Chapter 29

732 13 0
                                    

-STRANGE GIRL, AGNES-

     "Talaga bang may pag-asa pa akong magkakaroon ng kaibigan bukod sa'yo?" Agnes asked Aquil while pushing his wheelchair through the hallway.

     "Oo naman! Mga kaibigan ko ang dadagdag sa listahan."

     "Pero takot naman ang iyong mga kaibigan sa akin."

     "Hindi ka lang nila maintindihan minsan, ngunit alam ko kapag nakilala ka pa nila'y lalapit din ang mga 'yon sa'yo. Pakiramdam ko nga'y magkakasundo na kayo kaagad ni Gelina eh dahil siya na rin yung nais mapalapit sa'yo. Tanda mo pa? Yung pandak na parang gasul, pero kyut at mas matangkad nang kaunti doon sa masungit na kapatid niya?"

     Tumango naman si Agnes.

     "Si Filipe naman, yung may katangkaran at brusko ang pangangatawan, wala namang problema iyon sa pakikisama. Tsaka, yung dalawang natira, sa tingin ko sila lang naman yung mahihirapan na pakisamahan ka, ngunit hayaan mo, tutulungan kita roon kina Diego at Emilda." Bumungisngis pa si Aquil.

      "Ngunit ano ba ang dapat gawin ko nang hindi na sila matakot o mailang sa akin?" Napaisip si Aquil sa sandaling iyon, after Agnes asked that one.

     Napahawak pa sa baba ang binata hanggang sa may naisip, "Alam ko na!"

     "Ano?"

     "Ngumiti ka!"

     Bumangon na si Agnes matapos magising sa mga duyog ng ibong nasa labas. Unaware, she was smiling upon remembering and knowing again that she actually has a friend all this time.

     "Ganito pala ang pakiramdam ng may kaibigan." Napahawak siya sa kaniyang dibdib, may kung anong kiliti ang naglalaro dito.

     "Nakakapanibago itong bagong emosyong nadiskubre ko."

     "It feels weird and bit awkward." 

     "EEEEY?!" Nabulabog ang pagmomonologo ng dalaga sa sigaw na iyon. It was her kuya Vanjoss who just got into the room from the outside.

     "Sino ka?!" Nagigimbal na tanong ng binata. "Ikaw pa rin ba ang pinsan kong si Agnes?!"

     Sa pagkakataong ito'y nawala sa mukha ni Agnes ang kaniyang ngiti, at muli, bumalik sa dati ang kaniyang mukha. She was looking at him with a poker face again, ngunit ang totoo'y nagtataka siya sa naging reaksyon nitong tila nakakita ng isang multo.

     Upon seeing her straight poker face again, Vanjoss realized it was still her. Ang OA nito kung maka-react.

     Lumapit pa si Vanjoss sa kaniya at tinitignan siyang tila sinusuri ang mukha. "Sandali! Sandali, na'san na 'yon? Ba't nawala bigla?!" 

     "Ang alin?"

     "Yung ngiti mo!"

     "Ha. Ngiti daw, hindi naman ako ngumingiti."

     "Ey? Pero nakita ko yun!"

     "Pa'nong ngiti kuya?" Sa sandaling ito'y napaismid nalang ang binata at hindi na nag-abala pa.

     "Ha." He shook his head. "Ako'y masyadong napagod na yata kaya kung ano-ano nalang ang mga nakikita ko."

     Sa huli napaupo na lamang si Vanjoss sa tapat ng mesa at kumuha ng isan tinapay at binuksan ang garapon ng mantikilya de mani.

     "Agnes, nag-almusal ka na ba?" baling ng binata sa pinsan. Umiling lang si Agnes bilang sagot.

     "May binili nga pala akong ulam at kanin upang iyong makain. Sandali lang ha, ihahanda ko muna nang madala ko riyan sa kama mo. Pasensiya na, ayaw ko kasing lumamig kaagad kaya hindi ko muna inilipat."

Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon