Chapter 29

57 12 0
                                    

Chapter 29...Ghost



Alexandra Point of View

Lumipas ang mga araw at naging normal naman ang lahat. And wait. Hindi na si Ma'am Davis ang adviser namin. Nagbago na simula pa noong nangyaring pagpapahiya niya sa amin sa harapan ng maraming estudyante. But she already said sorry to us for what she did. I forgave her anyway. Hindi ko lang alam kay Louise.

Nakinig ako nang maayos para kahit saang subject ako mapunta ay ayos lang. Matapos ang klase ay pumunta ako sa locker ko para itago ang iilan kong mga gamit. I put some of my notebooks and books inside. As soon as I closed my locker, the light went out.

Tumingin ako sa paligid pero wala akong makita. Hindi ko nalang ito pinansin dahil inisip ko na babalik din ang kuryente mamaya. I was about to leave after locking my locker, but the door wouldn't open when I turned the knob. Sinubukan ko ulit nang paulit-ulit pero ayaw talaga.

"Bakit ayaw magbukas?"

Sumuko na ako at lumayo sa pinto saka tumingin sa paligid. Ngayon ko lang napagtantong ako lang ang tao sa loob dahil tahimik ang paligid at wala akong nakikita ni isang tao. Hindi ko alam ang nangyayari. Nagtataka kong nilibot ang paningin sa loob.

"Hello? Wala bang tao d'yan?" I asked while looking around.

Walang nagsalita kahit isa. Nagtataka ako and the same time, nakakaramdam na ako ng takot. Ang pagkakaalam ko kasi may mangilan-ngilang estudyante ang nandito kanina nung pumunta ako tapos ngayon wala na.

"Hello?---What the!" Napatalon ako sa gulat sa narinig kong isang malakas na kalampag.

Oh my gosh! I hate ghosts, okay? Please prank me with whatever strategy you want, but not the thing that involves a ghost. I really can't handle this kind of situation. 

Noong una, isang kalampag lang ang narinig ko pero ngayon may kumalampag ulit hanggang sa naging sunud-sunod na. Luminga-linga ako sa paligid para hanapin kung saan nanggagaling iyon. 

"Kung sino ka mang nananakot, please itigil mo na hindi nakakatuwa." I said. Baka sakaling pinagtitripan nga lang ako pero para talagang seryoso ang nangyayari.

Natatakot na talaga ako. Pinagsisisihan kong hindi ako nagpasama kahit kay Louise. Lumakas nang lumakas ang kalampag kaya bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya binalak ko nalang ulit na tumakbo papunta sa pinto pero bago pa ako makarating doon ay tumigil ang kalampag. Tumigil din ako. Ayokong lumingon dahil natatakot ako sa posibleng makita pero sadya yatang mapaglaro ang pangyayari dahil maya-maya pa ay may narinig akong nagbubukas mula sa likuran ko. Para itong tunog ng isang locker na nagbubukas.

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ang isa ngang locker na bukas na. Napalunok ako at sinimulang humakbang palapit doon. I have no idea where I get the confidence to even consider going there. Maybe because I let my curiosity win.

"Please. Sana walang lumabas na multo dito." Natatakot kong bulong sa sarili.

Dahan-dahan pa rin akong lumalapit at nang nasa tapat na ako ng locker, pigil hininga ko itong sinilip ngunit nang tuluyan ko na iyong tiningnan ay wala naman akong makita sa loob dahil nga madilim. I was going to let it down because I'm not stupid enough to walk any closer, but I was shocked to see a hand dangling from inside. Medyo nasasanay na ang mga mata ko sa dilim kaya naaaninag ko ito at hindi ako pwedeng magkamali. That's a hand. Napatakip ako ng bibig. Hindi ko alam kung sisigaw ako o hindi dahil sa takot. Paanong nagkaroon ng kamay dito?

Pero hindi pa pala iyon ang huli dahil sunod na lumabas ay ang isa namang paa hanggang sa naging dalawang paa at may lumabas pang isang kamay. Napaurong na ako sa takot at nanginginig na rin ako. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako tumatakbo sa mga oras na ito.

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon