Sherine
Alas onse nang gabi ng pumasok ako sa kwarto. Hindi ko na nagawang kumain matapos umalis ng mag ama. Nagbabad nalang ako sa tubig at doon umiyak. At kahit na nasa kama na ako ay hindi ko pa rin maiwasan isipin si Astraea. Ito ang unang beses na matutulog ako dito na wala ang anak ko.
Binalot ko ang aking katawan sa kumot at niyakap ang unan ni Astraea sza aking tabi. I missed my daughter already. Tulog na kaya siya? Uminom na ba siya ng gamot? Anong kinain niya? Sobrang dami kong tanong dahil sa pag-aalala sa anak ko. Hindi naman siguro siya pababayaan ni Ranzel. Maalaga siya sa pamilya, mahal na mahal niya ang kapatid niya- kaya may tiwala ako na aalagaan niyang mabuti ang anak namin.
Umilaw ang cellphone ko sa gilid ng kama at nakuha agad nito ang atensyon ko. Agad ko itong inabot at bumalik ulit sa pwesto bago binuksan.
Message from Elias.
Elias :
Jen told me about Astraea and Ranzel. How are you now?
I smile as I typed my message.
Ako:
Fine. All alone again. Astraea is with Ranzel. Si Jade kasama mo?
Elias:
She's sleeping, we had a small fight but we're fine.
Akma akong mag titipa ng sagot ngunit kumunot ang noo ko at napa-upo sa kama nang marinig ang pagbukas at sara ng gate. Wala na ang mga katulong. Ako nalang ang tao dito- sino naman kaya ang uuwi na ganitong oras ng gabi?
Bumangon ako sa kama at lumabas. Gamit ang flashlight para ilawan ang pasilyo. Dahan-dahan akong bumana sa hagdanan . Nang makarating ako sa huling baitang ay agad kong kinapa ang pader sa gilid upang mabuksan ang switch ng ilaw.
Tuluyang bumukas ang ilaw at nagulat ako sa nasilayan ko sa sala.
"Mamá!" salubong sa akin ng anak ko. Nagtatakbo siya papunta sa akin at niyakap ako. "I'm home..."
Habang akap-akap si Astraea ang mga mata ko naman ay nakay Ranzel. Nakatingin lang din siya sa akin pero hindi mabasa ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Pareha silang naka suot ng pares na pajama- ganon din ang suot ko ngayon.
Bumaba ang tingin ko kay Astraea na ngayon ay nagsisimula nang pumungay ang mga mata.
Kinuha ko ang kamay ni Astraea at sinama siya papunta sa kusina. "Bakit kayo nandito?" Tanong ko kay Ranzel ng madaanan ko siya.
Agad siyang sumunod sa amin. "Gusto ng bata na kasama ka... Isa pa, hindi rin kami makatulog." Aniya.
Nasulyapan ko ang pag-alalay ni Ran kay Astraea pa-upo at pasimpleng inayos ang kumakawalang buhok ng bata sa mukha. Nag-init ako ng tubig upang timplahan ng gatas ang anak ko. Nag labas rin ako ng pagkain mula sa ref, tinapay, ice cream at Cheeze quiz na paborito ni Astraea.
"wah, cheese!"
Bumaling si Ran kay Astraea. "You like this?" Tumango ang bata. "Your papá will make you sandwich, is that fine?"
Habang tinititigan ang mag ama ay hindi ko mapigilang mapa luha. Tila may humaplos sa puso ko. Ganito pala ang pakiramdam na magkaroon ng kumpletong pamilya. Hindi ko man naranasan noong bata ako, pero masaya ako na mararanasan ng anak ko.
Agad akong tumalikod at pinunasan ang tumulong luha. Tinimplahan ko silang dalawa ng gatas.
"Papá, you promise me that you'll teach me to ride a bike, ha? That's a promise! Promises shouldn't be broken."
Lumipad agad ang tingin ko kay Ranzel at naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Pasimple akong umiling tanda na huwag siyang mangako sa bata kung hindi siya sigurado.
BINABASA MO ANG
Building Promises ( Ventura Series #2 )
RomantikVentura series #2 "I fall for a heart that doesn't beat as loud as mine." (Engineer X Architect) 2020-2021