-BEADS IN THE BLEEDING SUNSET-
"Kuya, do I really have to stay here this long? It's already been a month, I don't think I'm still physically unhealthy." Seryoso ang mukha ni Agnes na nagtanong sa kaniyang pinsan na pinagkakaabalahan ang pag-o-organisa at paglilinis ng kanilang mga gamit. Nais pa nga niyang tumulong ngunit mas OA pa ito kesa sa kaniya kaya't siya'y nanatiling pinagpahinga sa kaniyang kama.
"Hindi mo man dama, ngunit kailangan pa rin nating makasiguro kaya dapat ka munang manatili dito sa ospital. After all, you have the rarest type of analgesia, so you really won't feel anything." Saglit na natigilan ang binata nang pagkuha niya sa isang box ay may laman itong mga patay na damo. "Sandali, ano ba ang mga 'to?"
"Agnes, sa'yo ba 'to?" bumaling sa kaniya si Vanjoss at pinakita ang mga natuklasan.
Sumagot ang dalaga, "Uh, oo. Kinuha ko sa likod ng ospital, at pinatuyo upang itanim ang mga buto doon sa harden na nasa ikalawang palapag ng bahay nang may ma-attract na mga insekto't may makain si Penong."
"Penong?" nagtataka naman si Vanjoss.
"Yung nakakahalobelong kong American frog, isang isinumpang prinsipe. Naiwan doon sa bahay."
Napailing naman si Vanjoss sa kaniyang ulo, out of disbelief, "Agnes, that's good, yes, and it would be better if you'll hang out with real people. Talaga bang nananabik ka nang umuwi?"
"Oo."
"Ngunit kailangan ko munang siguraduhing magiging ligtas ang iyong pag-alis dito kung sakali. You'll be having your final physical check-up tomorrow."
"Talaga? And after that, you won't be pushing me to face a psychiatrist?" Sa sandaling ito'y natigilan na ang binata. 'She's still hesitant, after all that happened to her?'
Hindi kaagad nakasagot ang binata, napabuga lamang ito ng hangin.
"I guess, not all silence means yes, kuya." Agnes stood up and was about to leave, saying, "Kuya, labas lang muna ako saglit."
"Okay, pinsan, ngunit sandali." That stopped her, she was already at the door.
Ngumiti si Vanjoss sa kaniya at kalmado ang ngiting iginawad nito, "Hindi kita pipilitin, ngunit kung handa ka na at willing ka, then I will."
Paglabas ni Agnes ay namataan niya si Aquil na ngumiti nang siya'y makita. Kasama na naman nito ang mga kaibigan. Agnes just passed by, and upon doing so, mabilis na nagbigay senyas ang binata sa mga kasama bago nagkapatong-patong ang kanilang ulo sa pintuan habang nakasilip sa tinatahak na pasilyo ng dalaga, wari ba'y mga espiya.
NAGTUTULAKAN, nagbabangayan, at nagkukulitan, yan ang magkakaibigang sina Aquil, Gelina, Diego, Emilda, at Filipe.
"Eh? Ba't ako? Ba't ako, Aquil, eh alam mo namang natatakot ako sa kaniya hindi ba?" pabulong ngunit matigas na reklamo ni Diego nang itinutulak ng mga kaibigang sina Aquil, Gelina, at Filipe na ibigay sa dalagang si Agnes ang isang munting regalo na naisipan nilang ibigay rito matapos ang pagibigay nito ng regalo sa kanila nitong mga nakaraang araw.
"Tsaka tignan n'yo nga o, hindi ba kayo natatakot sa kaniya at para siyang isang matandang mangkukulam na tawang-tawa sa kinokolektang mga patay na weeds?" naiiyak pang reklamo ni Diego. Tunay ngang tawa nang tawa si Agnes sa kaniyang pag-iisa sa likod ng ospital habang binubunot mula sa lupa ang mga natitipuhang damo. Ang tawa nito'y paputol-putol at kulang ng sigla kaya nakakatakot itong pakinggan.
"Aanhin nga pala niya ang mga iyan?" si Filipe na ngayon ang nagtatanong. Wala namang maisagot si Aquil dahil nakalimutan naman niyang itanong ang tungkol dito nitong nakaraan.
BINABASA MO ANG
Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTO
Teen Fiction[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes her not cry, and a genetic condition that devoids her tactility. But what happens when she meets Aqui...