Kabanata 35

66 15 0
                                    

Sherine

"Hanapin na natin ang anak ko! Kung saan-saan na naman 'yung nag susuot." Deklara ko.

Naka angkla ang kamay ni Jen sa aking braso nang magsimula kaming maglakad upang hanapin si Astraea. Pinilit ko ang sarili na huwag mag-isip ng kung ano-ano. Ang pinaka malapit na daan para makarating sa pansitan ay hindi dito- kila Jen baka pwede pa.

Narating namin ni Jen ang cementong daan ng lugar pero hindi pa rin namin nahahanap si Astraea. Nanginginig na ang aking kamay dahil sa kaba at tila gusto kong maiyak, kinagat ko na lamang ang aking labi upang maiwasang tumulo ang luha ko. Walang gaanong tao na dumadaan pero mayroong mangilan-ngilan na tricycle.

Naglakad ako papunta sa pataas na lugar upang magtanong pero natigilan ako dahil sa nasaksihan ko. Tila nacemento ang aking mga paa sa lupa at nanlamig ang buong katawan. Sinubukan kong magsalita upang tawagin si Jen ngunit kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig ko, ang tanging nagawa ko lang ay pagmasdan sila habang naka awang ang labi.

Lumingon sa akin si Astraea na may pag-aalala sa mukha, may bahid pa ng luha ang kaniyang pisngi sanhi ng pag-iyak.

"Mamá!" sigaw nito. Kumawala siya sa pagkaka kapit kay fiona at tumakbo patungo sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin ng balingan ako ni Ranzel. Magkasama ngayon si Fiona, Johnrey at Ranzel. Bakas sa mukha ni Johnrey ang paghingi ng tawad sa akin, tuwa ang mababanayad kay Fiona habang puno ng pagtataka ang mga mata ni Ranzel.

"I'm sorry I got too far, mamá. I got lost. But I am thankful I saw tita Fiona!" masayang usal niya; walang ka-ide-ideya na nakaharap na niya ang kaniyang ama.

"O my gosh!" usal ni Jen ng maka laptop.

I grab my daughter's my and turned my back on them. Gusto kong umalis. Ayokong maka harap si Ranzel. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa oras na mag tanong siya tungkol kay Astraea!

"Sherine!" Dinig kong sigaw mula kay Ran pero hindi ko siya nilingon.

Mabilis ang ginawa kong paglalakad palayo sa kanila. Kung maliit lang ngayon si Astraea ay baka binuhat ko na siya para makatakbo kami.

"Sherine!"

"Mamá-"

Napahinto ako sa paglalakad ng may marahas na humatak sa akin. Napa ngiwi ako sa sakit.

"Don't hurt my mamá!" sigaw ni Astraea sa kaniyang ama.

Dahil doon ay natigilan si Ranzel at biglang napa bitaw sa akin. Dalawang beses siyang kumurap na tila hindi makapaniwala sa nakikita at naririnig niya.

Wala na talaga akong kawala.

Mabilis akong umilinng "She's not yours-"

"Don't fucking fool me, sherine! She looks exactly like my sister!" Bwelta niya.

"I said don't shout at my mamá!" my eyes fell on my daughter. She was glaring at her father while holding my hand. "You mean guy! Do not bad mouth her!"

Akmang susugurin ni Astraea si ran upang mapalo ngunit agad kong hinatak ang anak ko upang mapalayo kay Ran.

Dali-daling humarang sa aking harapan si Jen at si Johnrey naman ay hinawakan ang balikat ng kaibigan niya upang pakalmahin. Hindi ako makatingin ng diretso kay Ranzel, pakiramdam ko ngayon alam na niya ang tungkol kay Astraea ay baka kunin niya sa akin ang anak ko. Ayokong mangyari iyon.

"Kumalka kayo, okay? H'wag kayong mag-away sa harap ng bata!" Ani Jen.

"What's her name-

"She's not yours!" Patuloy na pagtanggi ko.

Building Promises ( Ventura Series #2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon