Prologue

544 13 0
                                    

Isa lang ang pinaka ayaw ko sa mga text messages, status, updates at posts...

Yun ay ang mga chain messages.

Kesyo, "Mamatay ka pag di mo naipasa."

O kaya naman eh, "Tatabi s'ya sayo mamayang alas tres ng madaling araw."

Nakakaasar 'di ba? Lalo pa kung ang isa sa mga kaklase mo, ipinasa 'yon sa'yo. Sasabihan ka pang, "Bawal ibalik sa sender."

Tapos hanggang sa lahat na sila pinapasahan ka dahil nga hindi mo ipinapasa sa iba...

Pero paano pala kung ang isang simpleng chain message.

Ay MAGKATOTOO?

Paano kung ang isang message na inimbento lamang ng kung sino ay may totoong BASEHAN pala?

Ano ang gagawin mo?

Paano kung ito na pala ang magiging dahilan para mamatay ka?

At paano kung kailangang kailangan pala ito?

Ipapasa mo ba sa iba?

O hahayaan mong ikaw ang maging kasunod?

Sinong madaming load?

Sinong isnabero at walang takot na idedelete ang mensaheng ito?

Tandaan: Bawal ibalik sa nagsend.

Deadly Chain Message (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon