Chapter 28...Yza and Gus
Yza's Point of View
Sinilip namin ni Gus 'yung lalaki. Nakita namin siyang lilinga-linga at halatang hinahanap ako. Nang hindi niya ako makita, umalis na siya kaya naman nakahinga na ako nang maluwag.
"Thank God he's gone."
"Bakit ka niya sinusundan?" Tanong ni Gus.
"Ano...uhm, nakita ko kasi s'yang may pinapatay na babae tapos nahuli n'ya ako kaya ayun...h-hinabol ako."
Medyo matagal bago s'ya sumagot. "I see."
Sinubukan ko s'yang tanungin. "Bakit ka nandito? I mean, bakit wala ka sa klase mo?"
"I skipped. Ngayon lang naman. Kanina pa akong nakatambay dito bago kita nakita."
"Ahh..." I nodded.
"Ikaw? Bakit wala ka sa klase mo?"
"Hindi ko kasi narinig na tumunog 'yung bell kaya akala ko maaga pa."
He looked around. "He's gone. Ihahatid na kita sa classroom mo."
Waah! Ayaw ko pa umalis dito ngayon dahil kasama ko siya. Huhuhu.
He turned to leave so I quickly stopped him.
"Gus wait lang!" He stopped and looked at me again. Tapos hindi ko nalang alam kung ano ang sasabihin ko. Nagkamot ako ng ulo. "Uh...p-puwede bang ano...m-mamaya nalang?"
My ghad Yza! Masyado kang obvious!
Ngumiti siya at talaga namang nagulat ako.
He just smiled at me!
O teka puso kalma.
"Why?"
"Kasi..." Fine! I'll be straight to the point. "Kasi gusto pa kitang makasama."
Hala s'ya nakakahiya!
I couldn't look directly at him until I heard him chuckle.
"Fine. Let's go."
Mabilis akong napatingin sa kanya. Wait lang wait lang. Did he just...
Oh my Goooosh! Gusto kong mahimatay.
Sabay kaming naglakad-lakad. Wala kaming imik mas lalo naman ako dahil nahihiya ako. Ngayon lang kasi kami naging ganito. Ito kasing lalaking 'to, palagi nalang akong tinatakbuhan.
Pero teka hindi ako papayag na hindi kami mag-uusap. Kaso ano ang sasabihin ko? Wait...isip...
"Kasama mo ako. Kapag may nanubok na saktan ka, hindi ako magdadalawang isip na pumalag." Bigla niyang sabi bago pa man ako makaisip ng topic.
Hala...ang sweet ng dating niyon sa akin--Hep! Yza kalma huwag kang feelingera wala iyang gusto sa 'yo.
"T-Thanks." Bumuntong hininga ako. "Mangungulit ulit ako ah? Sabihin mo nalang kapag naiirita ka na." I warned him dahil walang preno itong bibig ko sa pagsasalita kapag siya ang kausap o kasama ko. "Alam mo...hindi talaga kita ma-gets. Bakit kaya hindi mo ako magustuhan? Like...halos lahat ng mga lalaki dito gusto ako tapos ikaw lang ang gusto ko pero hindi mo naman ako gusto. Sumubok naman akong gustuhin ang iba pero hindi ko talaga kaya. Ginayuma mo yata ako eh."
"Kung ginayuma kita edi sana gusto rin kita?"
May point. Oo nga naman. Hindi ko rin alam kung bakit naglalakas loob na naman akong magsalita sa kanya ng about sa feelings ko kahit wala naman s'yang pake.
BINABASA MO ANG
Pass or Die?
Mystery / ThrillerAlexandra Farzana is a 17-year-old normal girl student with a normal life. She doesn't believe that there is a real killer, not until she is the next victim. Her friend died and she can't do anything to save her life. She also witnessed how her fami...