Lost and Found (One Shot)

6 1 0
                                    

"Kate! Bilisan mo, mahaba na ang pila mamaya!" sigaw ng Ate ko.

"Opo! Eto na!" sagot ko.

Kate Reyes nga pala. 16 years old.

Pupunta kami ngayon sa UP para mag-enroll.

Yes, nakapasa ako sa UPCAT.

Binilisan ko na ang pagkilos ko at inayos ko na yung mga requirements na kailangan ko.

Pagkatapos ay bumaba na ako.

"Ano? Ready ka na? Lahat na ba ng kailangan mo anjan na?"tanong ni Ate.

"Opo." sagot ko.

"Sure  ka? Eh yung I.D mo? Kailangan na kailangan yun ha. Di pwedeng maiwan."

chineck ko naman yung bag ko. Oo nga pala. Yung I.D. ko wala sa bag.

"Wait lang." sabi ko.

Umakyat naman ako kaagad para kunin yung I.D. ko. Pagkatapos ay bumaba na ako.

Ok na lahat. Kumpleto na. Umalis na kami at tumuloy na kami sa Diliman.

..

Nasa bus kami ngayon. Medyo mahaba-haba rin pala ang byahe papuntang Diliman. Sinalpak ko muna ang earphones sa tenga ko.

...

...

...

Napaisip ako. Ang saya pala talaga kapag mag-aaral ka sa dream school mo no? Pangarap ko talagang makapag-aral sa UP. And now, proseso nalang ng enrolment ang kailangan ko at makakapag-aral na ako sa dream school. Ang saya-saya sa feeling.

Bigla naman akong tinapik ng ate ko.

Tinanggal ko earphones ko.

"Bakit ate?" tanong ko.

"Bababa na tayo." sagot niya.

Sumilip ako sa bintana. Eto na yun! UP! Here I come!!! :)

Bumaba na kami ng bus at naglakad na. Madami kaming nakasalubong na mag-eenroll. Ano kaya ang feeling nila ngayon? Dream din ba nila ang makapasa dito o dream ng parents nila? Hayy..

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa may Admission office. Dun daw kasi mag-eenroll eh.

WOAH! Ang haba ng pila ah.

...

...

Mga isang oras din kaming naghintay at eto na. Turn na namin. Hiningi lahat ng requirements ko. Pagkatapos ay hiningi rin ang I.D. ko. Tama nga si Ate kailangan nga rin ito. Kinuha ko yung I.D. ko sa bag ko pero. WHAT THE?!?

"May problema ba?" tanong ni Ate.

"Hala. Ate. Y-yung I.D ko." sabi ko kay Ate habang ako naluluha na .

Alam ko talaga nilagay ko yung I.D ko sa bag ko eh. Pinakita ko pa kay Ate bago kami umalis eh. Asan na yun! TT__________________TT

"Miss, yung I.D. niyo po" ulit nung sa registrar.

"K-kailangan po ba t-talaga iyon ngayon?" tanong ko sa registrar.

"Opo, kung hindi niyo po dala ay hindi po mapoproseso ang enrolment niyo ngayon. Kakailanganin niyo pong bumalik ulit." sabi nung babae.

Pagkasabi niya ay dun na tumulo ang luha ko. Niyakap naman ako agad ni Ate. Siya na ang kumausap sa registrar.

"Miss, hindi po ba pwede kahit yung sa I.D. number nalang. Hindi po ba yun lang naman ang kailangan dun?" tanong ni Ate.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost and Found (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon