A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^CHAPTER 47
Nagising ako na nakahiga na sa kama. Nakasuot sa akin ang isang roba at maliban doon ay wala na. Inilibot ko ang mata ko sa paligid at noon ko lang naalala ang mga nangyari. Bumuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung tama ba ang mga naging desisyon ko. Sa ngayon ang gulo-gulo ng utak ko. Hindi ako makapag-isip ng matino.
Bumaba ako sa kama para lapitan sana ang isang cabinet na nasa gawing kanan ko nang may matapakan akong malambot. Pagtingin ko ay nakita ko si Shi na natutulog sa sahig, tanging unan lang ang mayroon siya na siyang natapakan ko. Mabuti na lamang at hindi si Shi mismo ang natapakan ko, makakaistorbo pa ko sa pag-tulog niya. Ang laki-laki ng kama, pero bakit dito pa siya sa sahig natulog?
Dahan-dahan akong humakbang sa kaniya at naglakad. Nang nasa harapan na ako ng cabinet at buksan ito, bumungad sa akin ang mga nakasabit na damit pambabae at panlalaki. Sa gawing ibaba nito ay ang mga under garments. Mukhang lahat ng ito ay bago pa dahil may mga tag pa at mukhang mga branded pa ang iba.
Hindi ko lubos maisip na may mga tao pala talagang walang pakialam kung gaano karami na ang nagagastos at kung kagaano kamahal ang mga materiyal na bagay na bibilhin nila. Kumuha na lang ako ng isang simpleng t-shirt at isang pantalon dahil iyon na ang pinaka-simple sa lahat ng naroon.
Nagdahan-dahan ako sa paggalaw para hindi ko magising si Shi. Matagumpay akong nakapasok sa loob ng banyo na hindi siya nagigising. Nag-bihis na ako at nang paglabas ko ay inabutan ko si Shi na nagsusuot ng t-shirt. Hindi naka ligtas sa aking paningin ang benda sa gawing balikat niya. Nagmadali siyang magbihis at agad na lumapit sa akin.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko.
"I'm fine, Jen. Hindi na rin ganoon kasakit iyong sugat ko. Ikaw? Kamusta ang pakiramdam mo?" kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"I'm fine too." Binigyan ko siya ng isang tango habang may malaking ngiti. Sinigurado kong aabot iyon hanggang sa mga mata ko.
"Jen?" Nagtatakang tanong niya.
"Ayos nga lang ako. Huwag kang mag-aalala." Nakangiting sabi ko at binigyan ko siya ng isang tapik sa balikat niya. Nilampasan ko siya at sinimulang ayusin ang kamang pinaghigaan ko. Pinulot ko rin ang unan na ginamit ni Shi na nasa sahig pa rin.
"Bakit nga pala sa sahig ka pa natulog? Dapat dito na lang sa kama. Isa pa, kailangan mo ng kumportableng higaan. Baka sumakit iyang sugat mo." Sabi ko.
"Jen, w-wait." Nag-aalalang lumapit siya sa akin. Tinabanan niya ang mga balikat ko at iniharap ako sa kaniya. Nahinto ako sa pag-aayos ng kama.
"What are you doing?" tanong niya.
"Nag...aayos ng kama?" nagtatakang tanong ko rin sa kaniya. "Shi. Kung nag—"
"Jen, don't do this to yourself." Pigil niya sa sasabihin ko.
"Do what, Shi?"
"Jen, ikaw lang din ang mahihirapan. So, please! Huwag kang magpanggap na okay ka, na okay ka lang. It's okay not to be okay sometimes. Lalo na at may dahilan ka para hind imaging okay." Kita ko ang lungkot at sobra-sobrang pag-aalala sa mukha niya.
"Don't worry, Shi. I can handle myself." Binigyan ko siya ng isang ngiti at tapik sa mga kamay niyang nasa balikat ko. Dahan-dahan kong inaalis ang mga iyon at ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng kama. Pagtalikod ko sa kaniya ay ginawa ko lahat ng makakaya ko para hindi tumulo ang mga luhang nagsisimula nang mangilid sa mga mata ko.
Wala na akong narinig pa mula kay Shi. Kailangan kong maging matatag. Hindi ko hahayaan na makita nilang nahihirapan ako dahil para sa akin, magmumukhang talo na ako hindi pa man nagsisimula ang laban. Ang akala ko ay mahirap na ang mga pinagdaanan ko sa mga nakalipas na taon, akala ko lang pala iyon.
BINABASA MO ANG
KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)
Acak*COMPLETED* Amigo. Amiga. Tomodachi. Chingu. Fílos. Besty. Beshie. Bes. Friend. Kaibigan. Isang salita pero napakahalaga. Maraming tawag pero iisa ang kahulugan. Maaring isa lang o madamihan. Lahat ng tao pwedeng maging kaibigan mo, Pero sa pagpili...