prologue

2.4K 129 203
                                    

This book is a work of fiction. Any events and names mentioned in this story are only coincidences. All rights reserved.


Sedated Hearts is my first attempt at writing. Currently, it is unedited thus may contain grammatical errors and plot holes. I will come back once the series is finished and edit it. Thank you for understanding!


However, feel free to leave constructive criticisms and words of encouragement for me to take note and look back in the future.


Enjoy <3


dedicated to Camille & Robee

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"FLIGHT 1014 BOUND FOR MANILA IS NOW BOARDING. PLEASE PROCEED TO GATE 01!"


The announcer's voice ringed across the airport in Switzerland, and the airport staff was ushering everyone in the gate to prepare for boarding. Kinuha ko ang bag ko at pumila na papasok ng eroplano, the line wasn't that long since my seat was located sa first class kaya pinapauna lahat ng doon nakaupo papasok sa eroplano.


Pagpasok sa loob ng eroplano, napahinga nalang ako ng malalim dahil panigurado mahabang byahe na naman ito. It took about 13 hours before the captain announced that we were already about to land in NAIA. Pag tingin ko sa bintana, I saw that the city lights of metro manila illuminated the night. Nakakamiss din pala. Pagbaba ko, nakita ko na hindi naman ganoon kahaba ang pila sa immigration kaya naman mabilis lang pag proseso sa mga bagong dating na pasahero.


Dumertso na ako sa baggage claim and since I was one of the first people to get there, the area wasn't crowded yet. Agad ko naman nakita ang luggage ko at mabilis na rin ang pagkuha ko nito sa baggage belt.


Checking my phone, nakita ko na ang text doon nang susundo saakin, my best friend Penelope. She texted an hour ago stating that she was already waiting outside. And by the context of her text, I can already sense na naiinip na siya. I smiled to myself and made my way out to the arrival area.


"Huy! Amoy toblerone ah?" A high-pitched but very familiar voice greeted me. Nakita ko kaagad siya at natawa nalang dahil umiiral na naman ang pagiging pabibo niya. Nag dala ba naman ng placard na nakalagay 'Welcome Home Bhoszx M43Ve' at naka calligraphy pa ang mga letra. Nakakahiya kala mo mayor yung dumating!


"Nakaalis at nakauwi nalang ako, may tililing ka parin 'no?" Umirap ako pero hindi rin nagtagal ay ngumiti rin ng yakapin niya ako ng mahigpit. Hindi naman halata sakaniya na namiss niya ako.


"Gaga! Attitude ka parin ha? Pero sige oks lang, namiss naman kita!" I slightly laughed at her excitement dahil kahit naman ako, namiss ko rin siya. Ilang taon din akong hindi nakauwi rito sa Pilipinas at ilang taon din kaming nag tiya-tiyaga sa paminsan na video calls. We were both busy with our careers, and of course, the different time zones played a part as well.


"Hays! Ako lang 'to please." Pagbibiro ko na agad naman niyang sinimangutan.


"Grabe, ni 'I miss you too my dearest bff, Penelope' wala? Ganyan ba talaga ang mga nakatapak na sa snow?" Pagbibiro ni Penny at mahinang tinusok ang tagiliran ko kaya napaiwas ako at napatawa ulit ng bahagya. Epal, alam naman niyang may kiliti ako doon!


"Oo na. I miss you too!" Kinilig naman ang ate niyo at yumakap ulit ng mahigpit. Ilang minuto pa kami nag yakapan sa gitna ng airport kaya tuloy pinagtitinginan na kami. They probably thought we were crazy since Penelope kept on squealing!


Sedated HeartsWhere stories live. Discover now