Sana'y Ako Nalang

46 1 0
                                    

.... may nagmamahal na ba sa'yo, kung wala'y ako nalang....

.... lahat ibibigay sa'yo ng walang alinlangan....

.... sana'y bigyan naman ng pansin ang pusong kong ito....

"Sana'y ako nalang."

-

Naaalala ko pa yung unang beses kitang nakita. Matangkad ka kasi kaya madali ka talagang mapansin. Idagdag mo pa yung chinito mong mata at yung ngiti mong nakakahawa talaga.

Simula noong araw na iyon, nasabi ko nalang sa sarili ko na, "crush na kita."

Crush is paghanga. Love pag lumala.
At mukhang tama nga sila. Sa sobrang paghanga ko sa'yo, pakiramdam ko iba na 'tong feelings ko para sa'yo.

-

Lumipas ang isang taong na sinusulyapan kita sa malayo.
Okay lang yun sa akin. Makita lang kitang ngumiti, buo na ang araw ko.
Ikaw kasi ang naging inspirasyon ko para magsumikap pa lalo sa pag aaral.

At mukhang nasa akin na ang swerte ng makita ko ang pangalan ko na kasama sa listahan ng mga nasa First section.

"II-One."

Lahat ng pagsisikap ko ay nagbunga na rin. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya nung araw na iyon. Sa isip ko, daig ko pa yung nanalo sa lotto. Higit pa kasi sa pera ang naging premyo ko. Iniisip ko na nga rin yung mga pwedeng mangyari sa loob ng isang taon nating pagsasama sa iisang classroom.

Kung magiging malapit ba tayo sa isat-isa o mananatili pa rin akong sumusulyap sa'yo kahit napakalapit na ng agwat nating dalawa.

Pero mukhang malakas ang kapit ko kay Kupido. Hindi ko naman kasi inakala na magiging seatmate tayo. At simula roon, nabuo na yung friendship na sobra kong pinahahalagahan.

Ikaw kasi yung laging nandyan kapag hindi ko na kayang harapin pa yung mga problema sa buhay ko. Ikaw lagi yung nandyan para damayan ako. At ikaw lagi yung nandyan para sabihing hindi ako nag iisa sa laban na meron ako. Ikaw na nga yung tinuring kong Superhero ng buhay ko.

Stranger. Crush. Seatmate. Friend. Bestfriend.

Yan ang naging sequence bago ko mafeel na nahuhulog na ang loob ko sayo. Hindi ka naman kasi mahirap mahalin. At iba ka talaga sa lahat ng taong nakilala ko. Kaya sobrang espesyal mo na sa buhay ko.

-

Sa loob ng halos 3 taon na lagi tayong magkasama, dumating na yung araw na malapit na tayong malayo sa isat-isa. Malapit na kasi ang High School Graduation natin.

At yung sequence na nabuo habang nakikilala kita, isa yun sa kinatatakutan ko na mawala.
Yung bumalik nalang ulit tayo sa pagiging Stranger. Yung tipong hindi kita kilala, hindi mo rin ako kilala.

Kaya nagdesisyon na akong umamin sa'yo. Buo na talaga ang loob ko. It's now or never na talaga 'to. Akala ko naman kasi mutual ang feelings natin. Pero, sa pagkakataong ito mukhang naubos na ang powers ng swerte ko pagdating sa'yo.

Pagkatapos ko kasing sabihin sa'yo na "Gusto kita.", bigla ka namang natawa. Akala mo siguro nagbibiro pa rin ako.
Hanggang sa parang natahimik ang paligid. Nakatitig ka lang sa akin. Hindi ka nagsasalita. Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo.

Naramdaman ko nalang na tumutulo na pala yung mga luha ko. Hindi ko alam kung para saan ba yun. Para ba siya sa saya o sa lungkot na naman ba?

Wala na akong pakialam kung may nakakakita ba sa akin o wala. Ang mahalaga kasi sa akin ngayon ay yung magiging pahayag mo sa sinabi ko.

Matutuwa ba ako o magpapatuloy ang pagdaloy ng luha sa mata ko?

Mukhang binulungan ka ni Kupido na kumilos na. Hinawakan mo ang mga kamay ko. Inilagay mo iyon sa dibdib mo. At sinabi mo na, "Damhin mo. Alam mo ba ang sinasabi niya?'' umiling naman ako bilang tugon. "Ang sabi niya, Gusto rin kita." ani mo.

Gusto rin kita.

Gusto rin kita.

Gusto rin kita.

Sinabi mo lang ba iyon dahil ayun talaga ang sinasabi ng puso mo o gusto mo lang makatakas sa sitwasyong hindi mo inaasahang mangyayari sa tanang buhay mo.

Simula kasi nung araw na iyon, unti unti ko nang naramdaman yung pagbalik ng sequence nating dalawa sa unang step. Stranger.

Pero sadyang iba na talaga ang nararamdaman ko para sa'yo. Ikaw pa rin kasi ang laman ng puso ko eh.

-

College na tayo ngayon. Halos 2 taon na pala agad ang nakalipas. Dalawang taon na wala na akong naging crush, seatmate, friend at bestfriend. Bumalik na kasi tayo sa pagiging Stranger.

Pero yung pagkatao mo parang naka ukit na sa sistema ko. Na sa loob ng 2 taon na iyon ay ikaw lang ang nasa puso't isip ko. Hanggang ngayon kasi umaasa pa rin talaga ako. Umaasa na maibabalik ko pa yung dating ikaw. Yung dating tayo.
Wala ka naman kasing pasabi kung bakit bigla ka nalang nawala. Lumayo ka nga ba o sadyang umiwas ka talaga?

-

Habang nasa jeep ako. Tanghaling tapat. Bilang sa kamay ang mga pasahero nito. Nag flashback lahat. As in lahat lahat talaga. Simula sa unang pagkakita ko sa'yo. Sa unang pagkakataon na nasabi kong crush kita. Sa unang beses na nagkaroon ako ng friend turned into bestfriend. At sa unang pagkakataong naramdaman ko na napaka espesyal ko na tao sa buhay mo.

Sa isang jeep kasi natanaw kita. Oo, kitang kita ng dalawa kong mata.

Napaka swerte ng babaeng kasama mo ngayon. Panigurado akong nararamdaman niya na rin kung anong saya ang maging espesyal.
Espesyal sa taong mahal na mahal ka.
At ang hiling ko na sana, sana'y ako nalang siya.

Pero sadyang ganun siguro talaga ang buhay. Not all you want, you'll get. Lahat may right timing. Lahat ay meant to be. At kung hindi na dapat, wag ng pilitin pa.

END.

Sana'y Ako NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon