Lumpiang Shanghai

35 0 1
                                    

Masyado nang maingay si Beyonce kaya lumabas na ako ng venue. Dumadagundong ang Crazy in Love sa kabuuan ng gusali. Very 2003. 

Hawak sa isang kamay ang basong may lamang Coke, at sa isang kamay ang platitong may lamang apat na pirasong lumpia na pinag agawan pa namin ng kaklase ko, dahan dahan akong lumabas sa fire exit ng gym para humanap ng tahimik na lugar. Bilang tumatanda na ang tiya nyo, di ko na kayang i-tolerate ang sobrang ingay at dami ng tao. At nga pala, ok naman kami ng kaklase kong naagawan ng shanghai. 

"Welcome Batch 2006" saad ng tarpaulin na nakasabit sa likod na bakod ng school. Ang siste, isinabit nila sa palibot na gate ang tarpaulin upang tahimik na ipagsigawan na may mini reunion kami. Mini dahil parang gathering pa lang ito para sa mas engrandeng get-together. (Not humble bragging there... I'm definitely bragging lol.)

At kahit isa akong freelance graphic designer, mahirap para sa aking ang humanap ng "free" time kaya naman nagdecide akong sumali sakaling hindi ako makasama sa sususnod na event. Sa isang banda, magandang opportunity rin para makahanap ng potential clients sa kanila. (Yes, po, alipin ako ng pera.)


Ang laki ng pinagbago ng gym at ng buong school. Konti na lang ang mga puno ng acacia kung saan kami naghihintay ng aming susunod na klase. Yung dating food stall, napalitan na ng snack bar. Mas sosyal, mas matibay.

Lumakad pa ako nang ilang metro papunta sa grotto sa gilid ng gym at naupo sa bench. Alas sais na ng gabi at ramdam ko ang lamig ng hanging amihan na dumdampi sa mga binti ko. Ha! Pasko na nga. At kahit nakalabas na ako sa gym, naririnig ko pa rin si Beyonce at ang masayang hiyawan ng mga kaklase ko. Good times.


Sinimulan ko nang lantakan ang pagkaing dala ko. Ninanamnam ko pa ang sarap ng malutong na lumpia nang...

"Mina! Nag-Sharon ka agad ha!" pabirong pakli ng lalaking papalapit sa akin. Kahit naka-contact lenses ako, hindi ko mawari kung sino ang nang-abala sa aking "me time with shanghai." 

Muli syang nagsalita, "Hello, mag-isa ka jan?"

Napatigil ako sa pagnguya. Ibinaba ko ang hawak kong shanghai at kumaway sabay sabing "Hello, bakit nandito ka?" habang nangingintab ang mga daliri sa sebo. Nang mga oras na yun, dalangin ko sa Diyos ng Kahihiyan na nawa'y ibalik ako sa panahon bago ako nakipag agawan ng shanghai. Buong puso kong isusuko ang lumpia sa aking karibal at pipili ako ng mas presentable- cake at wine (pero di ko rin sigurado kung bagay ang cake at wine.) Kung may hot, rich, mysterious tita, ako naman ang inyong awkward tita.

"Nagpapahangin lang, masyado nang maraming tao sa loob. Hindi kita nakita kanina ah. Pero bakit mag isa ka jan?" sagot ni Gilbert. 

"Recharging, haha" sinubukan kong mag-joke pero iniwan ako ng guardian angel ko.

"May mga outlet naman sa loob,"

"Haha, I mean, recharging my social battery."

"Ah, I see," natatawang sagot ni Gilbert.

Sa totoo lang, hindi kami close ni Gilbert noong high school. Kaklase ko sya from 2nd year to 4th year at bihira lang kami magkaroon ng interaction bilang may sarili syang circle of friends at ako naman ay isang "lone wolf." 

Hindi naman ako loner dahil kasundo ko naman lahat ng kaklase ko. Wala lang akong constant friendships. Nakakasalamuha ko silang lahat pero ramdam kong mababaw lang ang aming koneksyon. Nagugulat ako minsan, may mag-oopen up sa akin ng kanilang problema or plano sa hinaharap, pero hanggang doon lang. Hindi ako parte ng kahit na anong clique. Hindi ko alam kung ako ba ang may pader o hindi lang talaga ako ganun ka-cool para ma-invite sa grupo nila. At aaminin kong, minsan malungkot na hindi ako makasabay sa kanila. Ayokong magpanggap na hindi ako apektado na wala akong group of friends. Anu't ano man, nagpapasalamat ako dahil kahit di gaanong maraming ganap ang high school ko ay payapa naman ito.


"So, uh.. gusto mong lumpia?" Wala na akong ibang masabi. Gusto ko na lang na lamunin silang lahat ng lupa.

"Sure!" Kumuha sya ng isa at sabay sabing "Cheers" at parang timang naman akong nakipag cheers ng lumpia. Ganun pa rin sya, friendly at game sa lahat.

Nakaupo na rin si Gilbert sa bench katabi ko. Bahagya kong naaaninag sa malamlam na liwanag ng fairy lights ang kanyang mukha. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi sya attractive sa suot nyang black button down long sleeves. Nakikita ko naman ang pictures nya sa FB pero ganito ba talaga sya ka-fit?

Kung tatanungin ko ang high school self ko kung sino ang pinakagwapo sa batch namin, maaaring hindi sya ang isagot ko. Pero may kung ano talaga sa facial features nya na mapapatingin ka. Siguro dahil neat-looking sya? Hindi ko alam. Hindi sya yung tipong unang tingin mo ay masasabing gwapo o kaya yung tipong crush agad ng marami. Di ba, palaging may isa o dalawang kaklase kayo na crush agad ng bayan sa unang linggo pa lang ng pasukan. Hindi sya sa ganoong category pumapatak. At nung mga panahong iyon, hindi gaanong popular ang mga chinito.

Sa totoo lang, gustong gusto ko ang mata at ilong nya. Hanggang sa napapansin ko na rin pati lips nya. At ngayong 32 na ako, it's the finely chiselled jaw , mah friends. 

"Haha Mina, ang cute cute mo pa rin," natauhan ako sa pagkurot nya sa pisngi ko. Tawang tawa sya sa di ko maunawaang dahilan. At sa pagkakaalala ko, hindi kami ganun ka-close para magkurutan ng mukha.

"hahaha bakit?" Nahuli nya ba akong nakatitig sa kanya? Ito ba ang tamang oras para magnilay nilay kung may jawline fetish ba ako? Dang! Hindi ko malasahan ang lumpia! 

"Grabe yung pagtingin mo sa shanghai. Alam mo, kung ayaw mong mag-share, pwede mo naman sabihin sa akin eh," 

"What?! No! No! Go ahead, kung gusto mo, sayo na rin tong isa? Cheers?" Yes, cheers dahil wala na akong masabi. Awkward pa sa awkward.

At humagalpak na si Gilbert ng tawa. "No, joke lang yun Mina hahaha, pinapatawa lang kita. Mukhang malalim ang iniisip mo habang nakakunot ka sa akin eh."

Pakiramdam ko nahulas lahat ng nainom kong coke at nawala ang namumuong kaba sa aking dibdib. Di ko na rin napigilang tumawa. Nagkwentuhan kami ng mga high school memories. Kahit hindi kami ganun ka-close, isa si Gilbert sa mga mababait kong kaklase. Katunayan, crush ko sya nung 4th year. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero pagkatapos ng Christmas break, narealize ko na lang na nahulog na ang loob ko sa kanya.



To be continued...





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tahan na, Miss AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon