Chapter 10

302 13 0
                                    

"So, tayo na talaga ha? Wala ng bawian!" may ngiti sa labing sabi niya. Nandito pa rin kami sa dalampasigan at kapuwa nakaupo sa buhanginan habang tinatanaw ang malapit ng lumubog na araw.

"Oo na. Nakakaawa ka naman. Pasalamat ka Mahal kita kahit na bulaklak sa venue lang itong bigay mo kinilig ako." umiling iling ito sa sinabi ko at kinurot ang pisngi ko.

"Edi thank you Mahal ko. Saka Yong bulaklak hayaan mo at araw araw kitang bibilhan ng bouquet."

Napanguso ako. "Ayoko ng bouquet." nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Actually, sa ilang linggong panliligaw niya ay ni minsan di niya ako binigyan ng bulaklak, ngayon Lang niya ako binigyan at doon pa mismo galing sa venue.

"Eh, akala ko ba gusto mo ng bulaklak?"

i smiled. "Gusto ko yong nasa paso para may aalagaan ako. Ilalagay ko doon sa may veranda. You know, I kinda miss our home, sana inaalagaan ng maayos yong mga bulaklak doon."

Inakbayan niya ako at isinandog ang aking ulo sa kanyang balikat. "Gusto mo bang magbakasyonmuna? you know, we can always visit there. Just tell me."

Ngmiti ako kahit hindi niya kita. "I want to... but this is not yet the right time. Daraing ang panahon at uuwi din ako at tuluyan ng maninirahan sa Pilipinas kasama ng mga mahal ko."

"So you want us to live together when that times come? pwede din naman! basta ba nakakabit na sayo ang apelyedo ko, game na game ako!"

Inangat ko ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin. "Sira! kakasagot ko pa nga lang sayo, parang nagpopropose ka na!"

Humalakhak ito. "Doon naman talaga ang punta natin. But yeah, I am not proposing yet. Sisiguraduhin kong gagawin ko yon ng di mo inaasahan. So, be ready, Malay mo bukas magpropose na pala ako."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Parang siguradong-sigurado ka na na tayo talaga ah? aren't you afraid of what the future may bring? malay mo hindi naman pala tayo ang para sa isat-isa."

Umiling ito. "Nah. I'm more than a hundred percent sure. You and I are destined to grow old together."

Sana nga.

its been a week mula ng maging kami ni Matyas and so far ay parang wala namang nagbago sa samahan namin bukod sa mas naging clingy kami sa isat-isa. Siguro ganun talaga kapag mahal mo ang isang tao, gusto mo lagi siyang nakikita at nakadikit sayo. Yong kahit ilang oras pa lang kayong hindi nagkita ay miss mo na agad siya. Hayy, I'm so deeply in love. At natatakot ako na baka once na masaktan ako o magkasakitan kami ay di ko na maiahon pa ang sarili ko.

"Hey, you alright? mukhang ang lalim yata ng iniisip mo. Tigilan mo yan baka malunod ka." biro nito at humalakhak pa.

"Kailan pala ang flight mo? aren't you preparing your things?" pag-iiba ko sa usapan. Napahinto naman ito sa pagtawa at  tumingin saglit sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan.

"I told you, hindi na ako tutuloy." seryosong sabi nitona ikinsimangot ko.

"But why? kung ako ang inaalala mo ay okay lang naman ako. At saka isang linggo lang naman yun no! para ka namang malalayo sa akin ng isang taon niyan!"

"Still no."

Umirap ako. "Bahala ka na nga. Baka di din naman kita maharap dahil malapit na ang fashion week at mgiging busy na ako." pagdadahilan ko. Naimbitahan kasi ako sa isang fashion show para ipresent ang gawa ko at malaking opportunuty na ito para makilala pa ang mga disenyo ko.

"Okay. Sige na," pagsuko nito. "Tutuloy na ako sa Canada para i-lead ang prject doon. But make sure to behave and don't entertain boys while I'm away. Lagi kitang tatawagan."

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon