28

61 5 4
                                    

"Magli-leave kami, fo-focus ako sa pag-aaral..."

Umirap na lang ako sa sinabi ni Paige. They decided to leave their dance club. Her reason isn't believable. Magfo-focus kamo sa pakikipaglandian kay Clane.

Nasa cafeteria kami ngayon at hinihintay si Euna at Crane. Mamaya kasi ay dadaanan namin si Annie at Ashery sa school nila dahil magpapatulong daw sila sa isang performance task nila.

Nakuha ko na rin ang phone at bumili na rin ako ng mas maayos na case dahil wala namang case ang phone ko. Kaya rin nabasag agad.

Naglahad ng isa pang pizza si Art sa akin. Naging busy naman si Paige sa kung anong bulungan nila ni Clane. At ang nag-iisang si Shan ngayon na katabi lamang nila ay masama na ang mukha.

Akala mo kung sinong conservative eh madalas ngang nakwekwento sa amin ni Maye ang paglalandi sa kaniya ni Shan. Na kapag raw nasa sasakyan at ihahatid siya ay humahalik ka agad.

Napansin 'yon ni Paige kaya tinaasan niya ito ng kilay. "Oh ano? Mainggit ka na naman? Ano na naman ba kasi ginawa mo kay Maye?"

Shan snickered and rolled his eyes to her. Refusing to answer her question.

I smirked leaned back on my chair and fold my arms. "Nasira niya 'yung gamit ng kaibigan ni Maye..." sabi ko na agad na ikinasama ng tingin sa akin ni Shan.

Tumawa si Art. "Iyak tuloy nang iyak si Ria. Mahalaga daw kasi galing pa pala sa kaibigan niya 'yung gamit na 'yon..." dagdag ni Art.

Shan looked problematic and guilty. Natawa naman kami at gusto pang asarin.

Bumuga ito ng hangin. "Limited edition lang ba talaga 'yung mga music box?" Si Shan na mukhang maiiyak na kakaisip dahil hindi talaga siya pinapansin ni Maye.

"Regalo kasi 'yon ng kaibigan ni Ria. Gago ka namatay pa naman 'yung kaibigan niya na 'yon. Multuhin ka sana..." pang-aasar pa ni Clane na ikinadukdok na nito sa lamesa.

Nangungunang rason kung bakit ayaw sumasama sa amin ni Shan kasi mag-isa lang siya at pagtutulungan namin siya.

At nang dumating pa sila Euna ay nadagdagan pa ang asar dito. Si Crane na akala namin ay babawalan kami ay siya pa itong nangunguna ngayon.

"Bili ka ng bagong girlfriend..." aniya at ngumisi kay Shan.

Shan glared at him and cursed him to death.

Hindi ko alam kung dapat bang pabalik-balik ang mga club coaches sa mga room para maghikayat ng miyembro. Sa room namin, ang dami nang nagsisali at halos lahat ay dahil daw gwapo ang teacher.

Hindi na lang ako nagsalita doon dahil wala naman akong pakialam. Pero sa araw-araw na pagpasok nito sa room at laging sa akin nakatingin, hindi ko maiwasang maalibadbaran.

"Hindi ka sasali, Reese?" Umiling ako sa kaklase ilang beses na rin ako tinanong.

Nagpasama muna ako kay Art sa girls' room bago kami magsama-sama para sa pagsundo kila Annie. Naiwan si Art sa labas kaya naman mag-isa akong pumasok. Nang makapasok sa cubicle ay narinig ko ang pagpasok ng ilang kababihan.

Mga impit pa ang tili at nang maalalang naroon si Art ay hindi na ako nagtaka.

"Ewan ko doon kay Sir. Tanong nang tanong kung nagsign up daw ba 'yung Javier..." anang isang babae.

Napakunot ang noo ko nang marinig ang apelyido pero nang maalala na may ilang kaapelyido rin ako ay kumalma ako.

"Lagi tuloy badtrip si Jandy kapag naririnig 'yon..." nagtawanan sila.

Pilit kong hindi pansinin ang mga sumunod pa nitong mga sinasabi at lumabas ng cubicle pagkatapos. Kung ano man ang mayroon kay Jandy at sa teacher na 'yon, huwag na nila akong idamay.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon