Chapter 27

732 13 0
                                    

-PARADOXICAL ACCURSED-

     The blue haze of the morning sky was already up for the day. Nagising si Aquil sa ingay ng pagbukas ng pintuan ng kaniyang kwarto. He raised his body, at kahit mabigat sa pakiramdam ang isang paa ay pinilit niyang magawa ito.

     "Magandang umaga, dong Aquil." Ngayon lang niya napansin ang nakangiting si nurse Joy sa kaniya. May mga dala itong pagkain at mga gamot. Hinarangan din nito ang pintuan ng kaniyang kuwarto at iniwang nakabukas ang bintana upang makapasok ang aliwalas ng hangin sa araw na iyon.

     Sinamaan niya ng tingin si nurse Joy, like an old grumpy woman his face was. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang ginawa nitong pagsupalpal sa sandaling magkasama sila ni Agnes. Paano ba naman kasi, naabutan nito ang pag-uusap nilang dalawa kagabi at siya'y sinundo upang bumalik sa kaniyang kwarto para patulugin na, na para bang bata. Hindi niya tuloy nakuha ang sagot ni Agnes sa kaniyang tanong.

     "O, ba't kay aga-aga ika'y nagsusungit, ha, dodong?" nakangising tanong ng dalagang nurse sa kaniya. Hindi naman talaga ito nang-aasar, naasar lang talaga siya sa mukha nito dahil sa ginawa kagabi.

      Aquil grumped at her, crossing his arms, and made a 'deadma' poise.

      "Aba-aba." Lumapit si nurse Joy sa kaniya na natatawa at nagtataka. "Ano'ng meron at ikaw nga talaga'y nagsusungit? Ano, epekto na ba ng bubog? O napanaginipan mo 'kong hindi mo 'ko naisahan sa mga kalokohan mo? Naku ikaw na bata ka." 

       Nakangiwing bumaling si Aquil sa maulit na dalaga, "May atraso ka pa sa akin!"

       "Alam mo, Aquil, para kang tipaklong sa postura mo. Alam mo yun? Yung kwentong pambata ng masungit na tipaklong na laging nakahalukipkip kay manong langgam? Sige ka." 

       Muli ay sinamaan ng tingin ni Aquil ang nurse at napatingin sa sarili. 'Oo nga no?'

      "Tsk. Naiinis pa rin ako sa'yo."

      "Bakit? Kasi naistorbo ko yung date n'yo ni Agnes kagabi?" Eksakto pagsabi no'n ng nurse ay nagbukas ng pinto ang silid kung saan si Agnes kaya nagtama ang kanilang mga mata. Binuksan iyon ni Vanjoss at iniwang nakabukas upang makapasok ang aliwalas ng hangin. Samantalang kapansin-pansing nakasara pa rin ang bintana sa silid nito, marahil sa mga pumapasok na mga nahuhulog na talulot, at ayaw iyon ni Agnes. 

      Unang nag-iwas ng tingin ang binata at inis na tumingin kay nurse Joy.

       "Ang dami mo nang nalalaman nurse Joy, oras na ata upang ika'y patahimikin na." Namumula na si Aquil, hindi mawari kung dahil ba sa inis o dahil sa hiya.

      "Oo na, oo na, tatahimik na po." Bumalik si nurse Joy sa kinaroroonan ng umagahan ng binata. "Pero sabihin mo munang, 'masusunod kamahalan'."

       "Pwe, kamahalan ka d'yan. Pero 'di bale na, mukha ka namang Red Queen ng Alice in Wonderland." Kahit papaano'y nakaganti na rin si Aquil.

       "Ang sama mo, Aquil, alam mo ba yun?" mapagtampo naman ngunit natatawa pa ring sabi ni nurse Joy upon finally organizing his meal.

      "Hindi ko iyon alam!"

      "Nga pala." May naalala si Aquil. "Si Papa nga po pala, ate?"

      "Ay si sir, maagang umalis dong. May mahalagang pagpupulong pa umanong dapat daluhan. Hindi ka na nga pinapagising upang 'di ka maistorbo sa pagtulog."

      "Eh si mama po?" 

      "Wala ring sinabi, dong Aquil." Kapansin-pansin ang pagbaba ng tingin ni Aquil matapos marinig ang mga 'yon.

Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon