-CLEARING CLOUDS-
"Emilda, nais kitang makausap."
An awkward silence reruns their void. Isang malamig na hangin ng pasilyo ang mahinang humalik sa kanilang mga buhok.
'Isang pananambang.' Napahigpit ng kapit si Emilda sa kaniyang palda. 'Tama, kagaya ng kaniyang sinabi, ay nais niya akong makausap.'
Tumalim ang ekspresyon sa mukha ni Emi. 'Ito ba'y isang pagsisiyasat?'
"Sssh, huwag kayong maingay." Lingid sa kaalaman ng dalawa na nagtatago sa likod ng isang pader sa isa sa mga pasilyo ang kanilang mga kaibigan na mga chismosa ng taon. Nagkakapatong-patong ang mga ulo ng mga ito na tila mga espiya.
"Emi." Nagtaas ng tingin si Emilda sa pagtawag na iyon ni Agnes.
"Bakit hindi mo tinaggap ang munting regalo ko para sa'yo?" Hindi kaagad nakasagot si Emilda dahil sa pagkabigla, pranka na kung pranka magsalita ang kapwa dalagang kaharap niya ngayon.
Gulat at tensyunado ang mga kaibigan sa kasulok-sulukan. "Grabe ang prangka pala nitong si Agnes."
"Ang sabi ni Aquil sa akin ay dahil hindi ka pa nakakausad doon sa hindi natin pagkakaintindihan, doon ka humuhugot ng sama ng loob," diretsa pa ni Agnes.
Aquil jolted from the depths, mukhang inilaglag yata siya ng dalaga at takot at mahinang napabulong, "Patay, nilaglag niya ako sa paglaglag ko kay Emi."
"Pakielamero ka kasi ng taon," mahina namang kutya ni Gelina.
Deep inside, Emi on the other hand jolted in annoyance, 'That jerk!"
"Nais kong ibigay ito sa'yo, ngunit mukhang hindi pa rin tayo magkakasundo," rinig pa ni Emi na dagdag ni Agnes. Seryoso ang mukha nito, and was looking at her dead-straight ahead.
Finally, Emilda spoke up, "Tama, hindi talaga."
"Emilda, do you hate me?" Emilda slightly gasped at this instance, hindi siya nakailag sa tanong na 'yon.
Napatingin siya sa kawalan, sa harap ng seryosong dalaga na kaharap ngayon. 'Sandali, akala ko ba'y pagkakataon ko na ito upang makaganti sa kaniya. Ngunit... bakit tila bigla nalang yata nanluko ang dila ko?'
"Not really," Emilda finally spoke up.
Ang mga chismosang kaibigan naman nila'y nanatiling nakatago, ngunit tensyunado na sa mga maaring mangyari sa susunod.
"I.."
"Kung gano'n ba't hindi mo tinanggap ang aking regalo? Bakit lagi kang naiirita sa akin? Why must you imply I must be rejected?" seryoso pang tanong ni Agnes. Hindi mawari ni Emilda kung anong emosyon ang naglalaro sa katauhan nito lalo na't blanko lamang itong nakatitig sa kaniya, na tila ba, ini-intimidate siya. Kaya naman, wala siyang ibang magawa kun'di ang magbaba ng tingin.
"Bakit kailangan mong gawin ang mga bagay na iyon kung wala kang sama ng loob sa isang tao?"
Straight at tensyunado ang mga takipmata ng mga nakatagong kampon ni Marites sa kanilang pinagtataguan, "Dire-diretsa nga siyang nagtatanong."
"Hindi ko matukoy kung paano niya nagagawang magtanong sa mga prankang bagay na iyan?" dagdag pa ni Aquil sa kinauupuang wheelchair.
"Tunay nga yatang walang pakiramdam si Agnes," dagdag naman ni Filipe.
BINABASA MO ANG
Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTO
Novela Juvenil[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes her not cry, and a genetic condition that devoids her tactility. But what happens when she meets Aqui...