Abot-abot ang aking kaba nang pumasok kami sa palasyo. Alam kong maamoy nila ako. Sa talas ng mga pang-amoy ng mga werewolf na ito, hindi malabong pati ang kapangyarihan ko ay maamoy rin nila.Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko wa balabal na binigay ni Hamna kanina. He was holding my hands so tight. Napapansin ko ring kalmada itong naglalakad na para bang hindi niya nararamdaman ang panganib.
Kahit na malakas ang kapangyarihan na meroon ako ay hindi pa rin kaipagkakaila na kulang pa ang pisikal ko na lakas. Tulad nga ng sabi ni Hamna, ang mahina kong pisikal na lakas ang magpapatumba sa akin. I think he is right on that. Nagsisimula na naman kasi ang propesiya na gumalaw. The spot on my chest was slowly showing up. Hindi iyon magandang sinyalis. Sa palagay ko ay nasa panganib na naman ang aking kaharian.
Napatingin ako kay Hamna. I am also worried on this guy. Hindi biro ang sugat sa buo niyang katawan. Inaamin kong sobrang lakas niya. Sa tindi ba naman ng mga sugat niya ay hindi mo aakalain na nakakapaglakad pa siya na parang wala lang kanina. Sa aura pa lang na akin naamoy ay alam ko na hindi siya madaling patumbahin.
Pero ang pinagtataka ko, kung ama niya ang blacksmith, at hindi malabong alam niya rin ang tungkol sa corporation. Alam kong wala akong kasiguradohan sa mga isipin na 'to. Pero paano kung alam nga ni Hamna ang tungkol sa Corporation? O baka siya ang pinadala para maging mata at tainga sa mga nangyayari sa palasyo?
Kaya ba tonutulongan niya ako dahil alam niya na galing din ako sa Corporation?
Pumasok kami sa underground kung saan dumadaloy ang maruruming tubig na nagdadala sa labas ng palasyo. Itong tubig na ito ang dahilan kung bakit marami sa mga bata at matatanda ang namamatay. Dahil sa kakulangan ng tubig ay nagawa nilang sikmurain ang chemical na nakahalo sa tubig at wala man lang pakialam doon si Yvan. He is indeed cruel.
Patuloy lamang kami sa paglalakad ni Hamna hanggang sa may nakita akong pintuan doon. Maraming pintuan. Pakiramdaman ko kung anong panganib ang naghihintay sa amin sa mga pinto.
Palihim akong tumingin sa mga pinto, pero wala akong ibang nakita maliban na lang sa buto. Hindi maganda ang kutob ko sa lugar na 'to.
"We're here." Anunsyo ni Hamna.
"H-hamna," tawag ko sa katabi ko. Mabilis akong kumapit sa kaniya nang pakiramdam ko'y may malaking pwersa ang dumagan sa akin.
"Okay ka lang?" Bakas sa kaniyang mukha ang pag-alala nang alalalayan niya ako.
"Ano'ng problema? Jasmine."
Mahigpit ako g kumapit sa kaniya habang sinusubukan na alisin ang sakit sa dibdib ko. Nararamdaman ko na naman ulit ang paggapang nang mainit na paggihit sa katawan ko. 0ara itong nagbabala sa akin. Iisa tao lang ang nagpapahina sa akin, si Yvan.
"Bilisan nating pumasok. Marami kalaban sa paligid," I said.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Napakamot siya sa kaniyang batok bago binunot ang susi na tinago-tago sa kaniyang kwentas.
"Imposible, walang nakakaalam sa lugar na ito," he said.
"Not anymore, Hamna." Makabuluhan kong sabi.
"You're right. Kailangan na nating bilisan."
Tumapat siya sa pinto na nasa aming gilid. He unlock the door using his key. Mabilis akong hinatak ni Hamna sa loob nang buksan niya ang pinto. Ang buong akala ko'y makakapunta na kami sa kung nasaan ang kaniyang ama, pero mabilis na tinakpan niya ang aking bibig.
Narinig ko ang mga paa nilang huminto sa mga pinto. Mga kawal iyon na nakaamoy sa amoy ko. Huwag lang talaga sila magkakamali na buksan ang maling pinto kundi ay kamatayan ang madadatnan nila.
BINABASA MO ANG
6969 Corporation
VampireR|18 No one knows what will happen if you sign an agreement with this company. Many girls entered the small street where the said corporations were nowhere to found. 6969 corporation is a private agency where only special women can be part of the co...