Kelaya's POV
Madilim na paligid at tahimik na gabi, isa isa kong nilingon ang mga kasama. Bawat hakbang ay maingat at dahan dahan, wala ni isa ang nagsasalita o maririnig manlang kundi ang mga huni ng iba't ibang nagliliparang insekto.
Kalalabas lang namin mula sa malaking tarangkahan, kagabi lamang kami nag plano ng tungkol sa pagtakas na ito. Mabuti na lang at agaran ko silang nakumbinsi, naging mabilis din ang aming pagpaplano kagabi dahil nag-iingat kami na hindi mahalata ng ibang mga kasama sa loob.
Nasa unahan nila ako at ang isang babae ang aking kasabay sa paglalakad. Malaking tulong na rin na natatandaan nila ang daan patungo sa labas ng gubat. Aniya ng isa pang kasama ay sobrang laki daw ng gubat kung titingnan, maaaring abutin kami ng ilang oras sa paglalakad kung hindi namin bibilisan ang kilos.
Hindi pa man nakakalayo ay isang sigaw ng babae ang nagpatigil sa amin sa paglalakad. Lahat kami ay lumingon sa pinagmulan ng sigaw na nasisiguro kong mula ito sa mansion. Pwedeng nasa labas ang sumigaw dahil kung nasa loob ito ng malaking mansion ay hindi namin iyon maririnig.
"Sino 'yon?" tanong ng katabi ko.
"Boses ng babae! Bago tayo umalis ay kumpleto tayo! Sino ang babaeng iyon?!"
Isa isa kong tiningnan ang mga kasama at binilang ko ang mga ito ng tahimik. Kumpleto, kung ganoon, sinong nag mamay-ari ng sigaw na iyon? Kumunot ang noo ko, hindi ako pamilyar sa boses na iyon at natitiyak kong hindi sa ina nagmula ang sigaw na iyon.
Nanlaki ang aking dalawang mata nang may naalala. Si Lacuna! Bakit nga ba nakalimutan ko na may isa pang babae kaming kasama!
"Mauna na kayo," anas ko sabay lingon sa mga kasama.
"H-Huh?! Bakit?!" natatarantang tanong ni Mary.
"May kailangan akong balikan. Gagawa ako ng paraan para makahabol sa inyo, Mary." kalmado kong sagot.
"P-Pero paano ka, Miss Kelaya? Paano kami?"
"Kailangan niyo lang mauna sa'kin, susunod ako. May kailangan lang talaga akong balikan."
"Baka mapahamak ka lang! A-Ano— S-Sino ba ang iyong babalikan doon? Importante po ba iyon?" kahit sa dilim ay alam kong mukha itong nag-aalala bakas na rin sa boses nito. Napangiti ako.
"Sobrang importante ng babalikan ko, Mary."
"Ikaw ang manguna sa kanila, gamitin niyo itong ilaw," ibinigay ko ang hawak kong ilaw na mula sa apoy na binalot sa tela at kahoy na nagsisilbing hawakan. Isa ito sa mga itinuro sa akin ni Kuya Elias noon. "Susunod ako, mag-iingat kayo." huling sinabi ko bago nagmadaling magtungo sa mansion.
Muli akong tinawag ni Mary ngunit hindi ko ito nilingon. Nag-aalala ako para kay Lacuna sa kung ano man ang nangyari sa kaniya. Tanging sina Mommy, Uncle at Kuya Elias ang naiwan dahil bago kami umalis ay sinigurado kong kasama ko lahat. Kung ano man ang dahilan ng biglang pag sigaw ni Lacuna ay alam kong may nangyari dito at ang pamilya ko ang dahilan nito.
Marahas kong binuksan ang main door at nilingon lingon ang paligid. Nang walang makitang bakas ng kahit na sino ay nilingonan ko ang taas. Patakbo akong umakyat papunta sa ikalawang palapag at dumiretso sa pinakadulong bahagi ng hallway, kung nasaan ang silid ni Lacuna.
Dobleng kaba ang aking nararamdaman habang papalapit. Hinawakan ko ang door knob at bago pa man ito tuluyang mabuksan ay narinig ko ang tawa ni Lacuna na nakapag patigil sa akin.
"Do you really think that I did it, Olivia?" natatawang tanong ni Lacuna kay Mommy. Tahimik ang buong hallway kaya malaya kong naririnig ang nag-uusap sa loob.
BINABASA MO ANG
A Missing Part
Short StoryIn a small village with a small and less population, it tells the story of a girl seeking for help from a dangerous situation. Started: August 1, 2021 Ended: August 12, 2021 Disclaimer: This is written in Taglish Cover's not mine. Credits to the ri...