Chapter 34: Slam Book

15 2 8
                                    

I pressed the doorbell once but no one responded so I pressed it again. Napatingin ako sa reflection ko over the metal door in front of me.

I am wearing a mint green hoodie jacket and jeans, I am also wearing green sneakers. My hair was tied into a messy bun and I had my anti-radiation glasses on my eyes.

I looked at my watch, it's already 9 o'clock am, and he's still not opening the door. Isn't this his condo unit? 1602, tama naman. Wala sigurong tao rito ngayon? I was about to turn my back when I heard the door opened. It was Blaze, his hair is extra messy, halatang kagigising niya lang dahil sa kakaibang pungay ng mga mata niya. He's wearing a dark gray hoodie jacket and white sweatpants, apak din siya at namumula ang mga pisngi.

"Did I disturb you?" I asked, naningkit naman ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"Am I hallucinating?" he asked, he even touched his forehead kaya hinawi ko ng marahan ang kamay niyang 'yon at ako na mismo ang humawak sa noo niya using the back of my hand. Nailayo ko 'yon dahil parang napaso ako.

"Ghad! Pwede nang mag-boil ng egg d'yan sa noo mo, Blaze!" I exclaimed, nanlaki naman ang mga mata niya.

"H-How did you know---"

"Nabanggit sa akin ni Shaun." I answered, "I know this looks wrong, lalo na't tayo lang dalawa rito. But can I take care of you?" seryosong tanong ko. Natulala pa siya sa akin kaya pumitik ako sa harap niya.

"S-Sure," he stuttered and turned his back. Nilawakan niya ang pagkakabukas ng pinto kaya pumasok na ako, medyo nailang pa nga ako kasi nasa unit ako ng isang lalaki.

"Have you eaten?" I asked, nilapag ko ang mga paper bags ng pinamili ko sa kitchen bago siya nilingon. He shook his head and shut his eyes off. I shook my head too and took out the rice. Galing ito sa amin, nag-lagay na lang ako sa container.

I thought of cooking a Filipino food, yung favorite lutuin ni Dad noong nasa Italy pa lang kami, sinigang. Isa 'yon sa mga tinuro niya sa amin, iba pa roon ay ang adobo at afritada. But I prefer cooking soup for Blaze.

I placed the meat I bought on the sink and let the running water flow on it. Nagsimula na akong mag-prepare ng mga gagamitin, kumuha ako ng chopping board at knife para mahiwa ko na ang ibang ingredients.

Napatingin ulit ako kay Blaze, mukhang masama nga talaga ang pakiramdam niya.

"Blaze, matulog ka muna." I said,

"I'm sorry, Shanice." He whispered, his voice is husky. "Will you be okay here?"

"Yeah, no problem. I am sorry if I disturbed you, tawagin na lang kita kapag okay na 'to." I said,

"You didn't disturb me, it's fine." His pale lips curve into a small smile. "Thank you, asawa ko." he whispered, natawa na lang ako dahil sa tinawag niya sa akin.

I watched him ascending the stairs, mukhang matutumba siya kaya pinatay ko muna ang tubig sa lababo. I followed him. Inalalayan ko siya hanggang makapasok sa kwarto niya.

I looked around, it's neat and cold here. The room was filled with gray and white, there are some touches of light green.

He laid down on the bed and hugged himself. I covered him with a comforter, hininaan ko rin ang aircon.

"Blaze, do you have a face towel?" I asked, he nodded.

"Nasa cabinet," he whispered. lumapit naman ako sa cabinet, I searched for a towel. Nakakita ako kaya kinuha ko yun.

Rewriting Fate (Good Girls Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon