Chapter 4

19 2 0
                                        

KYST'S POV (ʘᴗʘ✿)

Maaga akong gumising baka mahuli pa ako sa bus. Pagkatapos kung mag toothbrush, mag-ayos at kumain ay dumiretso agad ako sa school. Gaya ng inaasahan ko ay ako na naman ang huli sa aming tatlo, maaga na akong gumising ngunit nahuli pa rin sakanila.

"Hi baby Kyst! Kamusta naman kahapon?" bati ni Lia ng makita akong naglalakad papunta sa kanila. "Okay lang, may nabili akong stuff toy na dora at boots hehe, ang cute nila diba?" nakangiting ani ko kay Lia at Kleo habang pinapakita yung toy. Ngumiti naman sila at inagaw yun "Ang cute nga! Akin na to ha?" si Kleo habang yakap yakap si boots. "Akin na rin to si dora!" si lia. Nag pout naman ako sakanila "Nakipag agawan nga ako jan kahapon sa bata eh tapos kukunin niyo lang?!" sinamaan ko sila ng tingin. Tumawa naman sila at ibinalik yun sa akin. "Oo na sayo na yan baby Kyst!" si Lia habang sinusuklayan yung buhok ko. Para talaga akong bata sa tingin nila no? Hindi na kaya ako baby!

Hinihintay nalang namin yung ibang classmates namin dahil nandito na yung bus. Hindi naman ako madaling nakatulog kagabi kakaisip kung ano yung kakantahin ko para daw sa event. Mag-isa lang ako sa stage? Nakakatakot kaya yon!

Habang wala pa yung mga kaklase ko ay nagpaalam muna ako sakanila na maglilibot ako dito sa school. Gusto kong pumunta sa field, sakto at umaga ngayun hindi pa masyadong mainit. Ang ganda kasi doon at malamig din yung hangin. Naalala ko pa noon na binubully ako ng kaklase ko at sinasaktan ako dito sa field. Bata pa ako non kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hanggang nakita yon nila Lia at Kleo at sinumbong sa principal, tinawag din ang parents ko non at doon na huminto yung nang bubully sakin na babae. Doon rin nagsimula ang pagkakaibigan namin nina Lia at Kleo.

Umupo lang ako doon sa tabi ng kahoy saglit at naglakad narin pabalik. Baka iwan nila ako eh! At pinaka ayaw ko sa lahat ay yung nang iiwan.

Habang naglalakad ako pabalik ay nadaanan ko yung library. Pumasok ako don dahil gusto kong mag-aral ng iba pang lenggwahe, hindi ko kasi sila maintindihan. Lalo na't english yung subject namin. Hindi naman sa wala talaga akong alam sa english na lenggwahe, alam ko yung iba at yung 1 or 2 words lang. Pero kung 1 sentence english lahat, hindi ko na alam yun.

Nang pumasok ako roon ay nakita ko si Kleo at Cree. Magkalayo sila ng upuan ngunit nag-uusap ito habang nagbabasa ng libro. Nang mapansin nila na nandito ako ay agad naman akong binati ni Kleo. "Uy Kyst, bakit ka narito?" ngumiti naman ako "May gusto lang akong kunin" pagkatapos kung kunin yung libro na yun ay naglakad nako palabas."Hali na rin kayo at baka maiwan pa kayong dalawa" ngumiti sila at tumayo na rin.

"Sakto ang dating niyo dahil aalis na" sabi ni Lia at pumasok na kami sa bus. Magkatabi sana kami ng biglang nagsalita si Kristell. "Ang sabi ni miss ay kung sino yung katabi sa upuan, siya rin yung katabi sa bus" kumaway nalang ako kina lia at nag ba-bye kahit nasa iisa lang naman kaming bus. So ang katabi ko ngayun ay si Finn. Hinanap ko naman kung nasaan siya at naroon malapit sa last. Umupo naman agad ako sa tabi niya.

Nag ce-cellphone lang siya at walang pakialam sa paligid. Hindi ko nalang din siya pinansin at kinuha na lang yung earphones ko at nagpa music. Pumikit naman ako saglit at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Ang taray din kasi ng camping namin dahil 3hrs yung byahe.
Nakatulog naman ako ng mga 30 mins lang.

Ng hindi nako maka tulog ay kumakanta nalang ako at sumasabay sa music. Mabuti na rin to dahil baka maka pili ako ng kakantahin ko sa event. May papikit effect pa ako habang kumakanta. Nang pagdilat ko naman ay nakatingin na sila lahat sa akin. Naisturbo ko ba sila? Kala ko mahina lang yung boses ko eh!

Tumigil naman ako at nagbigkas ng 'sorry' na walang tunog. Bigla naman silang nag sigawan "Halaa!"

"Ang galing mo Kyst!"

Not Until I Met YouWhere stories live. Discover now