NATAPOS NA ANG BAGYO MARAMING KABAHAYAN AT ARI-ARIAN ANG NASIRA, MARAMI DING TAO ANG NAMATAY, ISA NA DUN ANG PAMILYA NI CHRISTOPER KAYA PAGKAUWI NIYA NG BANSA AY NALUGMOK SIYA NG MAKITA NA BANGKAY NA ANG KANYANG MAG IINA.
HINDI SIYA MAKAPANIWALA NA ANG KANYANG PAMILYA NA PINAGKAKAINGATAN AY WALA NA, HUMAGULGOL SIYA SA PAG IYAK AT SINISISI ANG SARILI SA NANGYARI.
MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO AY NAILIBING NA ANG KANYANG MAG IINA AT PINALINIS NA NIYA ANG KANILANG BAHAY NA PUNO NG PUTIK DAHIL SA BAHA. LUNGKOT AT HINAGPIS ANG KANYANG NARARAMDAMAN, SINAMAHAN NA MUNA SIYA NG KANYANG TIYA ALICIA SA BAHAY.
NILIBOT NIYA ANG PANINGIN SA PALIGID INALALA ANG MASASAYANG ARAW NA KASAMA PA NIYA AT NABUBUHAY ANG KANYANG MAG IINA.
SIYA'Y NAPAIYAK AT NAPALUHOD SA SOBRANG LUNGKOT AT AGAD NAMAN SIYANG INALALAYAN NG KANYANG TIYA.
"HINDI KO KAYA, DAPAT ISINAMA NIYO NA DIN AKONG NAMATAY. GINAWA KO ANG LAHAT SINUBSOB KO ANG SARILI KO SA TRABAHO PARA LANG MABIGYAN SILA NG MAGANDANG BUHAY, PERO ANONG NANGYARI? WALA NA SILA TIYA, WALA NA ANG ASAWA'T MGA ANAK KO"HAGULGOL NIYA.
NAPALUHA SI ALICIA DAHIL SA AWA SA PAMANGKIN.
BINABASA MO ANG
OH AMA, NARIYAN KA
SpiritualANG PANANALIG SA POONG MAYKAPAL ANG SAGOT SA LAHAT NG IYONG PINAGDADAANAN SA BUHAY AT KAHIT ANU PANG KABUTIHAN ANG IYONG GAWIN KUNG SIYA'Y IYONG KINALIMUTAN AY HINDI ITO SAPAT HUWAG MONG KALIMUTAN NA ANG AMA AY NARIYAN