Date: March 12, 2015
Penname: UndercoverWerewolf
1. Introduce/describe yourself…
- Hi! I’m UndercoverWerewolf, a BS Biology graduate. Self-proclaimed taong-bahay.
2. When did you start writing?
- Since I was ten, I think? Pastime ko lang kasi siya no’n. Naalala ko pa, puro fanfiction ng anime ang ginagawa ko (mainly Ghost Hunt).
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- Undercover at Werewolf, obviously, ang dalawang pinagsama ko as pen name ko. Undercover kasi gusto kong maging detective no’n. I want to solve crimes. Werewolf kasi naniniwala ako na kung hindi ako naging normal na tao, baka naging taong-lobo ako. Haha!
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Actually, matagal na na-under evaluation ang kuwento ko. Umabot ng tatlong buwan so I decided na kontakin sila about the progress. The next day, nalaman ko na approved na. Never pa akong kinilig throughout my whole life. No’ng panahon lang na 'yon. Haha! Pero masaya. Masarap sa pakiramdam na may naibunga ang pinaghirapan mo ng ilang buwan. :)
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Wala, actually. Na-inspire lang ako sa mga binabasa ko. One time nga, tinanong ko ang sarili ko, “Paano kaya kung makapagsulat ako ng isang buong kuwento? May magbabasa ba? May patutunguhan ba?” So I decided to start writing.
- Actually, wala akong inspiration noon. Humuhugot lang ako sa sarili ko. Lately, ang parents at friends ko. I wanna make them proud.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Nakikinig ng mga kanta. Doon kasi ako humuhugot ng emosyon para sa mga sinusulat ko. Madalas nagko-concert ako mag-isa sa bahay. Haha!
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- Shake it off lang. Hindi ko na lang sila pinapansin. Thankfully, wala pa naman 'yong talagang sobra or else, napektusan ko na sila. Joke lang. Hehe.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Forensic scientist! I wanna solve crimes by studying dead bodies of the victims. Simula’t sapul, 'yon na talaga ang gusto ko. Kung hindi naman, baka maging isang veterinarian o kaya isang researcher ako. The latter involves laboratory practices which I love to do.
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- Chronicles of Narnia series ni C.S. Lewis. It took me to place I never knew existed. Sobrang gumana ang imagination ko habang binabasa 'yon. Ang dami kong natutunan. Ang flawless ng pagkakasulat niya.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
-Si Bob Ong. Though, hindi ko pa nababasa ang karamihan sa mga libro niya (kasi wala akong perang pambili. Hehe!), masasabi ko na isa siya/sila sa pinakamagaling na manunulat sa henerasyong ito. Simple pero may tama. Nare-reflect niya ang realidad. No’ng nabasa ko ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, doon ko na-realize na kailangan kong magsulat ng kuwentong nakakatakot.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- American TV series and novels. Para sa akin, mas diverse kasi ang mga kuwento nila at 'yon ang gusto kong ipakita sa mga kuwentong nililikha ko.
12. Titles of your published and to be published book…
- Pandemia series (though Pandemia pa lang ang approved and published)
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Tantanan nila ako. Bago pa man maging sikat ang Wattpad, mataas na ang teenage pregnancy rate sa Pilipinas. Excuse lang nila 'yan kasi nakiki-ride sila sa mga sikat just by bashing them. Wala nang magawa sa buhay. Imbes na sisihin ang sarili dahil sa walang ginagawa para sa komunidad, iba pa ang sisisihin.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- Siguro, LGBT and Historical Fiction. I wanna explore those genres. Actually, lahat na ng genre, gusto kong gamitin. Nagsisimula na ako. I will not stop. Hehe!
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Write and read! Go lang nang go! Kahit ano’ng mangyari, don’t give up. If being a writer is your dream, hold on to it. Pag-aralan mo ang prosesyong kinuha mo. Hindi madaling maging writer. Dugo’t pawis din ang puhunan. Aja! :)
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
RandomKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^