-Chapter 35-
[BEA'S POV]
Katabi ko si Helga habang naghihintay sa boarding gate ng flight namin papuntang Palawan. Sa resort ng mga Garcia gagawin ang surprise birthday party para kay Gino. Yun nga lang ay hindi kami magsasabay-sabay papunta doon para hindi makahalata ang isa.
"Ready ka na ba mamaya?" Pabirong tanong sa akin ni Helga.
"Nakakatakot kaya..." Yun lang ang nasabi ko. Kanina pa kasi ako kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung ano ang mangyayari mamaya.
"Wag ka ng kabahan dyan. Ikaw talaga, surprise birthday party lang naman ni Gino yun. Saka ayaw mo pa ba nun? Mapagkakasundo na natin ang mag-kuya mamaya?"
Oo nga pala, pinaplano din ni Helga na ayusin ang gusot sa pagitan ng dalawang magkapatid.
Pagdating namin sa resort ay kaagad akong nag-ayos ng gamit. Dinala ko din ang laptop ko dahil nagba-baka sakali akong makasingit ng kaunting trabaho habang nasa isang linggong bakasyon dito sa Palawan. Kung hindi lang siguro dahil sa pakiusap ni 'Lola Fely' ay hindi ako papayag sa pinaplano nila.
Napasarap naman ako ng higa sa kama. Kakalog-kalog nga ako dito sa Suite Room ng resort dahil ako lang mag-isa sa room. Kunsabagay, pamilyar na rin sa akin ang room na ito dahil ito rin mismo ang room ni Gino nang magbakasyon kami dito isang taon na ang nakakaraan.
Bigla akong napa-isip. Bigla kong naisip si Gino at lahat ng masasayang alaala sa kwartong ito.
"Ang daya mo naman! Ang dami mo ng nakakain o!" Naglalaro kami ng chess noon habang nakaupo sa dining table. Nag-improvise kami ng chess board at whole almonds ang ginamit naming pegs.
"Ganun talaga pag magaling sa chess. Kaya kawawa ka pag hindi mo ginalingan!" Sabi niya sa akin at isinubo ang isang piraso ng almond.
"Ugh! Ayoko na nga!" Kukuha na sana ako ng isang almond sa board ko pero pinigilan niya ako.
"Tsk tsk tsk! Quitter!"
Napa-ngiti na lang tuloy ako. Minsan pala may pagkakataon din na ako ang nagiging quitter at siya ang fighter.
Nagulat naman ako nang magring ang cellphone ko. Gino is calling! Shoot! Paano ko sasagutin to?
"H-hello?"
"Hi, baby..."
"Yan ka na naman eh. Hindi Baby ang pangalan ko. Bea..."
"Ang sweet kaya pakinggan!"
Napabuntong-hininga na lang ako. Mapipigilan ko pa ba siya eh yun naman talaga ang tawag niya sa akin noon.
Eto na naman kami. Magmumuni-muni na naman ba ako sa tuwing nag-uusap kami.
"Bea... Nakikinig ka ba?" Tanong ni Gino sa akin sa kabilang line.
"O-oo naman. Nasaan ka ba ngayon?"
"Papunta akong Palawan mamaya. Gusto ko sana, kasama ka. Eh hindi ka naman daw pwede sabi ni kuya."
"Pasensha na Gino, ha. Medyo busy lang eh. Pero, sige. Susubukan ko pa rin na sumunod. Binigyan din naman kasi ako ni Sir Enrico ng plane ticket eh." At nagsinungaling na naman ako sa kanya. Hay nako! Hindi ko na ma-imagine kung ano ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nyang nandito na rin ako.
"Aasahan ko ang pagsunod mo ha. Pagbigyan mo naman ako. Birthday ko naman eh. Kahit ako na ang magbayad ng isang buong araw mo, triple pa. Basta makasama lang kita ngayon."