Ladyphoenix (March 12, 2015)

366 12 2
                                    

Date: 3/12/2015

Penname: Ladyphoenix

1. Introduce/describe yourself… Prangka. Straight to the point. Pero nilulugar naman ang pagiging blunt. Supportive lalo na sa mga friends ko.

2. When did you start writing? Highschool.

3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo? 'Yung phoenix eh sa Fushigi Yuugi. Yung lady naman, kse pagirl ako noon. lols.

4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento? Sobrang saya. Hindi mapakali. As in 'yung bawat araw eh maiisip mo na mapa-publish na rin sa wakas nationwide ang story mo.

5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat? Wala. Ako lang talaga. Siguro in born na lang din sa akin kasi wala naman akong mga friends (sa personal) na may common interest e. May sarili akong mundo sa pagsusulat.

6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly. Nanonood ng music video ng mga koreanovela o anime.

7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.) Ayos lang sa akin ang negative as long as may punto o sense. Hindi 'yung para mema lang.

8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo? Call center agent. 'Yung as in sobrang gumaling at maging fluent ako sa english. Ha-ha-ha.

9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit? Puro manga kasi iyong binabasa ko e pero book pa rin naman 'yun 'di ba? Ha-ha-ha... Hana to akuma o Hadashi de Bara Wo Fume. Ganda kasi ng pagkakagawa.

10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon? - Soju. Hindi dahil best friend ko siya kundi dahil talagang hanga ako sa natural talent niya. Kapag sa kanya ang book feeling ko hindi ako masasayangan ng pera. Sa mga beterano, gusto ko pa rin si Gilda Olvivado.

11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.) Anime, manga o koreanobela. Madalas inspired sa mga 'yan ang mga stories ko pero hindi ako nangongopya. Masama 'yun e. Lahat ng gawa ko eh original kong inisip.

12. Titles of your published and to be published book… Is It Wrong To Love You? Forever In My Arms lady_phoenix16's ONE SHOT COLLECTION.

13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga? Simpleng kalokohan. Hindi naman siguro tanga ang mga kabataan para hindi malaman kung ano ang pantasya sa reyalidad. Kung nagbuntis sila ng maaga hindi dahil sa wattpad 'yun kundi dahil sa natural na tawag ng laman. hahaha...

14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo? Halos lahat naman nasubukan ko na. Routine ko nang i-try lahat ng genre.

15. Payo mo sa mga aspiring writers? Keep on writing. Huwag mo nang isipin kung may magbabasa o wala. Kung satisfied ka naman sa gawa mo okey na 'yan. Magbasa, manood pero huwag manggaya. Masama 'yun.

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon