Napaayos si Thea ng tayo nang bumukas ang silid ni KH. May damit na ito.
"Sayang," bulong niya.
"Do you cook?" tanong nito sa kan'ya kapagkuwan. Palapit ito sa kinatatayuan niya.
Napakunot-noo siya sa tanong nito. Bakit ba nito natanong iyon? H'wag nitong sabihing ipagluluto niya ito, imbes na ipaglinis ito?
"Bakit po?" balik-tanong niya dito.
"Ako ang unang nagtanong, Miss Contreras. Yes or no lang ang sagot," anang binata sa masungit na himig.
Napaawang siya ng labi. Hindi niya pinansin ang pagsusungit nito. Mas interesado siya sa kung paano nito nalaman ang apelyido niya.
"P-po?"
"Damn!" bulong nito pero dinig niya pa rin. "Marunong ka bang magluto?"
"O-opo," sa wakas ay nasagot niya.
"Good. You're hired," anito at iniwan siya.
Natigilan siya saglit. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Anong hired ang pinagsasabi nito?
Naguguluhang sinundan niya ito. Patungo ito ng kusina.
Nang makarating ito ng kusina, nilingon siya nito. Akmang ibubuka nito ang labi para magsalita nang unahan niya.
"Sir, cleaner po ako. Hindi cook," imporma niya dito.
"I already know that, Thea. You did great last night, actually. But tonight, I need your expertise in cooking, and please, sarapan mo." Hindi niya pinansin ang paraan ng paghagod nito sa kan'ya.
"Sir, hindi nga po-"
"Anong ginagawa mo dito sa Dubai, Thea? At, bakit ka nagpa-part-time na cleaner kahit may trabaho ka pang iba? Answer me. Bilis," agaw nito sa sasabihin niya.
"Para magtrabaho. Makaipon at makapagpatayo po ng sariling bahay," wala sa sariling sagot niya.
"Iyon naman pala, eh. Bakit mo a-ayawan ang ang alok ko kung gano'n? 'Di hamak na mas magaan ang magluto kesa maglinis. Isa pa malaki ang sasahurin mo sa akin. Basta maging mabait ka lang,"
Napatingin siya dito ng derecho. Mukhang seryoso ang kaharap sa sinasabi nito.
"Paano po ang ibang kliyente ko,"
"Simple lang. Tell them that you are mine now. I mean, sa akin ka na magtatrabaho sa gabi. You will be my cook starting tonight. I love Filipino dishes, Thea. Feeling ko nasa Pilipinas ako kapag kumakain ng mga gan'yang luto. I used to travel before, at isa 'yan sa hinahanap-hanap ko," seryosong k'wento nito.
Mukhang nakumbinsi siya sa huling sinabi nito. Kahit sino naman dito sa Dubai mas gusto ang pagkaing pinoy.
Inisa-isa nitong itinuro ang mga gagamitin sa pagluluto gaya ng mga gulay, karne at kasangkapang gagamitin.
Aliw na aliw siya habang nagsasalita ito. Pakiramdam niya kinakantahan siya nito. Ngayon niya lang napansing mapula ang labi nito. Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ng labi nito? Kinikilig siya sa isiping iyon.
Napapagaya siya dito sa tuwing napapalabi ito. Naaliw din siya sa tuwing tumataas ang kilay nito. Perpekto rin ang ilong nito, ang galing din ng pagkakagawa sa mga labi at mata nito, bumagay sa mukha nito. Siguro, maganda at g'wapo din ang magulang ng adonis na ito. Napaayos siya ng tayo nang makita siya nitong titig na titig sa mukha nito.
"Are you with me, Miss Contreras? May dumi ba ako sa mukha?" nakunot-noo nitong tanong.
"Y-yes," nauutal niyang sagot. Parang gusto niyang magsisi sa sagot dahil hinawakan nito ang kamay niya. Pakiramdam niya, may kung anong boltahe ng kuryente ang gumagapang sa kan'ya, umaabot iyon hanggang sa kaibuturan niya.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Time in Dubai
RomanceDahil sawa na si Thea sa pagbubunganga ng ina. Napilitang mag-abroad ang dalaga. Graduate siya ng BS Tourism. Sa isang construction company siya nakakuha ng trabaho sa Dubai. Maliban sa pag-o-opisina, on-call cleaner din siya. Isang araw, tinawagan...