07: Simple Day

73 10 6
                                    

Jennie's POV

Nasa gitna ako ng klase, pang tatlong subject bago kami magka-lunch time. Hindi ko nga alam kung bakit hindi vaccant yung araw ngayon, ngayon kami pipili ng club tapos may mga klase pa?

"Everybody, mag papa-quiz ako. Pero bago 'yon, lets have a recitation." Seryosong saad ni Maam at napa buntong hininga nalang ang mga kaklase ko. 

Manghihingi nanaman sila ng papel, kokopya nanaman saakin yung mga nasa tabi ko...hays. Wala ba kayong sariling buhay?

Habang nag tatawag si maam, bigla kong naramdaman na nag vivibrate yung phone ko

Pasimple ko itong sinilip at---tingnan mo nga naman, wrong timing sila tumawag. Hindi ko ba nasabi sakanila yung sched ko?

Napairap nalang muna ako bago ko tinaas ang kamay ko at tumayo

"Ma'am, pwede po bang mag CR? Magpapalot lang po ako..." Magalang kong sabi at napatingin naman sila saakin

Gosh, yun lang ang naisip kong rason. Hindi nyo ko masisi.'

"Ok. Ms. Dela Cruz, pakibilisan nalang." Tumango ako at pumunta sa pinaka dulo at pinaka malapit na pinto sa kinauupuan ko

Sa likod kase ako nakaupo, habang si Moira sa harap dito sa subject na to

Agad akong sumilip sa isang CR at napagtanto kong walang tao doon, pumasok ako sa CR ng mga babae at sinara yung pinto. Nilagay ko din na 'out of service' yung CR para walang pumasok

Tumingin ako sa phone ko na hawak hawak ko ngayon, pang dalawang ring na to

"Hello." Seryoso kong sabi

"Wala, wala pa kong balita at nakikita---ha? Eh kayo nga yung wrong timing sa pagtawag!" Nakakainis naman tong kinginang to, hindi ata alam yung salita wait

"Oo, sigurado ako---teka nga. Paano ko kaagad mahahanap yung taong yun kung wala naman kayong binibigay na picture?" Itinaas ko yung kilay ko

"Ano---pupunta kayo!? Sa dorm!?--hindi! Wag na, papuntahin mo nalang isa sa mga kasama ko at sila ang mag bigay ng picture---nakakabobo kayo alam nyo ba? Pwede naman isend nalang yung picture---oo. Sge. Bye." 

Pinatay ko na yung tawag at napairap

Bakit ba sila nag mamadali, mamatay na ba si boss master?'

Lumabas ako sa CR at sakto walang tao, tinangal ko na yung 'out of service' sign dahil wala naman na ko doon

Bumalik na ko sa klase at sakto, paalis na si maam.

"Pst, senador! Walang quiz?" Tanong ko sa president ng classroom namin, ang galing ng apelyedo no? Senador.

"Wala. Time na daw kasi, saka pilian ng mga club kaya pinag bebreak time na." Sagot naman nya at napatango ako.

Nag tungo ako sa desk ni Moira na nag liligpit, nginitian ko sya at napatingin naman sya saakin

"Tara? Tapos na din ata sila Lira. Sabay na uli tayo kumain." 



Jicel's POV

Nag lalakad ako ngayon patungo sa canteen, and yes. Di pa din binubuksan yung caffeteria. Buti nga at malaki yung canteen namin dun kami nakakain.

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon