itatago, mas gwapo ka lalo kapag nakangiti e" Nakangiti na rin na sabi ni Aiah, napaiwas naman ng tingin si Mikha at nag drive na ulit. Mikha kalma, piloto ka pa rin.
"Oh kagat! ako nahihirapan sayo e" Sabi naman ni Aiah tsaka nilapit ang burger niya kay Mikha, saglit pang tumingin sa kaniya si Mikha pero mas nilapit lang ni Aiah ang burger niya rito "Sige na, subuan na lang kita, drive ka lang diyan" Seryosong sabi pa nito habang tinitignan kumagat si Mikha. "Okay lang, kaya ko naman" Nasabi na lang ni Mikha at iniwas na ang tingin kay Aiah. "Mahihirapan ka naman, huwag ka na magulo, kumain ka na lang" Seryosong sabi pa ni Aiah at sinubuan ulit si Mikha ng Burger, wala naman na nagawa si Mikha at kumagat na lang ulit
"Hindi masamang humingi ng tulong sa iba, hindi masamang humingi ng tulong sa akin Captain Lim" Sabi pa ni Aiah at inenjoy na rin ang pagkain niya. Nang malapit na sila sa Baguio ay binuksan na ni Aiah ang bintana niya at inenjoy na ang malamig na hangin at magandang tanawin.
"Alam mo ba yung huling beses na pumunta kami rito buo pa kami ng pamilya ko" Biglang usap ni Aiah at bahagya pang humiga tsaka tinaas ang dalawang paa "Hmm, bakit hindi kayo pumunta ulit dito? nandito ka naman na sa Pilipinas ah" Tanong pa ni Mikha at lumingon saglit kay Aiah "Kahit naman pumunta pa kami rito hindi na kami kumpleto" Mapait na ngiting sagot ni Aiah, taka naman tumingin sa kaniya si Mikha "Ahh wag na maraming tanong, ngayon araw eenjoyin natin day off mo tsaka syempre yung pakay talaga natin dito"
"Okay, ito ang room mo, ito lang yung akin, ano bang plano mo?" Tanong ni Mikha sa dalaga ng makarating na sila sa hotel na binook ni Mikha three days ago. "Hmm pahinga na muna tayo parehas ngayong umaga sabay na lang tayo mag lunch mamaya sa madaanan nating restaurant tsaka tayo pumunta sa BenCab Museum, Burnham Park tas sa gabi naman, bahala na" Excited na sabi ni Aiah, tumango tango lang naman si Mikha
"Tas bukas horseback riding, mines view, la trinidad farm ang last para fresh pa mga strawberry na iuuwi natin" Dagdag pa ni Aiah "Okay, Queen" Simpleng sagot lang ni Mikha, nanlaki naman ang mata ni Aiah "Hindi ka tututol?" Tanong ni Aiah, umiling naman si Mikha
"Magpahinga ka na at magready maya maya, katukin na lang kita rito mamaya pag mag lunch na tayo" Bilin ni Mikha at pinasok na sa kwarto ni Aiah ang maleta nito "Okay Boss, baby" Nakangiting sagot lang nito "Okay, Queen" Sagot naman ni Mikha. Saglit pa silang natahimik at sabay na natawa
Pagpasok ni Mikha sa kwarto niya ay agad siyang nahiga sa kama dahil sa sobrang antok, mula kasi nang bumaba siya sa eroplano ay dumiretso agad siya sa bahay nila Sheena para doon sunduin si Aiah. Nag set naman muna siya ng alarm para agad din magising at hindi masayang ang oras nila ni Aiah.
"Girl, si Lim?" Tanong ni Sheena sa linya
"Sa kwarto niya, bakit?" Takang tanong pa ni Aiah
"Gaga ka, wala pa palang tulog yan si Lim, sabi sa akin ni Colet dumiretso na raw agad dito yan si Mikha sa bahay para sunduin ka" Sagot naman ni Sheena, napailing na lang naman ang dalaga.
"Pwede naman hindi na namin ituloy to e, bakit pinilit pa niya sarili niya?" Takang tanong naman ni Aiah sa kaibigan, saglit pang natahimik si Sheena bago sumagot
"Ikaw lang makakasagot niyan, ikaw kasama niya e, tinatanggihan nga kami niyan sa mga plano namin kapag nasa galaan kami e" Simpleng sagot lang ni Sheena at nagpaalam na kay Aiah.
"Sana naman nakatulog na siya ngayon kahit bukas na lang kami gumala" Usap ni Aiah sa sarili niya at humiga na rin sa kama niya
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
RomansaPapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...