Chapter 14

40 0 2
                                    

Chapter 14:

Sabay kaming naglalakad pauwi. Parehas kaming may takot, kaba, at hiya. Ngayong araw ay uuwi na si Gio sa kanyang mga magulang. Alam kong ilang araw nalang ay aalis na si Gio. Ito narin yata ang huling araw na makikita at malalapitan ko siya.

Ace: gusto mo magtaxi tayo pauwi?

Gio: gagastos-

Ace: ano rarampa tayo don sa barangay natin? Missing ka Gio. May mga taong naghahanap sayo.

Gio: bahala ka.

Pumara ako ng taxi at sumakay kaming dalawa. Ayokong magsalita dahil kapag pinagusapan lang namin ang mga mangyayari sa hinaharap, masasaktan lang ako.

Gio: ako nalang ang haharap.

Ace: (nods)

Nakarating kami sa bahay ni Gio at bumaba na siya sa taxi. Bago niya isara ang pinto, tumigin siya sakin.

Gio: salamat Ace, Salamat talaga.

Ace: wala  yon lahat sakin. Magpakabait ka ah (maluluha). 

Napuno ng awa ang mukha ni Gio. Isinara na niya ang pinto. Pagkasara ay doon lumabas ang mga luha ko. puta, puta, puta!!!! Mahal kita Gio, kung maibabalik ko lang ang oras, di na kita pakakawalan.

Dumating ako sa bahay at sinalubong ako ni mommy ng isang yakap.

Mommy: okay ka lang ba?

Ace: (pabulong) aalis na siya nay. (umiiyak) aalis na siya. Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya.

Mommy: alam ko anak, alam ko. pero anak, kung mahal mo siya, kailangan mo siyang pakawalan.

Ace: hindi ko na siya makikita. Pag nasa ibang bansa na siya, alam kong malalaman din niyang mali ang desisyon niyang mahalin ako.

Mommy: nak hindi, mahal ka niya pero hindi lang nga kayo matatangap ng tao maliban sakin. Wag ka  nang umiyak.

Pinigil ko ang mga luha ko. lumabas ang mapagkunawaring ngiti sa labi ko.

Mommy: pasado ka daw sa interview. Congrats nak

Ace: thank you nay. Nasan si daddy?

Mommy: bumili ng cake para sayo. Naka pasa ka anak, may instant trabaho ka na.

Ace: salamat.

Daddy: Ace! Congratulations!

Bumungad si daddy sa pinto na may hawak na box ng cake. Niyakap ako ni daddy.

Daddy: galing naman ng anak ko. diretso daw ang english mo kanina.

Ace: hindi ko yon magagawa kung hindi dahil sainyo.

Daddy: nak may regalo ako sayo.

Binigay sakin ni daddy ang box na medyo mabigat. Binuksan ko ang box at may mamahaling relo na nasa loob. Relo? Sabagay, ang company ni Enzo ay mga relo sa no wonder. But mukha siyang mamahalin. Ito na yata ang pinaka mahal na relo na natanggap ko.

Daddy: ikaw na ang susunod na magpaparating sa mundo ng Keaton watches.

Ace: matagal pa yon tay.

Daddy: proud ako sayo.

                                                                      ***

Habang nagkaklase, tumititig lang ako relo na ibinigay sakin ni daddy. Magiging boss narin ako ng kumpanya ng relong suot ko. bakit nga ba nagawa ang relo? Natural para malaman ang oras. Bawat segundo ay nasasayang dahil hindi ko manlang pinapansin o kinakausap si Gio. Bawat segundo na dapat ay puno ng pag ibig at pag unawa at pagpaparaya. Pero…lahat ng segundo ay nasasayang.

If I were to stop loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon