"From now on, girlfriend na kita Ms. Lim"
Ano raw sinabi niya?!
Never pa akong nagkaka boyfriend no tapos sasabihin ng mokong na to na girlfriend nya ako?
WTF. nagpapatawa ba cya? d kasi bumenta joke nya sakin eh.
Di pa sana ako aarte kasi nga gwapo cya pero kahit panget ako slash di kagandahan, aba dapat magpaka choosy rin ako noh!
Bakit, magaganda lang ba dapat mapili? tss.
"Makakatikim ka talaga sakin mamaya!"
pabulong kong sabi sa kanya habang kinukurot ko ang kamay nya na nakahawak parin sakin.
Yung mga babae rito parang papatayin pa ata ako sa titig nila tsaka judgemental rin pala tong mga ungas nato eh noh? oo na nga diba? panget na kung panget! Hiyang hiya naman ako sa kagandahan ng mga to na walang ibang alam kundi ang magsuklay, magpaganda at magpa cute rito sa campus.
...
Matapos ang ala- S.O.N.A ni P-noy, este ni ano pala..
Ano nga ba pangalan nya?
Wacky ba yun? ...
Ah wala na akong pake dun kung sinong anak man siya o saang planeta cya nanggaling na bigla nalang susulpot at magpapakilalang boyfriend ko daw.
Tibay niya rin ah? tignan lang natin ngayun...
----------------
"H-hoy! teka nga saan mo ba ako dadalhin, ha? ganyan mo ba itrato ang boyfriend mo?"
"F-Y-I Mr. Idontknowwhoyouare, boyfriend?! Kasi sa pagkakaalam ko, si Samantha Lim ay di pa nagkaka boyfriend since May 30,1996. as in SINCE BIRTH. Halata naman sa mukha diba? tapos ngayun ipapahiya mo sarili mo sa harap ng maraming tao para ipakilala sa lahat na may girlfriend kang di mo pa kilala? WOW NAMAN."
"Hahahaha chill ka lang, ok? para namang d mo gusto ang ginawa ko? Kung tutuusin, you must be the luckiest girl today kasi hinirang kang girlfriend nang gwapong-gwapo at poging-pogi na Joaquin Dela Vega. Ain't it great?"
"Oo di ko ipagkakailang gwapo ka, pero kung ganyan ka rin nmn kayabang, huwag nalang noh! papatulan ko nalang si Manong Bangky ng forevermore kesa sayo. tsaka, great pala ah?! eto sayo!" Wahahaha
That *kick-the-part-where-it-mostly-hurts & uppercut combo* moves.
"Fcccck! magbabayad ka!"
"Hahahah magkano ba?"
Ang sama nang tingin nya sakin ngayon na para bang kahit kelan pwede nya akong lamunin.
Agad na akong tumakbo bago pa cya mag evolve sa galit. Haha
pumunta na ako sa room ko.
Akala ko pa naman magiging maganda tong school year ko dito. Kaso magdadalawang araw pa nga lang ako dito tapos may manggugulo na sa tahimik kong buhay.
Ano ba talaga kasi ang pumasok sa isip nang lalaking yun?
Sigurado akong pag-iinitan ako ng mga babaeng mukhang payaso dito -_-
Kasi naman kung makatitig at magbulongan parang wala ako sa harapan nila noh?
Haaay maupo na nga lang.
"Oh hey my dear sister.."
bungad saakin ni Audrey kasama ang mga kaibigan nya.
"Anong kailangan mo?" naiiritang tanong ko sa kanya.