Too Late

65 0 0
                                    

Jessica's POV

Andito ako ngayon sa starbucks , umiinom ng frappe habang naglalapotop. Jessica Friyas nga pala. Nahagip ng perephiral vision ko ang dalawang pamilyar na mukha na umoorder sa counter. Si Zackh at Kat. 


Tinuon ko nalang ulet  ang pansin ko sa laptop ko. Hanggang ngayon sariwang sariwa padin ang sugat dito sa puso ko.


 Si Zackh ang pinakaunang lalaki na nachallenge ako. Crush ko si Zackh. Lahat  ng mga nagiging crush ko nalalapitan ko, nakakausap ko pero kay Zackh iba. Nakilala ko siya nung may binisita kaming kaibigan dahil paalis na yung kaibigan namin na iyon.


 Nag usap kami ni Erick, kaibigan ni Zackh na mag sabay nalang kami ng punta dun sa kaibigan namin na paalis na. Dun ko nakilala si Zackh, hindi ko lang siya pinansin noon kase busy ako sa pagdradrama doon sa kaibigan naming papaalis na. Hindi ako nagpacute sakanya kase mas binigay ko ang atensyon ko doon sa kaibigan ko. 


Mas maaga kaming umalis sa bahay  ng kaibigan namin dahil makikisabay lang kami sa isang kaklase namin at pupunta pa kami sa isang resort. Hindi makaksama ang kaibigan namin na dinalaw namin kase mag aayos pa siya ng mga gamit niya. 


Nung nasa resort na kami biglang nabanggit ni Maila, isa kong kaklase na kasama namin na ang gwapo  daw ng naka dark blue t-shirt na kabarkada ni Erick. Sinabi ko naman na si Zackh  yun. Matagal ko ng kilala si Zackh pero hindi ko lang talaga siya napapansin dahil kung hindi pa kami bibisita sa bahay ng kaibigan namin na papaalis na hindi ko pa siya makakasama na as in makasama at makaharap ng as in kaharap.


Palagi ko namang nakikita noon pa si Zackh pero  hindi ko lang talaga siya pinapansin. Ewan ko nga ba kung bakit hindi ko siya pinapansin eh. Pagkatapos ng araw na iyon, nagkainteres nalang ako biglaan kay Zackh. 


Sinabi ko kay Ellie, kabarkada ko na medyo close sa barkada nila Zackh, na  crush ko si Zackh at tulungan niya ako para mapalapit kay Zackh. Napag alaman naman niya na single si Zackh. 


Nag iisip ako ng paraan para maging magkaibigan kami ni Zackh, unang pumasok sa isip ko eh ichat siya. Halos mabaliw ako ng mga time na yun kase nalilito ako kung ichachat  ko ba si Zackh or hindi. Nagtanong pa ako kila Matt at Erick na mga barkada ni Zackh na kaibigan ko din eh kung okay lang ba na babae minsan ang unang makipag usap sa lalaki, okay lang naman daw sagot nila kaya chinat ko siya. 


Ang saya kausap ni Zackh. Sabi ko din kila Erick na tulungan ako kay Zackh. Kaso, isang gabi minessage ako ni Erick na may ka MU na pala si Zackh at kumakailan lang din niya nalaman. Sabi pa nga ni Erick na sana daw mas maaga pa niyang nalaman para nasabi niya agad saakin. Sabi ko nalang okay lang.


May JS Prom samin, ako lang ang walang partner nun. Silang lahat  may mga partner. May mga nag aaya naman sakin pero tumatanggi ako.


 Nag paka ampalaya ako nun. Si Zackh kase kapartner niya si Kat na nililigawan niya. 


Nung inanounce kung sino ang prom king and queen sobrang na gulat ako dahil si Zackh ang prom king at ako ang prom queen.


 Sobrang unexpected.  Sabagay, expect the unexpected nga pala. 


Pagkatapos kaming koronahan nagsayaw kami sa gitna. Medyo naiilang pa nga ako nung una eh. Sumayaw nadin ang iba, nakakalahati palang ng kanta ng sinabi ni Zackh na pupuntahan na niya daw si Kat, itatanong na niya daw kase kay Kat kung pwede na niya itong maging girlfriend.


 Hindi pa ako nakakasagot iniwan na agad ako ni Zackh sa gitna. Gustong gusto kong umiyak nung mga panahon na yun kaso pinigilan ko nalang. Umupo nalang ako hanggang sa matapos  ang prom. Hindi nadin ako nakisabay kila Paulo na dapat na sasabayan ko. Nakisabay nalang ako sa iba kong kaklase. 


Sana kase noon ko palang napansin ko na agad si Zackh. Sana kase noon palang may naramdaman na ako sakanya. Sana kase noon palang gumawa na ako ng paraan para mas makilala ko siya. Kesa ngayon na nasasaktan ako. Huli na ang lahat.


Napatingin ulet ako sa gawi nila Zackh at  Kat. Ang saya saya nila. Kitang kita mo sa mga mata nila na mahal nila ang isat-isa. 


Umalis  na ako sa starbucks dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko. Pero bago ako tuluyang makalabas


" Ikaw lang at wala ng iba, mag hihintay ako Zackh" 

Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon