Ang init... pagod na ako!
Minsan napapaisip nalang talaga ako, pano kung wala ako? Edi si mama ang gumagawa nang trabaho na ito. Siya ang nasa sitwasyon ko ngayon, nagbibitbit at naglalako ng mabibigat na gulay.
Napailing na lamang ako... hay buhay!
Malayo palang ako, nakikita ko na ang pigura ni mama, nakaupo sa sa hagdan ng aming munting kubo habang naghihimay ng malunggay.
"Mama, andito na po ako!" sigaw ko havang patakbong lumapit sakanya.
Tumingin siya saakin na may malungkot na tingin. "Oh bakit po parang ang lungkot niyo po ata? May masakit po ba sainyo?" nagaalala kong tanong.
"Wala anak, masaya lang ako na andito ka ngayon at ikaw ang naging anak ko." malumbay niyang sagot.
Napapatitig nalang ako kay mama. Ayaw ko talaga kapag gumaganito siya. Nalulungkot at at nasasaktan rin ako bilang anak.
May sakit na rin kasi rin kasi si mama, hindi dapat siyang masyadong maging emosyonal dahil naaapekto ang kaniyang sakit sa puso.
"Sana makita pa kitang mag-asawa't magkapamilya, o kahit makapagtapos man lang ng kolehiyo." saad niya sabay yuko.
"Mama naman eh, andito nanaman po tayo. Syempre makikita't mararanasan niyo pa po 'yan lahat. Kaya dapat magpalakas ho kayo." sabi ko sabay luhod sa harap niya hanggang maging magkasing pantay kami.
"Mama, bakit po kayo umiiyak?" sambit ko habang inaayos ang mga hibla ng kaniyang buhok sabay punas ng kaniyang mga luha sa pisnge.
"Teka lang po, kukuha po ako ng tubig."
Pumasok na ako sa bahay namin at dumeretcho sa kusina. Nagsalin ako ng tubig sa baso na nakalagay sa ibabaw ng lamesa at saka bumalik kung saan nakaupo si mama.
Pero bakit parang hindi ko siya makita?
"Ma?"
"Ma!"
Napasigaw ako sa nakita ko at natapon ko ang hawak kong basong tubig.
"Ma! Tulong po! Tulongan niyo po kami ng mama ko!" sigaw ko na mangiyak ngiyak na.
"Krystal, anak ko makinig ka. Alam kong ang dami kong pagkukulang bilang magulang, sana mapatawad mo si mama." wika niya sa gitna ng kaniyang paguubo.
"Mahal na mahal kita, at alam mo iyan. Ipangako mong hindi ka mawawalay sa landas at matutupad mo ang mga pangarap mo sa buhay kahit wala na ako."
"Mahal na mahal rin po kita ma, pero huwag niyo po akong iwan, hahanap ako ng tulong. Tulong po!" sigaw ko, desperadang makahanap ng tulong.
"Krystal, mangako ka..."
Bumuhos na ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. "Pangako po.".
Ngumiti si mama sabay hawak sa aking pisnge bago tuluyang bumagsak ang kaniyang kamay sa lupa at tuluyan nang nawalan ng hininga.
Sumasabay ang panahon sa aking nararamdaman, dahil kasabay nang pagbagsak ng ulan ay ang pagagos ng aking mga luha.
"Pangako ma, tutuparin ko ang aking mga pangarap para sa ating dalawa."
-----
BINABASA MO ANG
YOU, My Dream. (ON GOING)
RomanceLaki sa hirap at isang mahusay na mag-aaral. Si Krystal Anne Gonzales ay handang ibigay ang lahat upang tuparin ang kaniyang mga pangarap sa buhay, alang-alang para sa kaniyang ina. Ngunit, magagawa niya parin bang matupad ang mga iyon sa kabila ng...