-A WORLD OF BLACK AND WHITE-
"Ey, ano? Hindi sila makakadalaw ngayon?" Nakatagilid ang ulo ni Aquil habang nagkatagpo ang kilay na nakatingin kay Diego na nag-aayos sa pagsuot ng kaniyang salamin sa mata.
"Oo nga kasi," giit pa ng binatang may 'apat na mata' dahil sa pangungulit ni Aquil.
"Bakit daw? Hindi man lang sila napatawag sa telepono." Napangiwi si Aquil na may pagtatampo.
"Sabi ng triplets, tutulungan daw muna nila ang magulang nila sa mga gawaing bahay." Diego yawned afterwards. "Ako nga eh, 'di sana makakapunta ngunit ako'y ginising ng nanay at pinilit na ipadala sa'yo ang mga pagkaing 'to."
"Buti na lang pumunta ka nga."
"Eh magagalit ang nanay! Pakiramdam ko nga mas paborito ka pa nga niya kaysa sa akin." Sinamaan kunyare ni Diego si Aquil ng tingin, natatawa lang naman si Aquil na natutuwa. Sa tagal ng kanilang pagkakaibigan ay nakikilala na sila ng kani-kanilang mga magulang.
"Uy, sabihin mo kay ante Rosa, ang guwapong prinsepe na nagngangalang, Aquil, ay nagpapasalamat sa kaniya," mapagbirong wika ni Aquil.
"Ang hangin mo talaga, eh 'di ikaw na pinagpala." Diego yawns again after saying that.
"Sandali, nasaan nga pala si nurse Joy?" tanong bigla ni Diego nang naalala ang nurse.
"Siya'y abala doon sa pagsusuri na ginawa sa akin kanina."
"Talaga? Sinuri ka na naman?"
"Oo, pagkatapos kong kumain ng almusal, pinapatulog nga sana nila ako ulit eh ngunit hindi ako naiidlip. Heto o, ta-dah!" His face was bright while uncovering his feet from the blanket. Bumungad sa kaibigan ang paa niyang may malaking masa ng bato na sumisilip sa kaniyang balat.
Si Diego nama'y nabahiran ng pag-aalala sa mukha at napabuntong hininga. "Eh, okay na ba ang pakiramdam mo, Aquil? Ano bang sabi ng mga eksperto?"
"Oo naman uy, okay na okay ako!" Sinungaling. "Tsaka sabi ng mga eksperto, patuloy na tumataas yung calcium level sa katawan ko kaya nagiging mas madali yung paninigas ng mga sugat dahil doon madedeposit ang calcium stack sa halip na mag-blood clot."
Napahawak si Diego sa ulo na tila ba sumasakit, "Nahilo ako bigla sa mga narinig ko. Napaka-klompekado talaga iyang sakit mo eh."
"May paraan pa bang maibaba ang calcium level mo?" tanong pa ng kyuryos na kaibigan.
"Hmf." Napahawak sa baba si Aquil at napatingala na tila ba nag-iisip, "Oo meron pa, yun yung sabi ng mga doktor."
"Talaga?!" sumigla naman sa tuwa ang mukha ng kaniyang kaibigan dahil magandang balita na narinig.
"Oo nga kasi. Ano ba? Ang kulit mo, alam mo yun? Hindi mo yun alam."
"Heto naman ang sungit-sungit. O, ano nga pala itong sinabi ng mga doktor upang maipababa ang calcium level mo?"
Aquil answered, "Wala umanong tukoy na tiyak na treatment, ngunit maari pang mapahaba ang buhay ko at mobility kapag patuloy akong umiinom no'ng mga gamot na binibigay nila, pero maliit lang yung tsansa na maipababa nito ang calcium level ko. Kaya kung gusto ko talaga umanong maipababa ang calcium level ko nang mas mabilis at sigurado, I have to take risk of taking needles kahit isa ito sa pinakamalaking risk ng sakit ko. Ironic right?"
"Ang ibig mong sabihin ba'y, mga calcium-reducing drugs na ini-inject?"
Tumango si Aquil bilang sagot sa tanong ng kaibigan. Muli ay napabuga ito ng hangin at napahawak sa sumasakit na sintido bago ito lumapit sa kaniya at marahang payakap na tinapik.
BINABASA MO ANG
Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTO
Genç Kurgu[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes her not cry, and a genetic condition that devoids her tactility. But what happens when she meets Aqui...