(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.) ~cutecakegirl
Chapter 62
Hershey POV
"Jeremy, salamat at sinakripisyo mo ang buhay mo para sa akin. Alam ko marami akong kasalanan sayo. Sobra kitang sinaktan. Alam ng Diyos na sinubukan ko. Sinubukan kitang mahalin, Jeremy. Akala ok na. Akala ko mahal na kita. Pero nung araw na nakipagbreak ka sa akin... hindi ko alam kung ano yong nararamdaman ko. Ang alam ko lang hindi ako nasasaktan. Jeremy, nung sinabi mo sa akin na ayaw mo na. Gusto mo na ko pakawalan. Kasi nararamdaman mo na wala na. Wala ng pag-asang mahalin pa kita. Dun, dun namulat ang isip at puso ko na tama ka. Siguro nga nagkamali ako na pinaasa kita. Jeremy, sobra akong nagsisisi. Pakiramdam ko isa akong paasa. Pinaasa kita kahit alam kong..... masasaktan ka lang sa huli. Jeremy, sorry. Kahit ilang beses mo ng sinabi na napatawad mo na ko. Hindi parin ako mapapagod na magsorry sayo. Jeremy, mahal kita. Pero hanggang dun lang sa kaya ko. Hanggang kaibigan lang. Alam ko naiintindihan mo. Jeremy, sobra akong nagpapasalamat sayo. Tatanawin ko tong isang malaking utang na loob. Kung siguro ko hindi mo ko tinulak nung panahon na yon, ako siguro ang nandiyan. Kaya salamat. Salamat. Jeremy, kung nasan ka man ngayon. Sana maging masaya ka." sabi ko habang pinupunasan ang luhang kanina pa tumutulo.
"Tol, maraming salamat sa lahat. Kahit sa sandaling oras na nakilala kita, alam ko na mabuti kang tao. Alam ko na mahal na mahal mo si Hershey. Wag ka mag alala tol aalagaan ko siya. Yung bilin mo sa akin hinding hindi ko makikilimutan. Hinding hindi ko siya sasaktan. Hindi ako mangangako pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para hindi siya masaktan. Mamahalin ko siya ng buong puso na higit pa sa buhay ko. Tol, tatanawin kong isang malaking utang na loob ang pagligtas mo kay Hershey. Habang buhay kong itatanim sa isipan ko na may isang taong katulad mo. Isang taong nagsakripisyo para sa taong mahal niya. Napakabuti mo Jeremy. Kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka." sabi ni Sam atyaka ako inakbayan at sabay naming pinalipad ang hawak naming puting lobo. Paalam, Jeremy. Hanggang sa muli nating pagkikita.
"Halika na"aya sa akin ni Sam atyaka hinawakan ang kamay ko at sabay na kaming pumuntang parking.
Naabutan namin na nandoon si Henry at Joanne. Nakatayo sila sa tapat ng sasakyan ni Sam. Anong ginagawa ng mga to dito? Hindi ba nila inaasikaso ang nalalapit nilang kasal? Yes, next week na kasi ang kasal ng dalawa.
"Hershey, halika! Samahan mo ko. Kunin natin yung wedding gown ko"sabi ni Joanne pagkalapit namin sa kanila.
"Si Henry? Hindi ka ba niya sasamahan?"tanong ko kay Joanne.
"Ano ka ba girl! Alam mo bang bawal makita ng groom yung gown ng bride! Baka daw kasi maudlot"sabi naman nito. May kasabihan palang ganun.
"Ganun ba... sige samahan na kita. San ba tayo sasakay?" tanong ko ulit kay Joanne.
"Dun sa kotse ko"sabi nito.
"Hahatid tayo ni Henry?"tanong ko dito. Umiling naman ito.
"Sino si Sam?" umiling ulit ito.
"Eh sino?"
"Tayong dalawa lang" What? Kami lang? Hindi ako sanay magdrive!
"Hershey, sanay na si Joanne magdrive. Tinuruan ko yan" sabi ni Henry. Talaga? Wow ha! Bilis matuto ng bestfriend ko.
"Yep Yep! Kaya halika na. Una na kami ha"sabi nito sabay halik sa pisngi ni Henry atyaka pumasok sa kotse. Susunod na rin sana ako ng hawakan ako sa braso ni Sam.
"Bakit?"
"Yung sa akin?"sabi nito sabay turo sa pisngi niya. Napangiti naman ako atyaka ko siya mabilis na hinalikan sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Crush ako ng Heartthrob?
Teen FictionSam Hale Enriquez, the Heartthrob. He is perfect. He is sweet, handsome, hopeless romantic, caring, gentleman and etc. In other words, He is every girls dream boy. But only one girl captures his heart, her name is Hershey Easton. Hershey easton is t...